SHOT #5 RIGHT TIME

0 0 0
                                    

 
C

OSMOS PADON POV

     "Oy!! Look who's walking mindlessly sa territory natin!"

"The great Alocasia Villaceran!"

Inalis ko ang tingin sa ginagawa at tinignan ang binanggit ng mga kasama ko. Oo nga, it's the real one. Who wouldn't knew her? Siya lang naman ang nag-iisang anak ng mag-asawang Villaceran, Ang isa sa mga kilala at mayamang pamilya dito sa lugar namin. Palagi rin silang nafe-feature sa magazine, news at sa mga social media platform.

Palinga-linga ito na para bang mayroong hinahanap. Bakit nga ba siya napunta rito? Sa pagkakaalam ko, freshman pa lamang ito, so bakit narito sa 4th year department ang isang tulad niya?

Muntik akong mapaatras ng magtama ang mga mata namin.

'Woah!'

Hindi ko alam pero kakaiba ang impact noon sa akin. Naglakad ito, hindi ko alam pero pakiramdam ko papunta sa akin, diretso at sa akin lamang siya nakatitig.

"Oy oy! Dito ba siya nakatingin?"

"Gagi!! Sino tinitignan niya sa atin??

"Shit ang ganda niya talaga lalo sa personal!"

Can't argue, maganda nga siya pero kung titignan, wala siyang kahit anong kulurete sa mukha, walang expensive stuffs, kahit ang damit nito ay simple lang. Parang hindi mayaman, pero mukha pa rin mayaman dahil sa kutis niya at sa mukha.

Tumigil ito sa lamesa namin at oo, kumpirmado, sa akin siya nakatingin. Nakatingala ako sa kanya, alam kong bahagyang nakaawang ang labi ko. Nakakahiya man pero pakiramdam ko, nauubusan ako ng hangin sa katawan dahil sa tanawing nakikita.

'Mas maganda nga talaga siya sa personal, sa harapan!'

"Gusto kita, Cosmos Padon!"

Tuluyan nga akong napanganga sa sinabi niya. Nagkaroon ng katahimikan, walang nagsalita. Para bang nagulat ang lahat o talagang hinihintay nila ang sagot ko.

Hindi niya tinatanggal ang mga mata sa akin. Nakikipagtitigan. Naghihintay.

'Gago! Gusto ko lang naman mag-aral ah!'

Naitikom ko ang bibig at inayos ang sarili. Tumayo ako upang harapin pa siya. Matangkad din pala siya, matangkad na ako pero umabot na siya sa mata ko ata.

Wala siyang kangiti-ngiti, hindi ko mabasa kung nagsasabi ba siya ng totoo o prank lang ito. Kailangan kong mag-ingat.

"Totoo! Gusto kita, unang kita ko pa lang sayo sa mga outstanding student sa bulletin board."

Naglinya ang mga labi ko, nagsalubong ang dalawang kilay ko. Ipinatong ko ang kamay sa ulo niya.

"Miss Villaceran! Mukhang naliligaw ka ata. Hindi ito ang playground para sa mga batang katulad mo. Malayo rito ang freshmen department, doon pa sa kabilang dako ng campus. Gusto mo bang samahan kita roon?"

Kinalma ko lamang ang sarili dahil hindi naman basta-bastang tao ang kaharap ko. Mahirap na baka mawala pa ang scholarship ko.

Natigil ako ng unti-unti itong ngumiti sa akin. Mukhang ako naman ata ang maliligaw kapag magtagal pa ito. Tinanggal ko ang kamay ko sa tuktok ng ulo niya.

"Hindi na kailangan. Alam ko ang daan, kaya nga napunta ako rito. Alam ko ang daan papunta sayo, Cosmos."

Mamamatay ata ako sa ginagawa ng batang ito. Ang nakakapagtaka pa dahil ang tahimik ng paligid. Inilibot ko ang paningin sa kanila, at gulat na gulat sila, nakanganga pa ang iba. Napailing-iling ako at ibinalik kay Miss Villaceran ang tingin.

ONE SHOTS Where stories live. Discover now