C a p i t o l o 4

1.8K 140 90
                                    

"Nakita ko iyong wallet mong pakalat-kalat sa sahig, itatapon ko sana kaso no'ng tingnan ko, ang pogi n'ong nasa ID picture."

Hay ang pangit! Hindi puwede ang ganyang dahilan dahil magmumukha naman akong desperada.

Kanina pa ako naglalakad pabalik-balik at iniisip kung ano ang sasabihin kay Ludovic Luciano kapag nagkita kami.

Bakit ba kasi hindi sinabi sa akin kaagad n'ong lalaking nagdala sa akin sa kuwarto ni Ludovic Luciano na pogi naman pala siya? Napagkamalan ko tuloy na iyong pangit na manyak!

Kailangan kong makaisip ng dahilan na hindi mukhang desperada pero makatotohanan...

...Hmm

"Nahulog kasi iyong wallet mo no'ng nagkabanggaan tayo, hindi mo siguro napansin dahil masyado kang nakatutok sa kagandahan ko, well understandable naman. Kaya nga nagpunta ako rito para isoli."

Very good, Constance Grace! Mukhang mas kapani-paniwala 'tong pangalawang dahilan ko. Sa ganda pa lang 'di ba?

Ibinalik ko ang tingin sa kama dahil nandoon iyong attache case na ibinigay sa akin ni Ciro. Nakabukas ito kaya unang nahagip ng mga mata ko ang note na may pangalang Ludovic Luciano.

"Siguradong proud ka sa 'kin kasi nahanap ko na itong Ludovic Luciano na nilagay mo rito." Bumungtonghininga ako at saka naupo sa tabi ng attache case. "Ang kaso hindi ko pa rin alam kung ano ba ang gagawin ko sa kanya."

Wait lang... "Omygod! Don't tell me, nirereto mo siya sa akin? Luh! Pereng tenge ke nemen!" Itinapon ko pa pabalik ang note sa loob ng attache case dahil sa mga naisip ko.

Siguro natatawa-tawa rin 'tong gagong Ciro na 'to sa akin ngayon habang pinapanood ako na mukhang tangang kinikilig dito.

Kinuha kong muli ang note na ginawa niya para kahit papaano naman ay may kausap ako. "Kung hindi mo kasi naitatanong, sobrang guwapo niya." Inalala kong muli ang itsura ni Ludovic Luciano noong mga panahong naglalakad siya palapit sa akin. "Mukha siyang kagalang-galang, disente at... at feeling ko kinilig siya no'ng nagkabanggaan kami. Tumingin pa nga siya sa akin, ha!"

I'm sure kinilig talaga 'yon. Nahihiya lang siguro sa mga kasama niya kaya hindi niya pinakita.

"Tingin ko nga kung magkikita kami ulit sasabihin niya sa akin... 'Ikaw ba 'yong babae kahapon? Omygod where have you been all my life?'" confident pa na sabi ko.

"Alam na alam ko na 'yang mga linyahan ng mga lalaki na ganyan, eh. Tingnan mo mamaya, easy na lang ang second meeting namin. Baka nga siya pa ang mag-imbita sa akin na sumali sa Luciano Famiglia, eh."

Hold on... when you really think about it, I should be prepared. Kailangan paghandaan ko ang isusuot ko para naman kung sakaling hindi ko siya nadaan sa love at first sight kahapon, baka sa second sight makuha ko na siya 'di ba?

Shit wala pa naman akong damit na dala! Mukhang kailangan ko pa munang mag-shopping ng mga isusuot para mamaya.

Shit wala pa naman akong damit na dala! Mukhang kailangan ko pa munang mag-shopping ng mga isusuot para mamaya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
C A P O D E C I N ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon