Chapter 22

3 1 0
                                    

Chapter Twenty-two
- even if words don't mean everything,
at least it means something.

--

RIA

"Paulan na. Yayain mo na kaya siyang umuwi?" mahinang sambit ni Philip. Buhat nito ang natutulog na si Archer. Marahil nakatulog na sa pagod.

Tinitigan ko lamang si Kathleya na nakatulala sa harap ng puntod ng kaniyang yumaong anak. Oo, hindi nito nakayanan ang medikasyon at pumanaw na nga kahapon lamang.

Hindi na pinaburol pa ni Kathleya. Sinabi nitong gusto niya ng tahimik na pagluluksa kung kaya't inilibing rin ito ngayong hapon. We respected her decision. Syempre'y alam na alam ko kung gaano kasakit para sa kaniya ang mawalan ng anak. Mas mahirap pa ito kaysa sa mawalan ng asawa. Naiintindihan ko siya at nirerespeto ko ang desisyon niya. Surprisingly, Philip paid for everything. Hospital probation, funeral and everything. Hindi ko rin alam kung bakit niya ginawa 'yon. Marahil batid na rin sa awa.

"Mauuna na kami sa sasakyan. Sumunod na lang kayo," sabi pa ni Philip. Hindi pa man ako nakakasagot ay tinalikuran na ako nito.

Napabuntong hininga na lamang ako. Mabilis akong lumapit kay Kathleya. Nang makalapit ay tinapik ko ang balikat nito para makuha ang kaniyang atensyon. "Uulan na. Tara na at umuwi," sambit ko.

Tinapunan lamang ako nito ng saglit na tingin bago ibinalik ang atensyon sa lapida ng kaniyang anak na tila paulit-ulit itong binabasa.

Hindi ko maiwasang hindi maawa sa kaniya. She's been into a lot. Sobrang daming pangyayaring nangyari sa kaniya to the point na nauwi na lang siya sa ganito.

She was raped and assaulted multiple times. The fact that the father of her children is also her father sucks. She can't run away because she has nowhere to go, at kung susubukan man niyang tumakas, pinagbantaan siyang papatayin ang mga kapatid.

And then now, she lost her child. The same pain I went through. Imagine taking care the child in your own womb for nine months, risking your life in delivery then they'll die just like that...

Para akong tinamaan ng kaba nang biglang may mapagtanto. "Papaano ang mga kapatid mo, Kath? Isang linggo ka nang hindi umuuwi," aligaga kong sambit.

Tila nabato rin siya sa kinauupuan. Huli na rin siguro nang ma-realize nito ang sinabi ko. Bigla na lamang siyang umiyak. Ang mga kamay nito ay nanginginig pa sa takot. Doon pa lamang ay parang gusto kong kaltukan ang aking sarili. Dapat pala'y hindi ko pinaalala ngayon.

"K-Kailangan ko silang makita..." utal na sambit nito na malakas na humihikbi.

Hinawakan ko ang kamay nito saka pinunasan ang mga luha. "Kumalma ka. Kumalma ka, Kath," sambit ko.

"Bakit- ang tanga-tanga ko. Kinalimutan ko ang mga kapatid ko," aniya na napayakap na lamang sa akin. Agad ko siyang dinaluhan ng yakap. Mainam na siguro minsan ang yakap para sa mga sitwasyong hindi na maipaliwanag.

Inalalayan ko itong tumayo. Kasabay no'n ay ang mahinang pagbuhos ng mga ambon. "Shh, hihingi tayo ng tulong. We will help you," bulong ko sa kaniya.

"P-Paano?" she asked as if hope suddenly struck her heart.

"Hihingi tayo ng tulong sa awtoridad. Magkakaroon ka ng hustisya. Every word means a lot. Pangako 'yan..."

▬▬▬▬▬▬

February 2014

"Ate, hindi pa po kasi umuuwi si Lithony. Magbabayad naman po kami kapag nakapagsweldo na ang asawa ko..." pakiusap ko sa napag-utangan naming tao. Buhat-buhat ko si Lylia na hindi na yata tumigil sa pag-iyak simula kanina.

FHS #1: Cinderblock Garden | CompletedWhere stories live. Discover now