Chapter 19

3 1 0
                                    

Chapter Nineteen
- cheating will always be
cheating no matter how
reasonable your explanation is

▬▬▬▬▬▬

LITHONY

"Anong gagawin ko?" tanong ni Angelo na tila masisiraan na ng bait.

Tinapik ni papa ang balikat ko. Tumayo siya saka lumabas ng bahay, iniwan akong kasama si Angelo na problemadong-problemado. Siguro'y nasa loob ni papa na kaming dalawa ang magkakaintindihan, pero hindi 'yon ang point.

Bakit niya ako iiwan mag-isa rito? Aba'y siya yata ang may pinakamaraming karanasan sa pag-ibig, ah? Isa pa't parang siya yata ang ama. Siya ang mas may alam ng gagawin!

Napabuntong hininga na lamang ako saka naguguluhang tumingin kay Angelo na ang itsura ay tila literal na pinagbagsakan ng langit at lupa. "Pare, hindi naman kasi ito parang plates lang na kapag hindi natin nagustuhan ang kinalabasan, pwede nating burahin at palitan," sambit ko.

Napahilot na lamang siya ng sintindo. "Huwag mo naman akong simulan sa plates, p're. Graduate na ako riyan, oh. Ayoko na balikan," himutok nito.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong batukan siya. Tingnan mo, kinakausap ng maayos tapos ganito ang sasabihin. "Tangina sandali. Hindi pa kasi ako tapos, eh."

Pareho kaming napabuntong hininga na naman. Parang pati yata ako ay naaapektuhan ng problema niya na sa kung tutuusin, hindi naman sana talaga problema.

"Sorry na..." Konti na lang yata ay iiyak na ito sa sobrabng frustration.

"You see, ano bang problema mo? Nasa wastong gulang ka na. Malaki ka na. Kilala mo na si Karina simula high school. Kaya mo nang itaguyod ang magiging pamilya mo kung sakali. Wala naman nang magagawa pa ang ina ni Karina kung ayaw niya sa 'yo dahil hindi naman na no'n mababago ang katotohanan na meron nang bunga. Ano bang prinoproblema mo diyan?"

Hindi ba, tama naman ako? Anytime, pwedeng pwede na siyang mag-asawa. Kung ako lang financially stable na ganoon, edi sana hindi na namin kailangan pa maghiwalay ni Ria. Again, wala naman sana talagang problema.

"Pare kasi..." Napahilamos ng kaniyang mukha si Angelo at sinabunutan pa ang sarili. "Alam mo namang hindi kami kailanman nagkasundo ni Karina. May galit pa 'yon sa atin dahil sa kinahinatnan ninyo ng pinsan niya at isa pa, model si Karina, pare. Gets mo?  Supermodel."

"Ang galit niya sa akin ay galit niya lang sa akin. Kahit pa ipagduldulan niya tayo sa galit, hindi no'n mababago ang katotohanang buntis na siya at ikaw ang ama," sambit kong ulit. "Ngayon, dahil pareho naman kayong gumawa ng milagro ninyo, kailangan niyang pumili. Ang isuko ang pagiging modelo o isuko ang magiging anak niyo."

"Hindi ko alam, pare. Nakakatakot din ang banta ng mama niya na kakasuhan ako ng rape, p're. Hindi ko naman tatakbuhan ang anak niya pero binibigyan niya ako ng rason umayaw."

Mahina kong binatukan si Angelo. "Tarantado ka ba? Kung aayaw ka, lalo kang kakasuhan ng rape. Isipin mo, p're, supermodel 'yang pinatos mo. Konting showbiz lang, tapos pati career mo," iling kong sambit. "Pakasalan mo na kaya si Karina? Naging magkaibigan naman kayo noong bata pa tayo bago kayo naging malupit na magkaaway sa hindi ko alam na rason. Higit ninyong kilala ang isa't isa."

"Ayaw ko namang matali sa taong hindi ko mahal, pare." Napahilamos pa ito sa mukha at napasabunot sa sarili.

Naalala ko tuloy 'yong sinumpa ko noon na kapag siya ang naulol sa isang babae, ako ang unang tatawa. Mukhang mangyayari na 'yon ngayon, 'yong pagkaulol, pero hindi ko alam kung dapat ba akong tumawa o maawa sa itsura niya.

FHS #1: Cinderblock Garden | CompletedWhere stories live. Discover now