Chapter 16

4 2 0
                                    

Chapter Sixteen
- the hardest battles will
always be the silent ones

▬▬▬▬▬▬
RIA

"'Nak, nabalitaan mo 'yong apo ni Manang Vicky?" biglang sambit ni papa na kagagaling lang sa palengke. Kadarating lamang, kauuwi, may baon agad na chismis. Mas malala pa kay mama.

Lumapit ako rito saka nagmano. "Sinong apo?" tanong ko naman. Inabot ko ang dala-dala nitong plastic ng lulutuing ulam ngayong tanghalian.

"'Yong anak no'ng ka-batch mo dati? Ay, hindi mo ka-batch 'yon, mas bata sa 'yo 'yon. Si Karen?" tukoy ni papa.

Para namang kumulo na naman ang dugo ko nang marinig ang pangalang 'Karen'. Mortal enemy ko na yata talaga 'yon dahil lantarang hinaharot no'n ang asawa ko dati. I mean, ex-husband.

Maagang nagkaanak si Karen. Mas nauna pa sa aking manganak iyon. Noong hinaharot pala niya si Lithony dati ay may anak na siyang tinatago.

"Bakit po?" sagot ko pa rin.

"Kasi 'yong anak ni Karen, naglayas. Eleven years old yata 'yon, 'nak. Tapos nahuli ng lola Vicky niya na kasama 'yong boyfriend," chismis ni papa.

Napangiwi na lang ako. Si Karen, balita ko ay nakapangasawa ng foreigner sa ibang bansa pero hindi pa umuuwi. Iniwan naman ang babae niyang anak dito sa Pilipinas sa pangangalaga ng lola niya, si Manang Vicky, ang dakilang chismosa na isa sa mga kuhol sa buhay ko noong dalaga pa ako.

"Eleven years old, may boyfriend na?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo, 'nak. Sixteen years old daw ang boyfriend. Medyo nag-aadik." Lalo akong napangiwi sa sinabi ni papa. Totoo pala ang balita kanina na may nag-aadik dito banda sa amin.

"Kailan ka pa naging chismoso, 'pa?"

"Hindi, ah," depensa niya. "Nabalitaan ko lang kanina. Sinabi ng mama mo. Iyon ang tunay na chismosa," proud niyang sabi. Nakataas noo pa at nakangiti ng malaki. Napatawa na lamang ako. "Pero alam mo, 'nak? Maswerte pa rin ako sa 'yo..."

"Bukod sa maganda lang ako, 'pa, paano? Sakit ng ulo lang dinulot ko sa 'yo," ngiwing sambit ko.

"At least, kahit sixteen ka lang noon nabuntis, mabait ang napangasawa mo. Tingnan mo, ilang beses ba pinagtulakan ng ina mo 'yon? Kita mo, noong nabalitaang ipapaampon ng mama mo noon si Lylia, tinanan ka kaagad. Pinasok lahat ng trabaho, mabuhay ka lang. Masasabi ko naman na naging mabuting asawa at ama si Lithony sa inyo noon, anak. Kunsidera na hindi kayo napariwara, hindi gaya ng ibang mga maagang nagkaanak ngayon na parang mga dalaga't binata pa rin. At least kayo, tumayo kayo sa sarili ninyong mga paa. Binigyan mo man ako ng sakit ng ulo, hindi mo naman ako binigyan ng sama ng loob dahil desidido kang panindigan ang pagkakamaling ginawa ninyo. Hindi tulad ng ibang nagsasabing paninindigan daw pero ang huli, umaasa pa rin sa magulang."

"Alam ko naman na naging mabuting asawa si Lithony sa akin, 'pa..." sagot ko. "Ginawa lang namin ang dapat gawin. Mas nakakahiya 'yong aasa kami sa inyo para buhayin ang anak namin. Its our mistake after all."

"Anak, isang taon na rin ang nakakalipas..." sambit ni Papa. "Balikan mo na kaya si Lithony? Alam ko namang siya pa rin. Kitang-kita ko ang kinang sa mata mo tuwing binabanggit mo ang pangalan niya, 'nak," dagdag ni papa.

Saglit akong natigilan. Maraming nagbago sa paglipas ng panahon, pero hindi kasama ang pagtingin ko sa 'yo sa pagbabago na 'yon.

Ngiti ang isinagot ko kay papa. "We'll see, papa. We'll see..."

We'll see if we can win our silent battle this time.

▬▬▬▬▬▬

August 2013

FHS #1: Cinderblock Garden | CompletedWhere stories live. Discover now