C a p i t o l o 7

1.5K 106 13
                                    

"What do you think I should wear?"

"Bagay naman kahit ano sa 'yo, Druina. But I think this outfit is more stylish. What do you think?"

"Mukhang tama ka kaya sige, susundin ko 'yang payo mo."

"For sure mas mapapansin ka ni Russo mamaya."

"Sana naman 'no! Ang tagal ko nang nagpapapansin sa lalaking 'yon, eh."

Kanina pa nag-uutuan sina Fiorella at Druina pero wala akong pakialam dahil abala ako sa pag-iisip ng mga nangyari kanina. Currently, I am doing nothing more than lounging around on the bed. Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung bakit dito sila sa kuwarto ko nag-aayos, e, meron naman silang kani-kanilang kuwarto.

Pero sino ba naman ako para mag-reklamo pa, e, pinatuloy na nga nila ako rito sa bahay nila. Since that there are only two of them here, they insisted that I stay with them for a while. Eksakto namang tatlo iyong mga kuwarto, so pumayag na ako.

In spite of snuggling up to my pillow and closing my eyes, I couldn't fall asleep. Masyadong mahaba ang araw na ito para sa akin at ang gusto ko na lang ngayon ay katahimikan para makapagpahinga na ako. Anong oras ba kasi sila aalis?

"Constance, sigurado ka bang ayaw mong sumama sa amin?" dinig kong tanong ni Fiorella.

"No," mabilis na sagot ko. Her footsteps were audible as she made her way toward me.

"Maraming guwapo roon," singit ni Druina.

"Ayoko," mariing sagot ko, sabay taklob ng kumot. Ayoko naman kasi talaga, eh!

Ramdam ko ang pag-upo ni Fiorella sa kama ko dahil bahagyang lumubog ang kaliwang bahagi ng kama. Hay! Ang kulit naman! "Chance mo na 'yon para makilala si—"

"Ayoko—"

"—si Capo," pagtutuloy ni Fiorella sa sinasabi niya kaya mabilis kong inalis ang kumot na nakatalukbong sa akin.

"Ayoko nang patagalin pa, nasaan ba ang susuotin ko?" tanong ko nang makababa ako ng kama at saka aligagang lumapit sa may vanity mirror kung nasaan si Druina. "Excuse me, tapos ka na 'di ba? Mag-aayos lang ako." Tinabig ko ang kamay ni Druina para kuhanin ang primer at nag-umpisa nang mag-ayos.

Naririnig kong tumatawa si Fiorella pero masyado akong busy sa pagpapaganda kaya hinayaan ko na lamang siya. "Akala ko ba ayaw mong sumama?" tanong pa niya.

"Huh? Sino may sabing ayaw ko? Mabilis kasi akong mag-ayos kaya pinauna ko na kayo."

"Sabi mo kanina ayaw mo?" natatawang singit ni Druina.

"Ayaw ko nga. Ayaw ko ng pinaghihintay ako, kaya ngayon pa lang ako nag-aayos," sagot ko. Ano bang pinagsasasabi ng mga 'to?

"Wow! Constance, Ikaw ba 'yan?" Inirapan ko si Agnello habang pinapasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wow! Constance, Ikaw ba 'yan?" Inirapan ko si Agnello habang pinapasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. And to be honest, hindi ko bet iyong paraan niya ng pagtingin sa akin dahil nangingibabaw ang pagka-manyak niya.

C A P O D E C I N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon