Chapter 2

20 4 10
                                    

Chapter Two
- what is worth to remember,
and what is not

▬▬▬▬▬▬

RIA


Tahimik lang akong nakaupo, pinagmamasdan si Lithony na hindi na yata matapos-tapos maghiwa ng rekado para sa lulutuin daw niyang ulam ngayong gabi gawa ng bahagyang pagkabalisa at pagkaabala sa pag-iyak na akala mo nama'y inaaway siya ng hinihiwa niya.

Magluluto siya. Noong una ay natigilan ako. Simula nang mag-anim na buwan ang anak naming si Lia noon ay hindi na niya maharap magluto dahil lagi na siyang abala sa pagtratrabaho. Wala yatang day-off ang taong ito. Halos hindi ko na nga siya nakikita sa bahay dahil sa puro trabaho na lang ang inatupag niya para may maipakain sa amin ng anak niya.

"Lit," tawag ko rito nang mapansing hindi naman na siya kumikilos. Umiiyak lamang siya habang nakaharap sa mga dapat lutuin. Lumapit ako rito at inagaw sa kaniya ang kutsilyo. Walang mangyayari kung walang kikilos sa amin. Pareho kaming mamamatay sa gutom. "Ako na. Tumahan ka nalang muna," sambit ko.

"Nakakaiyak kasi 'yung sibuyas," sambit niya habang humihikbi pa rin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang pagluha. Ang dami-daming nangyari sa puntong kinailangan naming magdesisyon para sa ikabubuti ng bawat isa, kaya bakit ako iiyak kung desisyon kong iwan siya? Desisyon ko ito, hindi ba?

"Lit, walang sibuyas dito," kumento ko habang hinihiwa ang baboy para isigang.

Hindi ako nakarinig ng sagot sa kaniya kaya tahimik lang akong naghiwa nang maramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa akin. Naramdaman ko pa na ipinatong niya ang ulo sa balikat ko, itinatago ang kaniyang mukha habang umiiyak na nagdulot para mabasa ng bahagya ang damit ko.

Sa oras na 'yon, parang gusto kong bawiin ang sinabi ko. Parang gusto kong bigla na lang humagulgol sa harap niya at ilabas ang sakit ng loob na nararamdaman ko.

Bakit mo ako yayakapin, Lithony? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito? Hindi mo ba alam kung papaano ko ginatungan ng mga rason at ng mga dahilan ang sariling isipan ko para lang matuto akong kumawala sa pagkakahawak mong nasakanayan ko?

Ang sakit, sobrang sakit...

Para akong binibiyak o binabasag sa maraming parte. Iniisip ko pa lang na iiwan kita sa paggising ko sa umaga, parang hindi ko na kaya. Nasanay akong nandiyan ka, nasanay akong umaasa sa 'yo, tapos bigla kang mawawala...

Pero desisyon ko 'to. Ako ang pumiling tumapos sa ating dalawa. Ako lang din ang gumawa ng ikasisira natin. Kailangan kong maninindigan sa desisyon ko na 'to para may magbago.

"Lit..." mahinang tawag ko. Huminga ako ng malalim habang pilit na pinapatay ang presensya niya, tahimik na nakikiusap na huwag na niyang gawing mas mahirap ang mga bagay-bagay.

"Naalala mo pa ba, Ria?" sambit niya. May bahid ng sakit ang boses niya pero tila may bahid din ng saya ang tono nito na tila may naalalang masayang alaala, pagbabalik sa nakaraan.

"Hmm?" sagot ko na lamang dahil pakiramdam ko, anumang oras ay iiyak na naman ako.

"Noong mga panahong bumibili ka pa sa akin ng pandesal," sambit nito sabay tawa. Napangiti nalang ako ng napait. "Maybe, it all started with a pandesal."

▬▬▬▬▬▬

August 2012

Kahit Sabado at walang pasok, minabuti kong maagang magising para mag-jogging at mawala ang mugto kong mata na naging epekto ng pag-iyak ko kagabi nang mapagalitan lang naman ako dahil late na akong umuwi. Hindi ko kasi namalayan ang oras kagabi dahil masyado akong natuwa sa blowout ni Sir Austin. Natagalan din ako sa paghihintay ng masasakyang tricycle kagabi. Mabuti na lang at saktong pauwi na rin si Lithony kaya sumabay na lang ako sa kaniya.

FHS #1: Cinderblock Garden | CompletedWhere stories live. Discover now