Chapter 9

7 3 4
                                    

Chapter Nine
- what feels like a stranger,
feels so rough

▬▬▬▬▬▬

LITHONY

Hindi agad ako nakabangon sa kama. Wala akong lakas para kumilos simula nang magising ako ngayong umaga. Wala na si Ria at ang tanging iniwan niya ay ang isang sulat na ang tanging nakalagay ay 'nakaalis na ako'. Walang kahit ano pa. Iyon lang.

Natatawa ako sa sarili ko. Pakiramdam ko, kulang ako, hindi dahil nawalan ako, kundi dahil pinili kong mawala 'yong bagay na bumubuo sa akin.

Pinigilan naman kita, Ria, pero pinili mo pa ring umalis. Bigo akong pigilan kang lumisan. Kulang pa yata ang paglaban ko sa iyo't mas matimbang pa rin ang sakit na narararamdaman mo na sa pagdating ng bagong umaga, naiwan pa rin akong mag-isa.

"Nakakapanibago," wika ko sa sarili ko habang nakatingin sa espasyo kung saan dati'y naroroon siya. "Hindi naman ito ang unang beses na gumising akong wala ka sa tabi ko pero ngayon lang ang panahon na gumising akong pakiramdam ko, wala nang susunod pa," dagdag ko pa.

Isa na siguro akong hibang dahil nakikipag-usap ako sa sarili ko. Kung papansin pa ay mas madrama pa ako kaysa kay Ria pero anong magagawa ko? Naroon na ang puntong hindi kami kasal pero mag-asawa pa rin kami. Mahal na mahal ko 'yon, eh, ta's bigla siyang mawawala.

Napilitan akong bumangon nang marinig na nag-ring ang cellphone ko. Walang lakas ko 'yong kinuha, muling bumalik sa pagkakahiga saka sinagot ang tawag ni Papa.

"'Pa," bati ko rito.

"Umalis na si Ria, diba?" tanong nito. Parang naghihiwa pa yata siya dahil naririnig ko ang tunog ng pagtatatadtad ng kutsilyo sa background.

"Oo," maiksing sagot ko na lamang.

"Umuwi ka na rin dito," sambit ni Papa. "Para may kasama rin ako," dagdag pa niya.

"Next week na. May aayusin pa ako rito, 'pa," sagot ko.

"Tatlong araw lang. Hindi ako makakapaghintay hanggang sunod na linggo. 'Yong tunog mo, parang wala ka nang buhay."

"Namatayan lang naman ako ng anak, 'pa, tapos hindi pa ako nakakapagluksa ay iniwan naman ako ng asawa ko. Sinong hindi mawawalan ng buhay?" sambit ko na hindi ko na napigil pa.

"Alam mo, anak, dumaan din ako sa ganiyan," sambit ni Papa. "Alam ko ang pakiramdam ng maiwanan kaya umuwi ka na muna rito. Huwag ka na umiyak. Samahan kita maglaklak," biro ni Papa.

"Gaya mo ako sa 'yo na lasinggero, 'pa," pabirong sagot ko rin.

Dama ko ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. Buong akala ko'y naubos na sila, pero mukhang may natitira pa. Akala ko napagod na ang nananakit kong mga mata kaluluha, hindi pa pala. Gayunpaman, kahit papaano'y gumaan ang loob ko sa sinabi ni papa. At least I have him.

"Magagaya ka talaga sa akin, 'nak. Tingnan mo, pareho tayong iniwan. Like father, like son," sabi ni papa sabay halakhak. Ultimo sa pagtawa niya, may bahid ng lungkot. "Kaya umuwi ka na. May pag-uusapan tayong importante," pagpupumilit nito.

"Next week nga, 'pa. Kulit mo naman," pagpupumilit ko rin.

"Tigas din ng apog mo, 'nak. Hindi nga ako makakapaghintay hanggang next week. Gusto ko nga ngayon," sagot niya na parang magta-tantrums pa. Ganoon ba talaga kapag matanda na?

FHS #1: Cinderblock Garden | CompletedWhere stories live. Discover now