Kabanata 34

1K 24 0
                                    

Kabanata 34: ARE YOU OKAY?

Sa loob ng isang buwan ko rito sa Canada ay nasanay na akong gumising na nasa tabi ko na si Stella. Ang batang ito ang gumigising sa akin tuwing umaga kaya naman tuwang-tuwa ako sa kaniya.

Katulad nga ng sinabi ni Gab na hindi ko kailangang gumalaw dito ay hindi talaga ako pinagagalaw. Kahit na sabihin kong ayos lang naman kung tumulong ako sa mga gawaing bahay pero kahit anong pilit ko ay tumatanggi ito. Kesyo may mga katulong naman na raw para gumawa ng mga 'yon.

Tumatawag din si Gray at hindi ito pumapalya sa pag tawag para kamustahin ang kalagayan ko rito sa bahay niya.

"Tita Cady, do you like cookies?" tanong ni Stella.

Ngumiti ako at tumango. Umalis ito sa tabi ko at nang bumalik ang bata ay may dala na itong isang box na cookies. Inilapag niya sa tabi ko ang cookies bago ngumiti.

"These cookies will hurt your teeth." Pinisil ko pa ang pisnge niya. Stella giggled.

"It's not for me, it's for you!"

Tuwing umaalis si Gab ay naiiwan si Stella sa'kin na siya namang kinatutuwa ko. May inaasikaso si Gab at sinasabi naman niyang ipinaaayos ito sa kaniya ni Gray.

Magkaano-ano ba silang dalawa?

Buong araw kong kasama si Stella at nang dumating si Gab ay iniwan ko na silang mag-ina at bumalik na ako sa kuwarto. Sa pagod ko sa pakikipaglaro sa bata ay hindi ko na namalayang nakaidlip na pala ako.

Hindi ko na namalayan ang oras kaya naman nang magising ako ay dilim na dilim na sa labas at tingin ko ay tulog na rin ang bata. Lumabas ako sa kuwarto at nagtungo sa kitchen para kumain. Naabutan ko pa si Gab na kumakain habang nagtitipa sa kaniyang laptop.

Kumuha lang ako ng pagkain bago naupo sa dulo ng mesa. Tahimik lang akong kumakain para hindi ko maabala si Gab pero naramdaman ko ang tingin niya sa'kin.

"Mas lumalaki na ang tiyan mo, nakapag pacheck up ka na ba ulit?" Umiling ako.

"Isang buwan ka na rito sa Canada at hindi ka pa nagpapacheck up? Magpapacheck up ka bukas sasamahan kita." Kaagad akong tumutol.

"H-hindi na! Kaya ko namang magpacheck up mag-isa, maaabala pa kita sa trabaho mo." Tumingin ito sa akin.

Tinaasan ako nito ng kilay bago nagsalita. "Sasamahan kita."

Wala akong nagawa kundi magpasama sa kaniya kinaumagahan. Sinabi pa nito na may appointment na ako sa isang OB na kakilala niya.

Hindi na ako nagsuot pa ng sosyal dahil check up lang naman ang pupuntahan namin ni Gab. Umiiyak pa si Stella dahil gusto nitong sumama pero ayaw itong isama ni Gab dahil may swimming lesson pa ang bata.

Nang makarating kami sa clinic ay sumalubong samin ang isang doctor na siyang tumingin sa akin at sa baby ko. Maayos at healthy ang baby kaya naman tuwang-tuwa ako, tama talaga ang desisyon ko na umalis sa Pilipinas para maiwasan ang gulo at mapanatiling healthy ang baby ko.

"Kanina ka pa nakangiti, Cady." Lumingon ako kay Gab.

"Masaya lang ako." Ngumiti siya sa akin bago nagsalita.

"Ganyan din ako nung pinagbubuntis ko si Stella kaya naiintindihan kita." Nakakatuwang binabahagi niya sa'kin ang bagay na 'yon. "Malapit ka na ring manganak, 'di ba? Kailangan mo na ng mga gamit para sa baby mo."

Oo nga pala. Mabibilang nalang sa daliri ko ang oras bago ako manganak at wala pa rin nga akong gamit.

“Gab, pwede bang samahan mo ako—" pinutol na nito ang sasabihin ko.

"You don't need to ask kasi talagang sasama ako!" Nakangiti niyang tugon.

Dumeritso kami ni Gab sa mall para mamili. Nauna pa siya sa'kin sa baby section at siya na rin ang kumuha ng cart. Nakasunod lang ako kay Gab habang siya ay kung ano-anong mga bagay na ang pinagdadampot at nilalagay sa cart.

Hindi ko nalang siya pinipigilan at baka magkasapak pa.

Sa dami ng binili ni Gab ay hindi ko alam kung paano bibitbitin ang lahat ng 'yon papunta sa kotse buti nalang tinulungan kami ng staff. Naikot ata namin ang buong mall sa pamimili namin ni Gab siya kasi ang kung saan saan sumusuot makahanap lang ng baby clothes.

"Hindi ba masiyadong madami ang mga 'to?"

"Madami? Kulang pa nga ang mga 'yan para sa panganganak mo." Napailing nalang ako.

Nang makauwi kami ay sinalubong kaagad ni Stella ang mommy niya. Nakangiti lang ako habang pinapanood silang mag-ina, ibinigay pa ni Gab ang binili niyang candies sa bata.

Tinulungan ako ng mga katulong sa bahay na mailagay sa kuwarto ko ang lahat ng mga pinamili namin ni Gab. Nang mailagay na nilang lahat ay sinabi kong iwan na nila ako sa kuwarto at ako na ang bahala na ayusin ang mga pinamili namin.

Habang inaayos ko ang mga damit at kung ano ano pang mga binili namin ay tumunog ang phone ko. Nakita kong tumatawag si Gray kaya naman ibinaba ko ang hawak ko at kinuha ang phone ko sa ibabaw ng kama.

"Hello?"

Ilang segundo pa bago ko narinig ang boses ni Gray sa kabilang linya.

"How are you? Okay ka ba d'yan sa bahay? Hindi ka ba nahihirapan mag-adjust?" sunod-sunod niyang tanong.

Natawa ako kaya natigil ang pagtatanong niya. "I been here for almost a month kaya naka-adjust na ako, kada tatawag ka 'yan ang tinatanong mo. Okay lang ako, okay lang kami ng baby ko. Thank you, Gray."

Narinig ko ang pag buntonghininga niya. "I just want to make sure that your okay."

"Okay lang ako, hindi mo ako kailangang alalahanin. Hindi naman ako pinapabayaan nina Gab dito." Nakakatuwa lang na nag-aalala siya sa kalagayan ko siguro siya ang naguguilty para sa amin ni Kaemon. 

"Okay, tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka."

"Thank you, Gray." Ako na ang pumatay sa linya.

Napaisip tuloy ako kung talaga bang ganon nga ang nararamdaman niya. Baka nga naguguilty siya sa nangyari samin ni Kaemon at dahil kaibigan niya ito ay siya ang tumutulong sa'kin.

"Cady, kanina pa ako kumakatok hindi ka sumasagot." Nagtaas ako ng tingin at nakita ko si Gab na buhat si Stella habang tulog.

"Kumakatok ako pero hindi mo man lang ako pinapansin kahit nakabukas naman itong pinto mo."

"Naisip ko lang kung kamusta na ang daddy ko sa Pilipinas, sorry."

Nagbago ang expression ng mukha niya. "Gusto mo bang umuwi saglit sa Pilipinas? Hindi kailangang malaman ni Gray."

Uuwi? Gusto ko nga bang umuwi?








Running Away From You Where stories live. Discover now