Chapter 12

6 2 0
                                    

Chapter Twelve
- cold but warm

▬▬▬▬▬▬

RIA

Naninibago pa ako. Parang hindi na ako sanay.

Iyan ang nasa isip ko nang magising ako, mas maaga pa sa normal na oras ng paggising ko at sumalubong sa paningin ko ang kawalan ng buhay ng dati kong kwarto.

Ilang buwan na rin simula nang lumipat ako at bumalik rito sa bahay kasama ang pamilya ko. Para akong nanibago.

Sa ilang buwan na 'yon, halos hindi ako makatulog agad. May oras na umaga na ay saka lang ako nakakatulog. Pakiramdam ko, na-ho-homesick ako. Matagal na pero pakiramdam ko, nawawala pa rin ako.

Hindi ko rin maiwasang hindi malumbay kapag babangon ako sa umaga't mag-isa ko lamang sa bahay. Wala ang ingay ng mga tawa at iyak ni Lylia. Wala ang ama niyang abalang nagluluto sa kusina habang buhat-buhat siya. Wala ang nakasanayan ko sa loob ng walong taon.

Minsan ay namamataan ko nalang ang sarili kong lumuluha sa tuwing bigla ko silang maalala. They were my happiness, then they're gone.

"Aga mo," kumento ni mama na nagkakape habang nakatingin sa cellphone niya.

"Hindi ako nakatulog masyado," sagot ko saka naghilamos ng mukha sa lababo.

"Gusto mo bang magpa-check up? Baka may insomnia ka na."

Malungkot na napangiti nalang ako. Kung dati, sa tuwing hindi ako makatulog ay sinasabi niyang puro ako babad at landi sa social media, ngayon, nag-aalala na siya at pinapayuhan na akong magpa-check up.

"Ayos lang ako, 'ma. Aalis akong maaga ngayon," sagot ko na lamang. Mabilis kong inabot ang sachet ng three-in-one na kape na nasa taas ng lamesa at tinimpla iyon.

"Saan ka pupunta?" muling tanong niya na ikinabigla ko. Hindi naman nagtatanong si Mama dati kung saan ako pupunta.

"Exam sa TESDA ngayon, 'ma. Hindi mo naalala?" pagpapaalala ko.

I took six months TESDA training habang hindi pa natatapos ang current school year. Maganda raw kasing simula ulit 'yon para sa mga kagaya kong maagang nahinto. Pag natapos na ang school year, mag-e-enroll na ako ulit sa grade twelve para magpatuloy.

Napahinto naman ito at tila saglit na nag-isip. "Oo nga. May pera ka pa ba para baon?"

"Meron."

Hindi rin nagtatanong ng ganiyan si mama noong dalaga pa ako. Bahala nang iwan niya ang pera sa lamesa saka aalis.

Pagkauwi ko, ilang buwan na ang nakakalipas ay sinabi ko kay Mama na maghahanap ako ng trabaho para may maitulong dito pero agad siyang tumanggi at sinabing ituloy ko ang pag-aaral sa kolehiyo.

I disagreed but she forced me. Maging si Philip ay ipinilit ito na tutulong daw pag-aralin akong muli habang wala pa siyang asawa. Natawa na lamang ako roon. Paano siya magkakaroon ng asawa kung ultimo girlfriend ay wala siya?

"Idagdag mo ito. Ibinigay ni Philip," sambit ni Mama saka inilahad sa akin ang pera. Tahimik ko lang na tinanggap 'yon. "Pagbutihan mo."

FHS #1: Cinderblock Garden | CompletedWhere stories live. Discover now