Kabanata 04

1.6K 73 4
                                    

Kabanata 4: PANGAKO

Tahimik akong umiiyak. Nakaluhod ako sa paanan ng kama at don umiiyak. Ang sakit sakit para akong sinaksak ng ilang libong kutsilyo.

Ang lakas ng loob niyang dalhin ang babae niya sa pamamahay ko. Sa kuwarto ko.

Tiningnan ko ang sarili ko. Andito na naman ako lugmok na naman umiiyak.

Tumayo ako nang makita kong hindi ko nadala ang phone ko. Sa pagmamadali ko kanina sa pagbaba at pagsalubong sa kanya pero siya pala ang may pagsalubong sa akin. Ang fiance n'ya.

Lumabas ako sa kuwarto at kumatok sa kuwarto kung na saan si Kaemon at Amira. Nakatayo ako sa harap ng pinto na para bang wala na akong makikitang bukas.

Nang bumukas ang pinto ay si Kaemon ang nakita ko. Tinaasan niya ako ng kilay na tila nagtatanong.

"I need to get my phone." matigis kong sabi bago hinawi s'ya para makapasok ako.

Nakita kong nakapatong ang phone ko sa table katabi ng kama at kinuha 'yon. Nakita ko rin ang luggage ni Amira sa tabi ng shelf ko. Narinig ko ang pagsarado ng pinto kaya lumingon ako at nakita ko si Amira na suot suot ang pajama ko.

That's my clothes. Suot suot niya ang damit ko.

Napakatanga mo, Kaemon. Sa totoo lang. Hinayaan mo siyang suotin ang pajama ko, ang damit ko? At hindi mo siya pinigilan? Para mo na ring sinabing mas gusto mo ang amoy ko kay'sa sa kanya.

Tiningnan ko si Kaemon at nakatingin rin siya sa akin. Tingin na blanko at walang pakiramdam. Tumingin akong muli kay Amira na ngayon ay nagpapahid ng lotion sa katawan.

"Nakuha mo na, hindi ba? Puwede ka ng lumabas." Napakatanga mo, Kaemon!

Tahimik akong lumabas bago tuluyang isara ni Kaemon ang pinto ay tumingin ako sa kanya at ngumiti nakita ko ang pag iigting ng bagang niya. Sigurado akong gusto niya akong magalit pero hindi. Hindi ko ipakikitang nasasaktan ako at kung pinapakita mo sa akin yang babae mo para maisip kong hiwalayan ka. Hindi mangyayari 'yon.

Walang magiging masaya sa ating tatlo. Pare Pareho tayong magdusa at masaktan sa gulong ito.

Bumalik ako sa kuwarto habang hawak hawak ko ang phone ko. Nagring pa ito bago ko maisarado ang pinto. Tumatawag si dad at video call 'yon.

Inayos ko kaagad ang sarili ko bago ko sinagot ang tawag. Nasa loob ito ng opisina niya at narinig ko rin ang boses ni tito Leo.

"Cady!" kumakaway sa screen si tito Leo habang nakangiti na ipinapakita naman ni dad.

"Good evening, daddy L." bati ko.

"Asan si Kaemon? Don't tell me wala na naman siya diyan sa bahay niyo?" umiling ako bago ngumiti.

"Andito po siya sa bahay gusto n'yo po ba siyang kausapin? Wala naman po siyang ginagawa."

"Nako, hindi na, hija. Baka matutulog na kayo." Kaagad akong nagsalita.

"No, hindi po! Pwede n'yo po siyang kausapin." Kaagad akong tumakbo papalabas ng kuwarto para katukin muli ang pinto ng kuwarto kung na saan sila.

Well this is my chance. Kung kakausapin ni tito Leo si Kaemon ay kailangan ako nito sa tabi niya.

Bumukas ang pinto at si Kaemon ulit ang bumungad sa akin. Pinakita ko sa kanya ang screen at nakita niya roon ang daddy niya. Ngumiti ako bago lumapit papunta sa kanya kahit nasa likuran niya lang si Amira.

"D-Dad?" tumingin ito sa akin bago pilit na ngumiti.

Nakalapag na ngayon ang phone ni dad kaya pati siya ay nakikita na kasama si tito Leo. Nakangiti ako habang hawak ang phone ko at nakalapit kay Kaemon. Mas inilapit ko ang mukha ko sa kanya bago ito hinalikan sa pisnge at mahinang tumawa kay na dad at tito Leo.

"Ang cute niyo d'yan!" sabi ni tito Leo bago tinapik sa balikat si dad. "Kilan kami magkaka-apo? Tumatanda na kami." nakangiti lang si Kaemon sa tabi ko.

"Hindi pa namin pinag uusapan 'yon, dad." sabi ni Kaemon.

"Don't worry, daddy L! Magkakalaman na 'tong tyan ko after 2 months." nakangiting sabi ko pero masama na ang tingin sa akin ni Kaemon. Nararamdaman ko na rin ang matatalim na tingin sa akin ni Amira.

"Well, sana nga."

"Ingat kayong dalawa diyan, okay? Good night, love birds." sabi ni dad bago pinatay ang tawag.

Kaagad na lumayo si Kaemon sa akin. Tiningnan ko si Amira na ngayon ay masama ang tingin sa akin na para ba akong kinukulam. Wala akong pakealam kung andito sa harap niya yung babae niya. Ang sa akin ay kasal kami at sila ay hindi. May karapatan ako.

Ngumiti ako sa kanila bago tumingin kay Kaemon. "Nakakabitin yung nangyari satin. Gusto ko ng round 2." pagkasabi ko nun ay umalis ako sa harapan nila.

Satisfied na akong nakita ang pagkairita ni Amira at pagtatanong nito kay Kaemon. Pero kahit ganon nasasaktan pa rin ako. Ang tanga tanga kase, Cady! Sasabihin mong di ka nasasaktan pero mamaya iiyak ka na naman!

Tumingin ako sa isang malaking portrait na nakasabit. Picture namin ni Kaemon nung kinasal kami. Kinasal kami sa isang private island at wala ring mga bisita o kaibigan na nagpunta doon.

Tanging si dad at tito Leo lang ang nakakita ng kasal na 'yon. Ayaw kase ni Kaemon ng bongga at maraming tao mas gusto niya na kami kami lang at walang makakakita.

Sa totoo lang ay malungkot ako sa kasal na 'yon kase ang pangarap kong kasal ay magarbo at maraming dadalo pero dahil pinilit lang si Kaemon at hindi niya naman talaga ako mahal ay hindi nangyari 'yon.

"Hija?" lumingon ako at si Manang Nora 'yon.

"Po?"

"Cady... sino yung babaeng kasama ni Kaemon sa kuwarto niyo?" tanong ni Manang. Tumungo ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Si A-amira po." Lumapit ito sa akin bago ako niyakap.

"Okay ka lang ba?" umiling ako. "Gusto mo matulog sa kuwarto ni Manang? Alam kong mas komportable ka sa mas malambot na kama pero mas masarap matulog sa tabi ko," Kumalas ito sa pagkakayakap bago ngumiti sa akin.

Tumango ako.

Bumaba ako at sumunod kay Manang. Nasa first floor kase ang kuwarto nito katabi ng isang guests room. Hindi gaanong kalaki pero kasya kaming dalawa. May sarili rin namang aircon at doble size bed si Manang.

Ako rin naman ang may-ari ng bahay na ito kaya, akor rin ang nagdisesyon sa design ng bahay.

"Halika ka dito." tinapik ni Manang ang tabi ng kama niya habang nakangiti.

Umupo ako roon at tumabi sa kanya. Inihilig ko ang aking ulo sa balikat ni Manang. Siya nalang palagi ang kakampi at takbuhan ko tuwing umiiyak o nasasaktan ako ni Kaemon. Sobrang nagpapasalamat ako kay Manang.

"Manang, desperada po ba ako?" tanong ko.

"Ano ka ba, Cady. Hindi!" matigas nitong sagot.

"Pero pinilit ko siya, Manang. Kaya ngayon nakakulong siya sa 'kin at hindi niya mapakasalan ang babaeng mahal niya..."

"Alam mo, anak. Lahat tayo ay nagdidisesyon para sa ating sarili. Sa tingin mo ba ay magpapakasal sayo si Dalton kung wala siyang nararamdaman sayo?" Wala, wala siyang nararamdaman sa akin. Kaya lang naman siya nagpakasal sa akin ay dahil sa mana niya.

"Alam mo bang isa sa mga pangako ni Kaemon sa kanyang mommy ay kung sino ang ihaharap niya sa altar ay siya na ang makakasama nito habang buhay." Tumingin ako kay Manang.

Pero binali niya 'yong pangako niya. Dahil nagpakasal siya sa akin, sa hindi niya mahal. Nandidiri at galit siya sa akin dahil sa pagiging desperada ko.

"Manang..... tingin mo minahal ako kahit kunti ni Kaemon?" Nagbabakasali lang ako. Baka lang.

Hinawakan ni Manang ang kamay ko at tinapik tapik 'yon. "Cady, maniwala ka sa pangakong 'yon ni Kaemon sa mommy niya."









Running Away From You Where stories live. Discover now