Kabanata 05

1.7K 66 0
                                    

Kabanata 5: LABAS

Kinaumagahan ay sinabi ko kay Manang na magbakasyon muna. Alam ko kasing ilang buwan na niyang hindi nakikita ang mga kamag-anak niya at isa pa gusto ko rin na mailayo si Manang kay Amira.

Nagluto ako ng sariling breakfast dahil hindi ko na pinagluto si Manang bago umalis. Hindi rin naman kakain ng breakfast si Kaemon dito kaya pagkain ko lang ang niluto ko. Inilapag ko ang niluto ko sa mesa bago bumalik sa kuwarto para kunin ang librong binabasa ko.

Nang makabalik ako sa kusina kung saan ko iniwan ang pagkain ko ay nakita kong nakaupo si Amira sa mesa at isinusubo na ang pagkaing niluto ko.

"Hoy!" Sita ko rito.

Inagaw ko ang tinidor at kinuha ang plato na may lamang pagkain. Masama ang naging tingin niya sa akin bago hinawakan ang plato.

"What are you doing? Hindi mo ba nakikita kumakain ako?!" Hindi ko binibitawan ang plato at ganon rin siya.

Inirapan ko ito. "Bakit hindi ka magluto ng sayo?"

"Niluto ito ni Kaemon for me!" Aba! Napakagaga naman nitong babaeng 'to para isiping ipinagluto siya ni Kaemon.

bago siya pinanlakihan ng mata. "At sinong may sabing niluto 'to para sayo? Ako ang nagluto nito at isa pa, hindi bat tulog pa ang babe mo?!" Pangbabara ko.

"Kaya paano ka ipagluluto nun?" Umirap ito bago padabog na binitawan ang plato.

"Hindi naman masarap ang luto mo! Tse!" Hindi raw masarap. Sinong niloko mo?

Naglakad ito paalis sa kusina.

Umupo ako at kumain na. Hindi ko tuloy nalasahan ng maayos itong niluto ko dahil sa kulang. Bakit naman kase kinain ng babaeng 'yon. Kainis.

Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko na rin ang sarili kong pinagkainan. Kinuha ko ang librong nakalapag sa mesa na kanina ay kinuha ko sa kuwarto.

Nakakaawa sa kuwentong 'to yung babae. Nagpakasal kase siya sa lalaking hindi niya gusto, parang ako.....

"Wala ka bang katulong dito?" Nilingon ko 'yon at nakita ko si Amira.

"Wala. Pinagbakasyon ko muna." Tipid kong sagot bago binalik ang tingin sa librong binabasa ko.

"So, sinong magluluto?" Maarteng tanong nito.

Nilingon ko itong muli bago tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Anong tinitingnan mo?"

"Ikaw."

"Ano!?" Ibang klase rin talaga ang babaeng 'to.

"Sabi ko ikaw ang magluluto para sa sarili mo at pati na rin sa babe mo." Iritableng sabi ko bago tumayo at naglakad paalis.

"Can you cook for m-me?" Lumingon ako sa kanya bago ito pinantaasan ng kilay.

"Sorry. Hindi ako maid." Naglakad ako papaalis doon at nakasalubong ko pa si Kaemon.

Tumingin ito sa akin ngunit hindi ko siya tinapunan ng tingin. Dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa marating na ng mga paa ko ang kuwarto. Pumasok ako roon at naupo sa kama. Ibinaba ko ang librong binabasa ko kanina at tiningnan ang sarili sa salamin.

"Hindi ako ganito dati." Hindi na ako mukhang 26 years old, mukha na akong 45 dahil sa eyebags ko, hindi na rin ako nakakapag ayos.

Bakit pa nga ba ako mag-aayos? Dito lang naman ako lagi sa bahay.

Sa kakaisip ko ay napagdisesyunan kong lumabas ng bahay. Pupunta ako sa favorite restaurant ko at manonood ng movie sa mall. Katulad ng dati.

Naligo at inayusan ko ang sarili ko. Naglagay rin ang ng make up pero light lang ito dahil hindi bagay sa mukha ko ang masyadong makapal. Nagsuot ako ng highwaist pants at isang white tops na pinaresan ko ng black boots ko. Kinuha ko rin ang sling bag ko at doon inilagay ang phone at ibang gamit ko.

Running Away From You Where stories live. Discover now