20 - Friend or Relation (shit?)

0 0 0
                                    


MARIETH RUIZ POV
    
      "Happy birthday Mar-ye-taaaaa!" Nasira ang mukha ko sa pagbanggit nila ng pangalan ko sa tagalog. Ang tigas at ang pangit ng pronunciation. Kapag gustong-gusto nila akong asarin talagang gagamitin nila yan, at hindi talaga nila pinatawad pati ang birthday ko.

"K thanks!"

"Blow the job na! Este the candle!" Napalingon kami kay Saralee ng sabihon niya iyon, pati ang boyfriend nitong bentang-benta na sa mga sinabi niya tinignan siya ng masama, kinatawa iyon ng iba pero pinandirihan ko siya.

"Kadiri ka talaga girl, make wish pa nga." Nag inarte rin ito at sinabunotan pa ito ni Ariella. Nag away pa sila, kung hindi pa pinigilan ni Lesther baka lumala pa yun. Asaran lang yun sa kanila pero araw ko ito, aagawan pa nila ako ng spotlight.

"Sana po magka boyfriend na ako. Pakiusap po Lord 26 na po ako, and apat na taon na po akong walang halik. Jusko naman! Amen po!" Nagtawanan sila habang hinihipan ko ang kandila.

"Manifested na namin yan yeye!" Saad naman ni June, as in month of June pero February naman ang birthday niya. Naalala ko tuloy ang sinabi ni tita, mama niya. February daw kasi siya ginawa kaya ganoon. Pinagtawanan lang namin iyon magkakaibigan pati si tita nakitawa pa nga eh. Asar na asar naman ang tukmol.

"Inuman na!" Saad ni Lesther. Napailing-iling na lang ako sa kanila.

Actually, nasa apartment kami ngayon ni Ariella. Wala rin naman ang boyfriend niya at seaman iyon. Nagbyahe pa ako from Siargao para dito lang mag celebrate ng kaarawan ko. Humingi ako ng isang linggong bakasyon, tutal so far hindi pa ako nakakapag leave since nagtrabaho ako doon.

"Sinasabi ko na kasi sayo ye dito kana lang sa Manila eh para sama-sama lang tayo, ang hirap mo pa naman mareach out. Ikaw pa na hindi rin makisocial media."

"Oo nga ye, tama si Sara. Parehas lang naman ata ang minimum na pasahod kapag sa mga high class restaurant or hotels ka lumipat. Sayang ganda mo dun, maiitim mga tao run, tignan mo muntik kana namin hindi makilala. Tutong kung tutong eh!"

"Siraulo ka talaga June!" Nagtawanan kami sa biro niya.

"Hiring dun sa Taft Inc., narinig ko mula kay tita. Naghahanap sila ng bagong receptionist." Napalingon ako sa kanya, mula pa kanina ngayon pa lamang siya nagsalita. Tinaas niya bahagya ang kilay sa akin. Civil.

"Kita mo na ye. Si Cliff lang pala ang kailangan mo, lumalayo ka pa." Si Ariella naman. Nagtawanan sila sa sinabi pero nginiwian ko siya.

Actually, two circle of friends kami na nabuo na lamang noong college kami. Ang kaibigan ko talaga sina Lesther at Ariella mula pa high school, best bud pa nga. Tapos magkakaibigan din sila Saralee, June at si Cliff. Noong magkolehiyo kami, si Lesther, Ariella, June at Saralee, sa iisang school sila pumasok. Si Cliff sa Cebu, ako naman sa kabilang school lang, dito lang din sa Manila. Kaya hindi kami gaanong close ni Cliff, civil lang kami sa isa't-isa, hindi ko alam pero baka hindi kami compatible, ewan. Though, may iilang beses din kaming nagkasama during college days kasi nga best friends niya pa rin yung dalawa at dahil nandito lang din ako sa Manila, nahahatak pa rin ako ng mga tukmol kong kaibigan, hanggang sa naging close ko na rin sina Saralee at June. Isa pa sa naging reason kaya naging isang circle of friends na lang kami kasi ginayuma ni Saralee ang kaibigan kong si Lesther at yun nga hanggang ngayon sila pa rin.

Lahat sila dito sa Manila nagwo-work, ako lang ang nalayo. Kasi in the first place alam naman nila na gustong-gusto ko sa dagat, kahit na nga may phobia ako sa tubig. Pero, after maggraduate ako ng college sumama ako sa kapatid ko sa Siargao na doon din nakapag asawa. Takot na takot ako sa tubig pero I overcome it. Hindi ako pumayag na hindi harapin ang kinakatakot ko, kaya ngayon suki na ako ng surfing doon. Kaya nasabi rin ni June na tutong na ako kasi oo nga umitim ako kakabilad ko every off ko.

ONE SHOTS Where stories live. Discover now