C a p i t o l o 6

1.7K 113 20
                                    

Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil pagkatapos ko doon sa tinatawag nilang panunumpa bilang bagong miyembro ng Luciano Famiglia ay magkasunod na naglalakad na kaming dalawa nitong manyak na si Agnello sa isang makipot at medyo may kabahuan na eskinita papunta sa tinatawag na Tredici Grotte.

From there, he added, I shall begin my duties as a member of the Luciano Famiglia. Gusto kong umangal dahil alam kong na kay Ludovic Luciano ang future ko pero, dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sa ginawa niyang pangingialam sa mga pangyayari ay heto at buhay pa ako ngayon.

So I followed what he asked of me, despite my reservations. Mukhang hindi naman ako ipapahamak ng isang 'to. Kahit hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko doon sa Tredici Grotte.

Basta ang alam ko lang, e, pinagtitinginan kami ng mga taong nadaraanan namin, or should I say, ng mga miyembro ng Luciano Famiglia na nadaraanan namin. While we are technically still in Citta di Salerno, we are now outside of two large Luciano Famiglia buildings.

While most of the people I've encountered so far inside the building have been well dressed in suits, the situation outside is considerably different. Hindi ganoon ka-pormal ang kasuotan ng mga tao pero mas mukhang halang ang mga kaluluwa nila.

Hindi ko alam kung judgmental lang ako, ha? Dahil lumaki rin naman akong napapalibutan ng mga taong halang ang kaluluwa kaya isang tingin ko pa lang, alam ko na kung sino ang sino.

Huminto kami ni Agnello sa tapat ng isang porte in legno o wooden door kaya saglit ko itong pinagmasdan. It's an old, hefty wooden door. Pero kahit luma na, e, mababakas mong matibay ang pagkakagawa. The carvings and arching etchings along the door's top are still visible despite the door's age.

Clueless ako kung bakit kailangan pa naming huminto rito sa tapat ng pinto kaya saglit kong sinulyapan iyong manyak. Tahimik lang siya habang nakatingin din sa pinto. Hindi naman niya first time rito for sure. So why?

"Kaya today?" tanong ko sa kanya. Lumingon siya sa gawi ko at nag-smirk na para bang tinatanong niya ako pabalik kung ako ba kaya ko today kaya tinaasan ko lang siya ng isang kilay.

Ilang saglit pa ay itinulak na niya ang pinto. Following the door's opening, we found ourselves in a cozy, crowded area. Not even enough space to take a deep breath. A room barely big enough to exhale into.

And when I say crowded, crowded na siya kahut apat lang kaming naririto sa loob dahil sa liit ng space.

Sumalubong naman sa amin ang dalawang pares ng mga mapanuring mga mata.

"Hindi ba't siya iyong pumatay kay Don Alvar La Barbera," tanong ng isang babae sa isa pang babae. Kung ija-judge ko ang itsura niya, e, mayroon siyang kulot at mahabang buhok, putok na putok rin ang nguso niya dahil sa lipstick niyang pula, mayroon siyang suot na mahahabang fake eyelashes na mukhang hindi makapit ang glue dahil medyo nakaangat pa iyong isa.

"Kung tama ang hinala ko, e, siya rin iyong nanggulo sa lobby kanina. At galit na galit sa kanya ngayon ang mga tiga ibang decina dahil sa ginawa niya," sagot naman n'ong isang babae na kabaligtaran niya. Mala-anghel naman ang mukha ng isang 'to at mukhang hindi gagawa ng krimen. Pero sino ba ang niloko ko dahil imposibleng magkaroon ng anghel na miyembro ang Luciano Famiglia.

"Si Druina," pagpapakilala ng manyak doon sa babaeng putok sa lipstick ang nguso. Ah, okay.

"Si Fiorella naman 'tong isa," dugtong pa niya. Nice name, huh?

Bahagyang tumungo ang dalawa tanda ng paggalang kay Agnello kaya gumilid ang mata ko para tingnan ang reaction n'ong manyak pero wala, tamang chill lang siya sa gedli. "Ito nga pala si Constance Grace, ang bagong miyembro ng Luciano Famiglia at kabilang sa atin... sa Tredicesimo." While Fiorella let out a sharp exclamation of surprise, Druina raised an eyebrow.

C A P O D E C I N AWhere stories live. Discover now