Epilogue

26 1 18
                                    

Epilogue
- there are four things that we
are bound to be in this world

▬▬▬▬▬▬
LITHONY

BOUND TO MEET

We all meet for a reason and by fate. Lahat ng tao ay nagkakatagpo hindi lamang para magkakilala kundi para sa isang rason. Palaging may rason, palaging may purpose.

All the way, you will feel happiness, sadness, pain and bliss. Hindi maiiwasan 'yon. Hindi maiiwasan ang minsang mag-away, hindi maiiwasang minsang magkasakitan, pero hindi naman na importante 'yon.

"No! Seryoso ako. I like you romantically. Don't you like me? If no, why did you kissed me?"

"What? I like you of course."

"Then, let's date. Wala ka nang magagawa. Isusumpa kong hindi ka mananalo sa congressional swim meet kapag hindi ka pumayag o baka hindi ka na magkakaasawa for—"

"Dami mo pang sinasabi. Wala naman akong sinabing ayaw ko, ah?"

Napangiti na lamang ako nang maalala iyon. Of course, how can I forget? That was our first kiss. Sa araw din na 'yon, we became partners at everything.

We met to fill each other. We met to teach each other a lesson. We met to love each other. We met to become each other's comfort.

Hindi maiiwasan ang magkamali. Maraming mga pagsubok na daraanan. Mapipilitan kang pumili. Kung lalaban ka ba sa gera o tatakbo ka para magtago. In our case, I chose to fight.

"Bahala na ang swimming. Pinipili kita, Ria."

"Pero bakit? Pangarap mo 'yon. Ang tagal mo nang pinapangarap 'yon..."

"Ano pa bang pangarap ang tutumbas sa 'yo, Ria? Anong pangarap ang tutumbas sa inyo ng magiging anak natin? Wala, Ria. Wala."

Bakit ko tatakbuhan ang bagay na ako mismo ang may kagagawan? Parang sa isang krimen. Kahit ano pang gawin mong pagtatago, hindi mo maitatanggi sa sarili mong ikaw ang salarin. It if better to face the crime you made. In that way, mababawasan ang kasalanan mo.

Hindi madali ang naging daan noong pinili ko si Ria. Sobrang daming paghihirap na dumating sa puntong gusto ko na lamang sumuko. Doon ko na-realize na hindi madaling maging magulang lalo na kung bata ka pa. Hindi madaling maging batang-ama.

Nariyan ang mga agam-agam; 'anong ipapakain ko sa pamilya ko?', 'may pambayad pa ba ako ng bahay?', 'saan ako kukuha ng pera pantustos sa kanila?', pero tulad nga ng sinabi ko sa sarili ko noon, dapat ay inisip ko muna ang mga bagay na iyan bago namin ginawa.

"Papa!" rinig kong sigaw ni Amane. Ipinakita nito sa akin ang isang malaking lollipop na kinuha niya. "Gusto ko ito!"

Kinuha ko ang lollipop at inilagay iyon sa basket. "Sasakit ang ngipin mo niyan, anak," sambit ko ngunit tinawanan lamang niya ako.

Sabi ko nga, all people were bound to meet for a reason by fate. Isa si Amane sa mga taong nakilala ko na nakakasigurado akong nakilala ko dala ng kapalaran.

Isa siyang street child. Iniwan ng mga magulang sa kalye kasama ang pitong taong gulang niyang kapatid na sa kasamaang palad ay binawian na ng buhay.

Nakilala ko ito nang nasa Manila kami. Isa ako sa mga inhinyero ng isa sa pinakamalaking proyektong hinawakan ng kumpanya namin. Abala kaming lahat sa construction site dahil talagang hands on kami sa proyektong iyon nang marinig ko ang isa sa mga construction worker ko na mayroon daw silang nakitang bata sa loob ng site.

Malamang ay bawal iyon. Pupwede namang paalisin na lamang ng mga construction worker ang bata pero nang sabihing hindi maganda ang lagay, agad ko itong pinuntahan dahil na rin pagka-curious ko.

FHS #1: Cinderblock Garden | CompletedWhere stories live. Discover now