Kabanata 40

1.1K 23 8
                                    

Kabanata 40: UNKNOWN NUMBER



Wala si Mildred sa opisina niya nang pumasok ako. Sinabi kong hindi na ako nagtatago sa kaniya pero ayaw ko pa rin siyang makita. May parte pa rin sa'kin na hindi siya gustong makita at hindi pa handa.

Hindi nagtagal ay gumalaw ang door knob ng opisina ni Mildred at siguradong siya 'yon kaya naman tumayo ako na parang walang nangyayari sa labas at normal lang ang lahat.

"Pasok po kayo..." rinig kong sabi ni Mildred at nang pumasok ang mga ito ay nagkasalubong agad ang tingin namin ni Kaemon.

"Mukhang lumabas po si ma'am Cady—" naputol ang sinasabi ni Mildred nang magsalita si Kaemon.

Seryoso itong tumingin sa akin. "It looks like that she's the one waiting for me." Napalunok ako.

"Ma'am, andito po pala kayo. Ahmmm, maiwan ko na po muna kayong dalawa."

"No, stay here!" Pagpigil ko pero tuluyan na itong nakalabas.

Nakatitig ito sa akin at seryoso lamang habang ako ay nakatayo sa harap niya at hindi alam ang gagawin.

Hindi siya nagsasalita at diretso pa rin ang tingin sa'kin. Ano staring contest ba to? Naiilang na ako ha.

"How are you? Can I see my son?" Yon ang unang lumabas sa bibig niya.

Nagkibitbalikat lamang ako. "As you can see, I'm fine."

"Bakit ka umalis? Bakit mo inilayo sa'kin ang anak ko?" Doon na nabasag ang boses niya.

"We don't need to talk about this, Kaemon. Alam mo ang rason kung bakit ako umalis."

"No, I don't know what's the reason. So, tell me." Umiling ako.

"May trabaho pa ako kaya mas mabuti pang umalis ka na." Naglakad ako papalabas sa pinto nang maramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.

"Cady..." Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.

"Umalis ka na."

Naiwan si Kaemon sa opisina ni Mildred at nang lumabas ako ay nakita kong nakatingin sa akin lahat ng empleyado na para bang may iniintay.

"Magsibalik na kayo sa mga trabaho niyo." Mabilis ang mga itong nagsialisan. Mga chismosa.

Bumalik ako sa opisina ko at tiningnan ang mga document na nakapatong sa desk ko. Kung gaano kadami ang mga to ganon din kadami ang problema ko.

Tinawag ko si Mildred para kunin ang ilang documents na kailangan ko pang pag-aralan.

"Ito na po lahat ng kailangan mo, ma'am."

"Umalis na ba siya?" tanong ko.

"Po?"

Umirap ako. "Umalis na ba si Kaemon?"

"Ah, opo. Umalis na po siya kani-kanina lang. Alam niyo po bang madalas bumisita 'yan dito?" Napatingin ako kay Mildred.

"Bumisita?"

"Opo, ang alam ko po kasi ay inaantay kayong bumalik." sagot nito.

"Kailangan pa nagsimula ang pagbisita niya dito?"

"Siguro mag 6 years na rin, ma'am. Ang galing nga po at nakatagal." Nakangiting sabi ni Mildred habang tumango-tango pa. "Tawagin niyo nalang po ako kapag may kailangan pa po kayo." Tumango ako.

"Okay, thank you."

Sa loob ng anim na taon? Imposibleng gawin 'yon ni Kaemon. O baka naman hindi ko lang matanggap na nagagawa niya nga.

Running Away From You Where stories live. Discover now