Chapter 1

64 5 4
                                    

Chapter 01
- the end and the beginning

▬▬▬▬▬▬

LITHONY

"Sigurado ka na ba?" tanong ko sa kaniya habang nagpipigil ng luha, pilit sinasabi sa sarili na kung pipigilan ko siya, kung sasabihin kong huwag na siyang umalis, magbabago ang isip niya't baka sakaling maisipan niyang manatili.

"Oo," sagot niya, walang mababahid na pag-aalinlangan o pagdadalawang-isip sa boses.

Nagdulot 'yon ng matinding kirot sa dibdib ko. 'Yong tipo ng sakit na ngayon ko lang naramdaman. 'Yong kirot na para kang pinipiga't unti-unti kang inuubos. Natawa ako. Oo, natawa ako. Walong taon. Sa walong taon na 'yon, paano niya nakuhang magdesisyon ng ganoon kabilis?

"Hindi," sambit ko saka mapait na tumawa. Nagbabadya ang mga luha na papatak sa aking mga mata pero tila wala na akong pakialam. "Hindi ikaw 'yan. Ibalik mo si Ria," dagdag ko pa.

Hinarap niya ako, sa unang pagkakataon matapos ang ilang araw na pag-iiwas namin sa isa't isa. "Huwag na tayong magtanga-tangahan, Lithony," malamig niyang sambit pero iba ang sinasabi ng mga mata niya.

Umiling ako. Hindi ko yata kayang tanggapin na lang ito. Nasasaktan ako, sobrang sakit. "Hindi ikaw 'yan, eh. Hindi agad sumusuko 'yung Ria ko. Bakit ikaw?"

At tuluyan na akong naunahan ng emosyon na kanina ko pa pinipigilan. Parang tuluyan nang sumuko ang pag-alalay ko sa sarili, tuluyang napagod ang bakod ma aking tinayo para masabi lang na matatag ako.

Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa paglalagay ng mga damit niya sa maleta niya. Hindi siya nagmamadaling ilagay, maayos niyang itinutupi 'yon, at ang aksyon niya na iyon ay hindi nakatulong sa akin. Lalo lang akong nadadagdagan ng pag-asa na baka sinasadya niyang bagalan dahil kahit papaano'y naisipan niyang huwag na lang umalis.

"Sabi mo dati, aayusin ang problema kasi hindi lang tayo basta-bastang magkapares. Mag-asawa na tayo," sabi ko pa. Halos ibulong nalang ang mga salitang iyon.

"Lithony, hindi nalang 'to basta-bastang problema, eh. Naririnig mo ba ang sarili mo?" tanong niya. Hindi na niya tinapos ang pagtutupi ng mga damit niya. Isinara nalang niya ang maleta saka muli akong hinarapan, bahagyang namumugto ang mga mata sa ilang araw na pag-iyak at sa nagbabadya pang luha. "Namatayan tayo ng anak dahil sa kapabayaan mo, Lit."

"Hindi ko naman intensyon na pabayaan kayo..." bulong ko, nakatayo lamang habang nakayuko at hinahayaang umagos ang mga luha sa aking pisngi. Wala akong intensyon na mangyari 'yon.

"Ano? Anong intensyon ba ang gusto mong iparating?" sambit ni Ria. Basag na rin ang kaniyang tono, senyales na bibigay na rin siya.

Hindi ako nakasagot. Gusto kong ipaliwanag ang nangyari sa kaniya noong gabing 'yon kaya hindi ako agad nakauwi pero nangangamba akong hindi niya rin ako pakikinggan. Ayokong magtunog nanubumbat.

"Tama na, Lit. Alam kong nagsisisi ka," dagdag pa niya.

"Hindi ako nagsisisi, Ria," mabilis na sagot ko sa kaniya. Nagsisisi? 'Yan ang bagay na hindi ko alam gawin.

"Hindi ba talaga?" aniya na may bahid ng pagkasarkastiko ang tono dahilan para matigilan ako. "Lit, disi-syete anyos ka lang noong dumating kami sa buhay mo. Wala ka pang legal noong nagkaroon tayo ng anak. Ang dami mong isinuko. Nandoon ka na sa tuktok, isang hakbang na lang, national swimmer ka na pero kinailangan mong bitawan 'yon para sa akin, sa amin. Alam kong nagsisisi ka sa desisyon mo, Lithony. Pagkakataon mo nang lumaya sa akin," galit niyang sabi.

FHS #1: Cinderblock Garden | CompletedWhere stories live. Discover now