Shot#9 CUPID'S GAME

1 0 0
                                    

   
      "Dre san tayo mamaya? And yel, hindi namin tatanggapin ang hindi mo. Kasama ka sa ayaw at sa gusto mo. Tama na ang pagiging lonely boy, sayang lahi oh? Kita mo, ang pangit mo na?" Umingos ako lalo noong magtawanan sila.

"Siraulo!" Yun lang nasabi ko, hindi naman sana ako aayaw pero dahil sa mga sinabi niya gusto ko na lang talagang umayaw.

"Subukan natin iyong bagong bukas na Haunted house sa Fourth Avenue." Excited na saad ni Ethan, akala ko kokontra ang iba pero in the end sila pa mas nauna sa daan. Go with the flow lang ako, tinatamad na talaga ako umalis ng umalis mula noong araw na iyon. Hindi naman ako matatakutin, ewan ko na lang sa kanila sana matanggal itong nararamdaman kong katamaran sa haunted house na sinasabi niya, kung hindi, hindi na ako sasama sa sunod. Sayang oras, edi sana tulog na ako sa bahay kanina pa pagkauwi ko.

Malayo palang kita na namin ang kahabaan ng pila. Magrereklamo sana ako pero mayroong umakbay sa akin at tinapik ang balikat ko.

"Chill! Hindi pa nga ramdam ko agad ang init ng dugo mo!" Tumawa ng bahagya si Joseff, sa apat, siya ang mas kasundo ko, mahinahon kasi ito at hindi magulo atsaka, kaya talaga ako netong pakalmahin. Bumuntonghininga lang ako pero hindi na nagsalita pa.

Napapikit ako, at hinilot ang sintido ng ramdam ko na ang pagod sa pila. Halos sampung minuto na kami rito. Nagtitimpi na lamang ako kasi malapit na rin lang. Isang gropo na lang ng tatlong babae at dalawang binabae ang nasa unahan namin. Sunod na kami iingit pa ba ako? At dahil sabit ako rito, wala akong binayaran, si Ethan na nagbayad para sa akin.

"Next!"

Yun na nga. Isa-isa kaming pumasok. Ang iingay. Nagtatawanan ang tatlo, nagtutulakan at tinatakot ang isa't-isa. Kasunod nila si Joseff na tatawa-tawa lamang habang ako ang pinakahuli. Ang sabi ng nagbabantay sa labas, para daw itong maze, mababa na ang 15 minutes kapag nahanap agad ang daan at kalahating oras naman kapag naligaw.

Napapangiwi ako kapag sumisigaw si Kier, Hindi naman ito matatakutin, magugulatin, oo. Tapos sasabayan pa ng tawanan ng dalawa. Tahimik lamang akong nakasunod sa kanila at panaka-nakang lumilingon si Joseff sa akin. Sinusiguro kung nakasunod pa ako.

Sa isang kanto sa unahan, medyo 10 metro ang layo nila sa akin kasi binagalan ko ang lakad. Masakit na tenga ko sa ingay. Sa kanto mayroong isang gropo na papasalubong, nagkagulatan sila at nagtawanan. Maingay pero noong bigla na lang mayroong nahulog na parang bangkay sa harap nila. Tumili ang mga kababaihan at napasigaw sina Ethan. Nagtakbuhan sila, lumingon sa akin si Joseff, tumango at sumunod sa kanila. Umiling-iling ako.

"Fey!!!"

Natigil ang paghakbang ko ng marinig ang pangalan na iyon. Lumingon ako at kita ko sa di kalayuan ang dalawang pamilyar na babae. Tama nga ang pagkakarinig ko.

"Ehhh!!" Nagtitili pareho ito dahil sa gulat ng may mala- pennywise ang umakbay sa kanila. Nagtatakbo ito papunta sa akin. Lumingon sa harap ang isa, na sa pagkakatanda ko si Shane. Namilog ang mga mata nito at hinila pa ang isa pa at nagtago sa likod ko.


"Omg!!! Gadiel Thanks God!!" Nilingon ko sila sa likod ko mula sa balikat ko. Habol ang mga hininga. Paypay ang kamay sa mukha, pawis na pawis at namumutla, habang ang isa naman ay ganoon din pero panay lingon sa paligid parang may hinahanap. "Mabuti nandito ka Gadiel. Pwede mo ba kaming tulongan? Nahiwalay kasi kami kay Fey sa may parteng sementeryo, nagtatakbo kaming dalawa at noong makalabas na kami doon lang namin napansin na wala na siya!! Sinubukan naming bumalik pero wala na siya at hinahabol na kami ng mga patay, jusko!!"

ONE SHOTS Where stories live. Discover now