Kabanata 17

1.4K 54 0
                                    

Kabanata 17: LANSONES

Nagbabasa ako ng libro habang kumakain sa tabi ng pool. Hindi mainit kaya dito ako pumwesto.

"Cady, mainit na oh!" sigaw ni Manang Nora.

"Hindi naman po..."

Lumapit ito sa akin bago ako pinayungan. Akala mo naman may sakit ako at palagi na lang akong inaalagaan ni Manang. Buntis lang naman ako pero hindi ako paralisado para laging alalayan pagbaba ng hagdan pareho na sila ni Kaemon na OA.

Kanina nga ay kumukuha lang ako ng vacuum para linisin sana ang kuwarto namin ni Kaemon pero pinigilan agad ako ni Manang.

"Manang, gusto ko ng lansones." Hindi ko naman talaga gusto, palusot ko lang talaga para umalis siya at pumunta sa palengke pero hindi pa naman tag-lansones ngayon.

"Gustong-gusto ko na siya." Tumango ito bago ako pinapasok sa loob ng bahay. "Oh sige, pupunta ako sa palengke at ihahanap kita ng lansones."

Umalis si Manang kasama ang driver kaya malaya akong nakagalaw sa bahay. Inayos ko pa lahat ng pagkain sa ref, nilinis ko ang lahat ng guest room nang natapos ako ay pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.

Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng plain white t-shirt at shorts. Ipinost ko lang ang picture ko sa instagram ko para naman magkaroon na ng laman 'yon.

@cadyrye

15 posts      1 followers      0 following

Cady Rye Baldovino
married

"Antagal na rin pala nung huli kong binuksan itong account ko..."

Ilang minuto palang simula nung pinost ko ang picture pero bigla nalang sumubog ang notification ng phone ko. Nagche-check lang naman ako ng mga bagong design sa LAVANA.

Binuksan ko ang instagram ko at nakita ko ang ilang libong message at notification sa'kin. Tiningnan ko ang account ko at nakita kong umabot na sa 10 thousand ang nakafollow sa'kin?

@cadyrye

16 posts        156k followers      0 following

Cady Rye Baldovino
married

Chineck ko ang mga messages at lahat sila ay tinatanong kung ako ba raw ang asawa ni Kaemon. Anong nangyayari? Bakit alam nila na si Kaemon ang asawa ko?

Napansin ko ang isang message at may sinend siyang link kaya naman clinick ko 'yon at pumunta ito sa isang account... account ni Kaemon.

@kaedy143

1 posts     627k  followers     1 following

Kaemon Cortez
married to a beautiful woman | cortez airlines |

Nakita ko ang picture ko sa recently post niya at kasama roon ang username ko, crinop niya lang ang post ko at pinost rin sa account niya. May caption pa ito.

"My wife is a goddess."

Napakaraming nagcomment doon at hinanap agad ang account ko. Ngumiti ako bago napahawak siya tiyan ko.

"HAHAHA! Hindi ko akalaing corny ang daddy mo." Tawang-tawa ako habang tinitingnan ang username niya.

"Corny?!" Napalingon ako kung saan galing ang boses na 'yon.

"Kaemon?"

Nakatakip ako sa bibig ko at nagpipigil sa pagtawa. Lumapit siya sa akin bago pinakita ang post niya.

"Corny? Ang sweet ko kaya pero corny sayo?" Umiling ako.

"No! Hindi yung post mo, okay?" Tumayo ako sa pagkakaupo ko at kinuha ang phone niya itinuro ko ang userny niya. "Do you see that? Kaedy? HAHAHAHA!"

Sumimangot ito bago ibanaba ang phone niya. Nagpipigil pa rin ako ng tawa bago yumakap sa kaniya. "I love you, Mr. Kaedy."

"I love you, Mrs. Cortez." sabi niya bago ako hinalikan sa noo.

"Bakit andito ka? May trabaho ka di ba?" takang tanong ko.

Ngumiti ito. "Namiss kita eh."

"H-Ha? Paulit nga."

"Cady, namiss kita. Namiss ko ang asawa ko." Binuhat ako nito bago hinalikan sa labi. "Hindi pa lumalabas panganay natin, gusto ko na agad sundan." nakangisi niyang sabi bago ako binuhat nang diretso papunta sa kuwarto.

Ibinaba niya ako sa kama bago binuksan ang drawer. "I have a surprise for you." sabi niya.

"Surprise? Hindi ko naman birthday, hindi rin naman ngayon anniversary natin."

May kinuha siyang maliit na paper bag doon bago siya humarap sa akin at inabot 'yon.

"Open it."

Nakita ko sa loob nun ang libro na irerelease palang. Hindi basta-bastang libro, libro 'yon ng favorite author ko.

Tumulo ang luha sa mata ko bago tumingin sa kaniya na nakangiti. Lumuhod siya sa harap ko bago may kinuha sa bulsa niya.

"Will you marry me again, Cady?" May hawak siyang singsing.

Umiiyak akong yumakap sa kaniya. "Yes!"

Isinuot niya ang singsing sa daliri ko bago hinalikan ako sa noo. Niyakap naming dalawa ang isa't isa at masayang masaya.

Parang sasabog ang puso ko sa saya ngayon. Hindi ko mapigilang maiyak kasama siguro ito sa pagbubuntis, ang pagiging emotional.

Kinuha ko ang phone niya para magpicture kami, akala ko nung una ay tatanggi siya pero hindi, siya pa nga itong nagsabi na siya na ang maghahawak ng phone.

"Thank you, Cady..." bulong niya bago muling hinalikan ang noo ko.

Dahil sa pagod na nararamdaman ko ay natulog kami ni Kaemon kahit umaga palang. Mas nauna pa nga siyang makatulog sa akin, mukhang pagod siya sa trabaho.

Mahimbing akong nakatulog dahil alam kong nasa tabi ko lang si Kaemon. Nakayakap pa nga ito sa bewang ko.

Nagising ako sa katok mula sa pinto. Mahimbing pa rin ang pagkakatulog ni Kaemon kaya inalis ko ang braso niya sa akin bago bumangon para buksan ang pinto. 

Nakita ko si Manang na may hawak na lansones. Nakalimutan kong nagpahanap nga pala ako kay Manang ng lansones.

"Umabot pa kami ng driver mo sa dulo ng palengke. Oh siya, magpapahinga muna ako." Nagpasalamat ako kay Manang.

Nakalimutan ko 'yon pero buti nalang rin at wala si Manang kanina. Okay rin pala yung pakana ko, nakatulong rin.

Umupo ako sa tabi ni Kaemon bago tiningnan ang kamay ko kung saan nakasuot ang singsing. Simpleng singsing lamang pero nakita kong may nakaukit na pangalan sa ilalim... ang pangalan ko.





• Thank you sa lahat ng nag-aabang ng update ko at naghihintay. Pasensya na po kung minsan ay late or hindi ako nakakapag-update, super busy ko lang po ngayon dahil malapit na matapos ang sem at naghahabol pa ako ng mga ipapasa ko.

Yes naman, ang rupok ni madam Cady HAHAHA talagang hindi na nagdalawang isip HAHAHAHA

Happy 3.48k reads sa atin!

Running Away From You Where stories live. Discover now