C a p i t o l o 8

1.2K 98 13
                                    

"Oh tapos?" Fiorella asked.

"Tapos hayun nga, nag-usap lang kami saglit." I have been fielding questions from Fiorella and Druina for quite some time now. This is because they discovered Ludovic Luciano was with me earlier.

Para silang mga bata na naghihintay ng candy. Kumakain kasi ako ngayon samantalang silang dalawa ay nasa harap ko habang mga nakapangalumbaba at tila ba kumukutitap ang mga mata. Alam kong wala silang ibang hinihintay kundi ang tea.

"Wala nang ibang nangyari?" tanong pa ni Fiorella

Sumubo muna ako ng pagkalaki-laki bago sumagot, "Wala."

"Sure ka ba?" dagdag na tanong ni Druina.

Ang kulit naman sabi nang wala, eh. Akala ba nila sila lang ang may gustong mangyari sa amin? S'yempre kung meron baka nagpaparty na ako ngayon sa buong Tredicesimo no!

"Yes, I'm so sure dahil kung merong ibang nangyari, hindi n'yo na ako kailangang tanungin. Ako pa mismo ang magbabalita sa inyo."

Thank you.

Something that Ludovic Luciano once said has stuck with me.

Puta! Thank you lang naman ang sinabi niya pero bakit parang umiinit ang mukha ko.

"Bakit ka nakangiti? Siguro may nangyari 'no? Ayaw mo lang talaga sabihin," mabilis na tanong ni Druina habang nakangisi sa akin ng nakakaloko.

Tamang hinala naman 'tong babaeng 'to.

"Wala nga," sagot ko. Pero nakangiti ba talaga ko? Bakit naman ako ngingiti, e, thank you lang naman ang sinabi niya?

My God, Constance Grace!

Oo guwapo si Ludovic Luciano, at totoo namang kung may choice ako, gugustuhin kong jowain siya. Pero hello? Kailan pa ako kinilig sa 'thank you'?

Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain, habang itong dalawa ay tila ba nag-aabang pa rin ng tsismis.

"Bet n'yo ba si Ludovic?" tanong ko na lang out of nowhere sa kanilang dalawa.

"Hindi."

"Nope."

Halos magkasabay ang pagsagot nila, medyo nauna lang ng konti si Druina. "Bakit naman? Guwapo naman siya, ah," I asked again.

"Siguro kung hindi namin siya kilala, baka sakaling nagustuhan namin siya," paliwanag ni Druina kaya nahinto ako sa pagsubo ng hotdog at tumingin sa kanya.

"E, ano naman kung kilala n'yo siya? Kung sabagay, may kasamaan din ang ugali niya, kaya hindi ko kayo masisisi," sagot ko.

"I agree, kung ugali ang pag-uusapan. Siya na yata ang pinakamasama sa lahat ng Capodecina ng Luciano Famiglia," pagsang-ayon naman ni Fiorella kaya saglit akong natigilan at napatingin sa kanya.

"Talaga?"

"Oh yes, but don't get me wrong, ha? Dahil this is not a bad thing. Because of who he was as a person, he gained widespread respect. Kahit na pinakahuli ang Tredicesimo sa lahat ng decina, he is the most revered Capodecina ever," Fiorella responded with a gleam in her eye.

Why is it that despite his nasty attitude, everyone looks up to him? What Fiorella had to say did not seem to be complimentary at all. Pero ganoon naman yata talaga sa mga Mafia Groups.

"Kung magbi-base ako sa mga sinabi n'yo, wala namang dahilan para hindi magustuhan si Ludovic." Nire-respeto siya ng lahat, this only goes to demonstrate that he must have some admirable qualities to garner such acclaim.

C A P O D E C I N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon