My Ex but Why (5)

61 2 4
                                    

Pops POV

Nakatulog na siya sa kakaiyak. Nakakahiya kila Lea. Kaya bumaba na siya sa living room.

"Pipay, okay ka na?" Alanganin ang ngiting tanong ni Lea kay Pops.

"Honestly hindi ko alam e." Sagot naman niya.

"Kaya mo yan Pipay, pero kailangan mo siyang kausapin, para maliwanagan ka." Payo pa ni Lea.

"Para saan pa? Naku kung ako yan ngayon pa lang naka balot na mga gamit nun at nasa pintuan na." Singit naman ni Dawn.

Tiningnan niya ang mga kaibigan at nilapitan ang crib kung nasaan si Austin.

"Ang bitter natin couz a. Isa ka pa din naman e, bakit ikaw hindi mo binigyan ng chance mag explain si Richard?" Ani Lea at napatango na lang siya.

"Magkaiba naman kami ng sitwasyon ni Pipay Lea. Yung sa amin ni Richard technically bakla ako ang ginawang kabit e si Martin nangabit siya at take note kaibigan pa namin!" Sagot naman ni Dawn.

"Hoy, baka nakakalimutan mo annulled na sila? Kaya technically din kung babae man nga yun ni Martin hindi pa din kabit tawag dun kaya kailangan pa din natin malaman ang side niya. Ganun yun kasi kapag mahal mo, ipaglalaban mo yun!" Giit pa din ni Lea.

"E bakit ikaw hindi mo maipaglaban yang nararamdaman mo para kay Aga?" Dawn kept on tauting Lea as well. Nakakalokang mag pinsan!

"Excuse me, umpisa pa lang ipinaglaban ko na, pero anong magagawa ko kung di naman ako ang mahal?" --Lea

"See? Ganun din naman ako kay Chard, nag pa ligaw pa nga ako diba? E kaso may mahal palang iba. Kaya para saan pa para makipag usap ako? Ikaw nga di mo rin kinausap si Aga nung puntahan ka nung concert mo diba?" --Dawn.

"Uy! Di ko alam yun a. Pinuntahan ka talaga ni Aga?" Tanong naman niya.

"Oo kaya lang pinagka guluhan na kami ng press bago pa kami makapag usap e. Kakaasar nga." Sagot naman ni Lea.

"Alam niyo, hindi ko maintindihan bakit bakit tayong tatlo nag uusap-usap e pare-pareho tayong broken-hearted." Dawn said out of nowhere at sabay sabay na lang silang natawa. Bigla namang tumunog ang cellphone ni Pops.

"Martin's calling."

"Sagutin mo!" -Lea

"Wag!" -- Dawn

"Sabay talaga? Ano ba talaga?"

"Just answer it Pipay para magkaron ka din ng peace of mind kasi kung wala kayong closure habang buhay mong dadalahin yan, hindi ka makaka usad. Dalawang klase lang naman ang pag-ibig diba? Isang nagpaparaya saka isang ipinaglalaban. Talk to him and decide which kind of love ang kaya mong ibigay." Mahabang paliwanag ni Lea. Tumigil na sa pag ring ang telepono at tiningnan niya ang dalawa.

"Alam mo Lea, ikas pinaka bata sa atin how come na parang mas alam mo ang dapat gawin?" Ani Dawn at napa ngiti naman si Lea.

"Let's make a deal, tayong tatlo. Pag tumawag ulit si Martin, kakausapin ko siya bahala na kung anong mangyayari pero promise me kayong dalawa na kakausapin niyo na din si Richard at Aga. Ikaw Lea subukan mong buksan ang isip mo sa possibility na baka mahal ka din niya, hirap sa'yo lakas mo lang mag advise pero pagdating sa sarili mo hindi mo naman ini-a-apply." Pops said and Lea nodded.

"Okay deal" ---Lea

"At ikaw naman Dawn, wag mo ng takasan si Chard. Kausapin mo na din." Baling naman niya kay Dawn.

"Paano ko kakausapin e wala naman sa Pilipinas." Dawn said at nag irap pa.

"Pauwi na daw, nag chat kahapon nagtatanong ano daw pasalubong gusto ng inaanak niya. Kaya kausapin mo na din a!" Tumango naman si Dawn na parang napipilitan lang.

Faded PhotographsWhere stories live. Discover now