Chapter 6

6 3 1
                                    

Chapter Six
- never regret the thing
that made you smile

▬▬▬▬▬▬

RIA

"Matutulog ka na?" rinig kong tanong ni Lithony nang makita niya akong lumabas ng banyo.

Awtomatiko na lamang akong napayuko upang hindi nito makita ang pamumugto ng mga mata ko. "Oo," maiksing sagot ko.

Napangiwi nalang ako nang marinig na basag ang boses ko. Halata pa roon na kagagaling ko lang umiyak at hindi ko 'yon nagugustuhan. Ako ang aalis, bakit ako iiyak? Kung kailan naman sinasabi ko sa sarili ko na kailangan kong maging malakas, saka pa ako nanghina.

"Tumawag pala ang mama, Ria," sambit nito, may bahid ng sakit at pagmamakaawa ang boses.

"Bakit?" malamig kong tanong, pilit na pinapanatili ang ganoong tunog ng boses para lang magmatigas.

Inabot niya sa akin ang cellphone ko na naiwan ko pala kanina sa lamesa. Inabot ko 'yon habang pilit iniiwasan ang tingin niya.

"Hinahanap ka. Bakit daw narito ka pa," sagot nito.

Kinuha ko na lamang ang cellphone ko at nagmamadaling nagtungo sa kwarto. Hindi ko sinasadyang malakas na maisara ang pinto. Nabigla kasi ako sa sinabi niya. Naniniwala ako na ganoon nga ang sinabi ni mama, at kapag sinabi kong 'ganoon', ibig kong sabihin ay 'yon mismo.

"Kalma, gaga," bulong ko sa sarili ko. Pinaypayan ko pa ang mukha ko gamit ang kamay ko at tumingala para lang mapigilan ang luhang nagbabadya nanamang tumulo.

Parang noon lang, tinatakasan ko pa si mama para lang makasama siya. Noon lang, ayaw ko pa kasama si mama kasi lagi na lang akong nasasaktan. Ngayon, babalik din pala ako kay mama.

▬▬▬▬▬▬

November, 2012

Katatapos ko lang maglinis ng bahay no'n. Dama ko ang pagod. Pakiramdam ko kasi'y literal kong binaliktad ang bahay ngayon kaya napagdesisyunan ko na lamang na magpahinga't nakaupo sa sofa nang biglang dumating si Mama at Papa.

Napatingin tuloy ako sa orasan ng cellphone ko. Masyado pang maaga kumpara sa normal na pag-uwi nila. Madalas ay gabi na sila nakakauwi dahil masyado silang abala sa pwesto sa palengke. Madalas kasi'y walang tao, natatagalan ang pagtitinda.

"Ria!" galit na sigaw ni Mama.

Napabuntong hininga nalang ako. Heto na naman tayo. 'Yong hindi ko na naman alam kung anong pagkakamali na naman ang ginawa ko para pagalitan ako ng bongga. "Ho?" sagot ko rito.

"Ano na naman 'tong ibinalita sa akin ni Vicky?!" galit niyang tanong. Si Papa ay nanatiling tahimik lang na nakamasid tulad ng lagi niyang ginagawa.

"Bakit na naman?" tanong ko.

Nagulat nalang ako nang biglang ibato ni Mama sa mukha ko ang ilang mga developed pictures. Isa roon ang nasalo ko at nang tingnan ko ito, para akong sinapak ng hangin.

Picture namin 'yon ni Lithony sa Greize. Nang tiningnan ko ang iba pang pictures, meron din kaming picture ni Lithony sa Botanical Garden, sa park at sa iba pang lugar na malapit lang sa campus.

Napangiwi nalang ako. Tingnan mo nga naman itong si Manang Vicky, ang chismosa naming kapitbahay, may nalalaman pang developed pictures para lang may ma-report sa nanay ko. Hindi na lang asikasuhin ang anak niyang nakikita kong pinagpapapasa-pasahan na ng mga lalaki sa school. Nag-effort pa't nagsayang na gumastos para lang magpa-develop ng litrato namin.

FHS #1: Cinderblock Garden | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon