C a p i t o l o 5

1.8K 143 58
                                    

I focused my attention first on the filthy wall in front of me, then on the metal chain that was tying my hands together.

Imagine, nakakulong na ako sa loob ng selda, tapos nakagapos pa ang mga paa at kamay ko habang nakaharap sa pader. Masyadong possessive 'tong si Ludovic Luciano, ah.

Pero okay lang kasi wala namang magandang view rito sa loob. Aside from that, there is not even a sliver of light to be seen. Even the ground itself is not paved, so I'm not sure how I'll be able to find a place to sit if I'm not tied up in some way.

Hindi rin ako puwedeng umalis dito sa teritoryo ng Luciano Famiglia dahil baka hindi na ako makabalik. Kaya kesa tumakas, e, hahayaan ko na lang muna na ganito ang sitwasyon ko pansamantala.

Hindi ko lang alam kung gaano katagal ko kayang manitili rito dahil na nakakasulasok na amoy nitong selda. Amoy pinaghalo-halong panis na pagkain at nabubulok na daga. Buti na lang at hindi ganoon kaselan ang tiyan ko kundi baka kanina pa ako nagsuka.

Natigilan ako because someone was calling me. "Psst! Miss maganda!"

Alam kong ako tinutukoy ng kung sinuman na iyon dahil ako lang naman ang maganda rito.

When I turned to the right, the metal chain that held my hands and feet together clanked. Shit! kailangan kong mag-ingat dahil baka may mga tauhan iyong si Ludovic Luciano na nakabantay malapit dito sa selda ko.

"Miss maganda, ako ito." Kahit hindi ko maaninag ang pagmumukha niya dahil sa sobrang dilim, e, kilala ko ang boses ng manyak na iyon.

"Ano ang trip mo?" pabulong na sigaw ko.

"Nandito ako para tulungan ka," bulong din niya pabalik. Sunod ay nakarinig ako ng kalansing ng mga metal. Binubuksan na nga ng gago itong selda.

"Tanga! Hindi ko kailangan ng tulong mo, huwag kang pabida r'yan," inis na sagot ko sa kanya, pagkatapos ay ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa pader.

Hindi naman sa ma-pride ako, pero ayokong madagdagan ang utang na loob ko sa kanya. Lalo na kung hindi ko naman kailangan ng tulong. Nakapag-decide na ako kani-kanina lang na dito muna ako. Kailangan kong mag-isip ng paraan para malaman kung bakit si Ludovic Luciano ang inilagay ni Ciro doon sa papel.

Pero matigas ang mukha ng isang 'to dahil nandito na siya ngayon sa tabi ko at pilit na inaabot ang lock nitong metal na nakagapos sa mga kamay ko.

"Alam mo hindi ko gustong tumakas, oka—"

"You're welcome," putol niya sa sinasabi ko. I let out a sigh, then rolled my eyes in response kahit na hindi niya naman iyon nakikita.

"Hindi ako ang nakaisip nito, kaya huwag kang mag-alala."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Pero biglang may sumagi sa isip ko.

Don't tell me, si Ludovic Luciano ang nag-utos sa kanya?

I'm not sure why, but just thinking about it made me smile.

Sabi ko na, eh! Mukhang nakuha ko nga talaga siya sa second sight.

I smiled and clutched both of my wrists as he removed my handcuffs, which had been so painful.

Mukha lang din akong tangang nakangiti habang inaalis niya ang chain na nasa binti ko.

"Paano ba 'yan, mukhang boss mo na ako, dahil napaibig ko ang Capo n'yo," I told him in a condescending manner.

"Huh?" Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nagtataka siya dahil clueless siya sa sinasabi ko.

C A P O D E C I N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon