C a p i t o l o 12

1.2K 80 30
                                    

"Constance, maupo ka nga. Kanina ka pa pabalik-balik d'yan, girl. Pati ako nahihilo na sa 'yo," reklamo ni Druina. Bakit nga ba kasi ako pabalik-balik?

"Okay fine, ito na nga mauupo na."

"Your legs, Constance." This time, si Fiorella naman ang nanaway sa akin.

"Sorry," bulong ko. Ang lakas kasi ng pagkakasabi niya. Pati na rin si Druina kanina.

Hindi ko kasi namalayan na nag-umpisa naman pala akong manguyakoy pagkaupo ko. Puta! Hindi kasi ako mapakali. Kanina pa si Ludovic Luciano roon sa loob ng la sala conferenze ng main building ng Luciano Famiglia. So yes, nandoon din sa loob ang papa ni Ludovic Luciano slash ang Don ng Luciano Famiglia na si Salvatore Luciano. Although ang bali-balita, e, mahina na siya. Hindi ko rin sure kasi na-tsismis lang naman sa akin iyon at never ko pa naman siyang na-meet in person.

Pero bukod pa r'yan ay nandoon din ang Consigliere ni Don Salvatore na si Onofre.

Pati tuloy iyong ibang mga miyembro ng Luciano Famiglia rito sa labas, e, napatingin sa gawi namin dahil sa lakas ng bunganga n'ong dalawa. Nakakahiya tuloy. Ang iba pa naman sa kanila, e, paniguradong mga funzionare. Ano na lang iisipin nila 'di ba? Na ang asawa ni Ludovic Luciano na future Don ng Luciano Famiglia ay walang tiwala sa asawa niya.

Meron naman kasi akong tiwala kay Vic, kaso, alam ko rin naman kasi deep inside na ako ang dahilan kung bakit sinugod ni Ciro at ng mga kasama niya ang Luciano Famiglia.

"Relax! Tiwala ka lang. I'm sure alam ni Capo ang mga isasagot niya kapag tinanong siya ni Don Salvatore Luciano." Tumango-tango na lamang ako sa sinabi ni Druina kahit kabado talaga ako.

Ilang saglit pa ay may lumabas mula sa la sala conferenze na dalawang tauhan ng Luciano Famiglia. Lumingon sila sa gawi naming tatlo nila Druina at Fiorella kaya nagkatinginan kaming tatlo bago namin ibinalik ang mga tingin namin sa dalawang lalaki na naglalakad patungo sa direksyon namin. Okay? So ano naman kaya ang kailangan nila sa amin?

"Constance Grace," pagtawag sa pangalan ko n'ong isang lalaki. Halos dalawang metro na lamang ang layo niya mula sa amin kaya naman bakit kailangan pa niyang isigaw ang pangalan ko? Nakakainis! Nakatingin tuloy sa akin ang lahat ng tao rito sa paligid.

"Yes?" confident na sagot ko. S'yempre ayoko namang ipahalata na kabado ako at the moment 'di ba?

"Ipinapatawag ka ni Don Salvatore Luciano sa loob."

"Wait what?" mabilis na sagot ko nang patanong sa kanila. At the same time, parang gustong kumawala ng puso ko sa sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib ko.

"Inuulit ko, ipinapatawag ka ni Don Salvatore Luciano sa loob ng la sala conferenze," pag-uulit nga niya sa sinabi niya.

"I know, I get it," sagot ko. "Pero sinabi ba niya kung bakit?" Para naman akong hindi nag-iisip kung magtanong. Bakit nga naman sasabihin ni Don Salvatore Luciano sa kanila kung ano ang kailangan niya sa akin.

"They would most likely interrogate you since involved ka sa mga ganap," balewalang sabi ni Druina kaya napatingin ako sa gawi niya at napalunok.

"I agree," pagsang-ayon pa ni Fiorella. All by myself ang peg ko dahil mukhang hindi ako makakakuha sa kanila ng lakas ng loob. Hindi naman kasi nakatulong ang mga sinabi nila.

"Alright," confident na sagot ko sa dalawang lalaki sa harap namin. Kahit deep inside, e, gusto ko na lang mamatay. Tumango lang sila at nag-umpisa nang maglakad pabalik sa loob.

"Goodluck," bulong ni Druina.

"Kaya mo 'yan Constance," sabi pa ni Fiorella.

Sinulyapan ko silang dalawa at bumulong, "Hindi ba kayo sasama?" Nagkatinginan sila pero wala akong nakuhang sagot. Mga walanghiya! Wala talaga akong aasahan sa dalawang 'to. Panay landi lang ang alam.

C A P O D E C I N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon