C a p i t o l o 9

1.1K 75 5
                                    

I tried to keep to the background as much as possible. It looks like some of them came for the barattare. Iyon iyong palitan ng mga bagay o serbisyo. Uso pa rin kasi siya rito sa Port Pavilo kaya maraming mga mangangalakal ang dumarayo rito.

Kapansin-pansin ang mga tingin ng mga tao. Everyone seems to be on their guard. Obvious tuloy na may mga ginagawa silang kalokohan.

Ang sabi ni Ludovic Luciano, dumiretso lang ako sa loob ng isang cruise at tumungo kung saan gaganapin ang transaction. Though hindi ko alam kung aling cruise iyon at kung sakaling mahanap ko naman, eh 'di ko alam kung saang parte ng cruise gaganapin iyong transaksyon. At ang pinakamalupit sa lahat, eh, hindi ko rin kilala kung sinong taga Undicesimo ang makikipag-transaksyon. Hays bahala na nga! Hahanapin ko na lang siguro. Wala naman akong choice, eh.

Hindi ko alam kung bakit pero tila ba ang dami kong nakikitang magka-parehas. Kailangan ba talaga by pair dito sa Port Pavilo?

Medyo maginaw, dahil siguro malapit nang mag-pasko. O puwede ring dahil wala akong jowa. Maalin lang naman d'yan sa dalawa, mas mukhang kapani-paniwala lang talaga iyong pangalawa dahil kailan ba lumamig sa Pilipinas? Kahit naman pasko mainit, eh.

"Putangina ang dami!" bulong ko nang matanaw ko kung ilang cruise ang nasa Port Pavilo.

Bakit ba kulang magbigay ng instructions 'tong si Ludovic? Puta parang si Ciro lang, ah.

"Chill ka lang, girl. Kaya mo 'yan," pagpapagaan ko sa sarili ko. Wala namang ibang puwedeng gumawa nito kundi ako lang. Huminga ako nang malalim at saka tinungo ang cruise na nakaparada malapit sa dock.

Marami akong kasabay na naglalakad. Bihis na bihis sila at mukhang mayayaman. Taga Luciano Famiglia rin kaya ang mga 'to? Kasi mukhang hindi. Siguro mga normal na maimpluwensiyang mamamayan sila. At tulad kanina, by pair din sila halos. Karamihan ay may katandaan na kaya ibinalik ko ang tingin sa cruise.

"Crociera Costa Casino," pagbasa ko. Okay now it makes sense. Kaya naman pala mayayaman ang mga kasabayan kong naglalakad.

Pero shit! Speaking of mayayaman. For sure hindi ako basta-basta makakapasok dito dahil mayayaman nga ang kailangan, e ni-singko wala ako—hmm.

Bigla akong natigilan dahil sa naisip ko. Sumandal ako sa railings nitong dock para pagmasdan maigi ang mga taong naglalakad hanggang sa makatanaw ako ng isang pares na sa totoo lang, e, hindi mukhang mag-asawa. May katandaan na iyong lalaki, kung iba-base ko siguro sa itsura niya iyong edad niya, e, tingin ko nasa 60 plus na. Tapos iyong nakapulupot sa kanya na babae, e, tila ba ka-edaran ko lang.

Hindi ako judgmental pero I'm sure kabit 'to. Or si ate girl ay isang bayarang babae tapos pine-perahan lang niya 'tong matandang lalaki.

Bago pa kung anu-anong maisipan ko ay inilipat ko na ang tingin sa mga lalaking nakasunod sa kanila. Anim na bodyguards na may dala-dalang mga attache case. Paniguradong kung hindi pera ang mga laman n'yon, ay mga ilegal na droga.

Thankfully, a man was engaged in conversation with another man not far from where I stood. I walked up to him and took up the attache case that had been at his feet.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon, patakbo akong naglakad hanggang sa makabungguan ko ang isa sa mga bodyguards. Halos matumba siya sa lakas at napangiti naman ako nang matagumpay kong napagpalit ang dala naming attache case dahil nabitawan niya ito na mabilis ko namang nasalo.

In order to pick up the attache case he dropped, I let go of the one I was carrying. And so, he mistook the fallen attache case he was carrying as his.

"Putang—"

C A P O D E C I N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon