Chapter 3

15 4 4
                                    

Chapter Three
- to love and to be loved

▬▬▬▬▬▬

LITHONY

Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang kumakain kami. Halos wala pang bawas ang pagkain ko dahil wala naman akong sapat na lakas para ituon ang atensyon sa pagkain. Tila nakalimutan ko yata kung paano ngumuya, kung paano sumubo, kung paano lumunok. Ang tanging nalalama ko lang ngayon ay ang pagtingin sa babaeng naging kasama ko sa hirap at ginhawa ng walong taon na ngayon ay iiwan na ako.

Gusto ko siyang titigan. Gusto kong kabisaduhin ang buong kaanyuan niya. Gusto ko nalang na humiling na pagkagising ko kinabukasan ay may siya pa rin akong masisilayan. Kung nakakapagpanatili lang ang pagtingin ko sa 'yo, kaya kong gawin ito kahit bente kwatro oras pa tayo magtitigan. Huwag ka lang aalis. Hindi ko kaya.

"Lithony, hindi ka mabubusog sa kakatingin mo," sita niya nang mapansin ang hindi ko paggalaw ng pagkain ko.

Napakurap ako at napailing bago uminom ng tubig. Katulad ng madilim na panahon, parang napakadilim na rin ng mayroon kami. Napakalapit niya pero parang ang layo ng distansya naming dalawa. Ang layo-layo mo na, Ria, pero pilit pa rin kitang aabutin. Kahit gaano pa ang distansya, kahit hindi mo 'ko marinig, kahit ayaw mo na ako tingnan; aabutin pa rin kita, tatawagin pa rin kita, titingnan pa rin kita.

"Ria..." mahinang tawag ko rito.

Pilit kong iniipon ang lakas na natitira sa pagkatao ko para magsalita... para pigilan siya. Hindi ako puwedeng sumuko. Hindi ako puwedeng manahimik. Kaiilangan kong gawin lahat.

"Walang magbabago sa desisyon ko, Lithony," sambit niya wala pa man akong natuturan.

Bigla nalang siyang tumayo at dinala sa lababo ang pinagkainan niya. Iniwan niya akong nag-iisa sa hapag-kainan. Narinig ko nalang ang pagsara ng pintuan sa banyo ng maliit naming tahanan.


Napabuntong-hininga nalang ako. Ito na ba 'yon? Huli na ba talaga ito? Bakit parang ang bilis? Kaya ko bang wala ka, Ria?

Hindi ako papayag. Ayokong pumayag, Ria. Gusto kitang ikulong sa mga braso't mga hagkan ko. Dito ka lang... dapat dito ka lang, eh. Mahal na mahal kita, Ria. Masyado pang maaga para mawala ka.

▬▬▬▬▬▬

August 2012

"Una na ako, Hilton," paalam ko sa katrabaho ko rito sa fast food chain, kasamahan din sa swimming.

"Aga lumabas, ah. Walang overtime?" natatawang tanong niya habang abala sa paghuhugas ng mga pinag-kainan ng mga costumer.

"Pass. May lakad. Bukas nalang ulit," sagot ko naman na tinawanan niya.

Nagmamadali akong umalis doon. Hindi pa nga ako nakapagpapalit ng damit kaya minabuti kong umuwi muna saglit para naman kahit papaano'y maginhawaan ang pagkatao ko. Hindi naman ako pupwedeng magpakita kay Ria na ganito. Nakakahiya, uy.

Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko ang kalat ni Papa. Tulad ng dati, hindi niya 'yon inayos. Nagkalat ang mga bote ng alak at may mga natapon pang mani. Naiiling na lamang ako. Palagi na lang siyang makalat.

FHS #1: Cinderblock Garden | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon