C a p i t o l o 2

3.4K 252 53
                                    

Habang nasa loob ng cabina telefonica iyong estranghero na binayaran ko para contact-in si Ciro ay hindi ako mapalagay. Nag-aabang lang ako rito sa labas. Samantalang siya ay sumusulyap ng tingin sa gawi ko na para bang may masamang balita siyang nalaman.

Hindi pa sumisikat ang araw kanina ay nag-umpisa na akong maglakad mula sa Citta di Falcade papunta rito sa Citta di Marzio.

Kahit na puwede naman akong manguha ng sasakyan ng kung sino sa parking lot ng hotel na tinulugan ko kagabi, e, mas pinili kong maglakad para hindi makaagaw ng atensyon.

Hinithit ko for the last time ang paubos nang stick ng sigarilyo na hawak ko at saka mabilis itong itinapon at inapakan.

I raised the hood of my cloak to hide the lower half of my face before he could get any closer. "Babae ang sumagot ng tawag," umpisa niya nang tuluyan siyang makalapit sa akin.

I gave a slight nod, assuming that Ilaria was the one who had answered the phone. Dahil si Ilaria lang naman ang dakilang pakialamera na mahilig mangialam ng mga gamit ni Ciro. "Ano'ng sabi? Nasaan daw si Cir—"

He slowly shook his head, following the words, "Patay na raw iyong lalaking nagngangalang Ciro."

Although I was taken aback by it, I gathered my thoughts and tried to remain calm before responding. "Kailan pa raw?"

"Hindi na niya idinetalye pa. Ang tanging sinabi niya ay naabutan daw na walang buhay ang katawan n'ong Ciro sa ilalim ng isang tunnel." Napalunok ako nang sabihin niya iyon. Iniabot ko na sa estranghero ang ipinangako kong bayad at nagpasalamat na lang.

As I began to leave Citta di Marzio after turning my back on the stranger, I felt as if I had lost my mind due to the depth of my sadness. Pero hindi ito ang tamang oras para mag-emote lalo pa't dumaan lang ako rito sa siyudad na ito para contact-in si Ciro.

Naiinis pa rin ako hanggang ngayon kay Ciro dahil hindi ko alam kung nagtitipid ba siya sa tinta ng ballpen niya o feeling cold siya dahil wala nang kahit na anong impormasyon ang inilagay niya sa note.

At the same time... nalulungkot ako dahil wala na siya.

At ang mas nakakalungkot pa roon ay hindi ako puwedeng mag-emote habang naglalakad dahil baka kung ano ang isipin ng mga makakasalubong ko. Pasensiya ka na, Ciro. I-schedule ko na lang mamaya ang luha ko pag nakahanap na ako ng ibang matutuluyan.

Apart from the note, the attache case contained only money and a gun. Iniisip ko tuloy kung ano ang ibig niyang iparating sa akin. Gusto ba niyang patayin ko iyong Ludovic Luciano?

Puta! Pero kung hindi ako nagkakamali, iyon ang anak ni Salvatore Luciano, ang Don o Mafia Boss ng Luciano Famiglia.

So sa madaling salita, kung gusto niyang patayin ko ang anak ng isang Mafia Boss, para na rin niyang sinabing mag-suicide ako 'di ba?

Ano ba naman 'yan, Ciro!

Mag-iiwan na nga lang ng pamana gusto pa iyong kailangang pag-isipan.

Mula kanina ay wala akong tigil sa paglalakad habang iniisip kung saan kaya nila inilibing ang mga labi ni Ciro...may umiyak kaya no'ng nalaman nilang patay siya? Bukod sa akin, wala namang ibang tao ang masasabi kong naging totoong kaibigan niya. Lahat naman kasi ng kasali sa grupo ay ginagawa ang trabaho para sa pera at hindi para palakihin ang circle of friends.

Don't worry, kapag nahanap ko na iyong si Ludovic Luciano ay babalik ako sa Citta di Arezzo para hanapin kung saang cimitero ka nila inilibing.

Pagod na pagod na ako sa paglalakad pero hindi ko pa rin matunton iyong siyudad kung saan ko sila makikita. Nakadagdag pa ng init 'tong cloak na suot ko. Tiis ganda muna, Constance.

C A P O D E C I N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon