Chapter 26

11 1 6
                                    

Chapter Twenty-six
- if you can't sacrifice something,
you won't be able to change anything.

▬▬▬▬▬▬
RIA

Napapahid na lang ako ng luha nang makalabas ako sa reception area. Dumiretso ako sa garden ng hotel na pinagdausan ng reception ni Karina at Angelo.

Engrande ang kasal nila. Hindi halatang biglaan. Dahil dating sikat na modelo si Karina, marami-rami ang dumalong mga bisita. Inasahan naman na ang media na hinarang kanina sa labas ng hotel. Lalo pang dumagsa nang malaman nilang may ilang mga artista ang dumalo at kabilang na roon si Giselle.

Nakita ko lamang siya kanina pero wala na akong pagkakataong lapitan siya dahil naging abala na ang madla. I wonder how she is... Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ko alam kung kailangan kong maging masaya o magalit.

Napatigil ako nang biglang may maglapag ng panyo sa hita ko. Nang tingnan ko iyon ay nakita ko si Giselle. Nginitian lamang ako nito saka umupo sa tabi ko.

"Its been a while," bati nito.

Tumango naman ako sa kaniya. "Yeah, its been a while," halos bulong kong sagot.

"Kamusta, Ria? Simula nang manganak si Karina, hindi ka na rin nagparamdam sa akin," sambit nito na may himig ng pagtatampo ang boses. We were best friends after all.

Mahina na lamang akong napatawa. "Akala ko, galit ka sa akin. Syempre, pinsan ko si Karina," sagot ko naman.

"You bitch," aniya saka mahina ring tumawa. May bahid pa ng sakit at pait ang kaniyang kaunting halakhak. "Its not like ikaw ang may kasalanan. Nadamay ka lang siguro dahil pinsan mo si Karina pero inosente ka sa issue namin," dagdag nito.

"Isa pa, pareho na tayong abala. Ang laki na ng mga projects mo saka abala rin ako sa fashion," sambit ko pa.

"Oo nga pala. Fashion designer ka na. Dapat ay gawan mo ako ng gown para sa Magic Circle Ball namin..."

"Yeah, sure. Wala namang problema."

Natawa lamang kaming dalawa pagkatapos no'n ay natahimik na ang paligid namin. Nakuha ko iyong tiyansa para matitigan siya.

Tulad ng dati ay napakaganda pa rin niya. Siya pa rin ang pinakamaganda sa aming magbabarkada. Mas hubog na ang katawan niya ngayon at mas lalo siyang pumuti. Halatang alagang-alaga.

"Ang ganda mo pa rin, Giselle," puri ko.

"Salamat."

Ngunit sa kabila no'n, kilalang-kilala ko ang ganiyang mga tinginan ni Giselle. "Pero hindi matatago ng kagandahan mong iyan ang pamamaga ng mata mo. Bakit ka umiyak?"

Ngumiti ito. "Ikaw pa rin ang pala talaga ang tropa ko," biro nito.

Ngising umiling ako sa kaniya. "Bakit nga?"

Nagkibit balikat na lamang ito. "Mahal ko pa pero kasal na sa best friend ko," sagot niya. "Ikaw? Bakit umiiyak ka diyan? Anong drama mo?"

Nagkibit balikat lang din ako. "Katulad ng sa 'yo. Mahal pa pero may anak at asawa na," sagot ko saka tumawa.

"Paano mo nalaman?" usisa nito.

"Narinig ko kanina. Nasa ospital yata ang anak niya. Baka may sakit. Isang tawag lang ay nagmamadali nang umalis." Sana all.

"That sucks..." halos bulong nitong sambit na tila nakuha ang gusto kong ipahiwatig.

Ngumiti lamang ako sa kaniya. "Hayaan na. Ako naman ang nang-iwan. Wala akong karapatang magreklamo."

"Akala ko ba ay siya ang best man?" takang tanong ni Giselle. "Pupwede bang maging best man ang may asawa't anak na? Akala ko ay para lang sa mga single 'yon."

FHS #1: Cinderblock Garden | CompletedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant