Kabanata 22

1.4K 66 19
                                    

Kabanata 22: DESISYON

Nang makarating ako sa bahay ni dad ay pinagbuksan agad kami ng gate. Binati ako ng mga kasambahay nang pumasok ako sa bahay. Umakyat akong dire-diretso sa kuwarto ko noon. Mas makakapagpahinga ako dito. Kailangan kong mag-isip, kailangan kong magrelax, kailangan kong takasan sandale ang mga problema.

"Ma'am Cady, hinahanap po kayo ng asawa niyo." sabi ng isang kasambahay.

"Huwag niyong papasukin, hayaan niyo lang siya." tipid kong tugon bago isinara ang pinto ng kuwarto.

Tahimik dito sa bahay ni dad kung wala siya ay purong kasambahay lamang ang narito. Kung narito naman siya ay wala ang mga kasambahay.

Ayaw kasi niyang may tao sa paligid niya tuwing nasa bahay siya bukod nalang sa isang kasambahay rito na matagal na nagsisilbi sa pamilya namin. Ngunit dahil sa matanda na ito ay tumigil na rin ito sa pagtatrabaho.

Kailangan kong takasan sandale ang lahat ng ito. Buntis ako at alam kong makakasama sa baby ko ang lahat ng nangyayari. Kung stress ako ay stress rin siya.

Bumuntonghininga ako maraming nangyayari bawat araw pero hindi ko akalaing makakakita ako ng ganon. Annulment papers?

May plano kang iwan ako, Kaemon. Aabandunahin mo kami ng anak mo? Akala ko ba'y wala kang planong iwan ako kung ganon ay bakit may divorcement papers sa kuwarto natin at may pirma mo pa? Nakakalito, nakakabaliw.

Grabe kang magmahal nakakasakit.

Wala ng tumawag sa'kin buong araw, umuwi ka na ba agad Kaemon? Sumilip ako sa bintana ng kuwarto para tingnan kung nasa harap pa rin ng bahay ang kotse ni Kaemon, wala na. Umuwi na siya.

Nagmamakaawa ka pa sa'kin kanina pero ngayon ay sumuko ka na agad. Tiningnan ko ang singsing na nakasuot sa daliri ko.

Itong singsing sa kamay ko, hindi naman ito sinuot sa'kin ni Kaemon dahil mahal niya ako noon, isinuot niya ito sa'kin dahil kailangan niya para sa mana niya. Hanggang ngayon ba ay para parin sa mana ang ginawa niyang lahat?

Paano kapag nanganak na ako? Iiwan na kami ni Kaemon, aabandunahin niya kami ng anak niya?

"Anak..." Kumakatok sa pinto si dad. "Papasok na ako, ah."

Bumukas ang pinto at nakita kong nakangiti si dad sa'kin. Tumayo ako at lumapit sa kaniya bago yumakap.

"Do you want to talk?" Tumango ako.

Naupo kami ni dad sa kama kinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari. Nung una ay galit siya pero nung kinuwento ko rin sa kaniya ang ginawa ni Kaemon noong sinabi kong buntis ako ay nagbago rin ang reaksiyon niya.

Mas nagulat pa si dad nung sabihin kong may karelasyon si Kaemon nung ikasal kaming dalawa. 

"Dad, hindi ko alam kung anong dapat kung gawin. Hindi ko alam kung magdedesisyon ba ako gamit ang puso o isip." Niyakap ako ni dad.

"Gawin mo ang alam mong tamang gawin, anak. Alam kong makakayanan mo ang lahat ng ito dahil malakas ka katulad ng mom mo." Ngayon lang ulit binanggit ni dad si mom.

Humiwalay si dad bago hinawakan ang kamay ko. "Nasa baba pa si Kaemon... kanina pa siyang naroon at inaantay ka."

"Tama bang harapin ko siya ngayon, dad? Ngayong nalilito pa ako kung ano ang dapat kung gawin?"

Hindi ko alam kung ano ba ang paiiralin ko. Kung puso ang paiiralin ko ay alam kong makakasama ko siya pero hindi kami magiging masaya. Kung isip naman ang aking paiiralin magiging malaya kaming dalawa at ngunit masasaktan pa rin ako.

Ano bang tamang sagot sa lahat ng ito? Meron ba?

"Hindi mo matatakbuhan ang problema, Cady. Hindi matatapos ang problema kung hindi mo ito haharapin." tumingin ako kay dad.

"Kayo ba ni mom dumating sa ganitong sitwasiyon, dad?"

Tumingin si dad sa picture ni mom na nakasabit sa wall ng kuwartong ito. "Hindi kami umabot sa sitwasiyon mo, anak. Ngunit umabot kami sa punto na kailangan naming magdesisyon kung ikaw ba o siya."

Nakita ko ang papatulong luha ni dad. "Bakit ako ang pinili niyo? Bakit hindi nalang si mom?"

Ngumiti si dad bago bumaling ulit sa akin. "Dahil sinabi rin ng doctor na hindi na ulit kami magkaka-anak. Himala nalang ang pagbubuntis ng mommy mo kaya ng malaman ng mommy mo 'yon ay siya mismo ang nagdesisyon." Unti-unti nang tumulo ang luha sa mata ni dad. Nakatungo na siya habang nagsasalita.

"Kaya hindi ko rin pakekealam ang magiging desisyon mo sa relasyon niyo ni Kaemon. Dahil alam kong katulad ng mommy mo ay alam mo rin ang gagawin."

"Bakit hindi mo pinigilan si mommy?"

"Dahil hindi niya rin kakayanin kahit na siya ang piliin ko..."

Niyakap ko si dad ngayon ko lang siyang nakitang umiyak. Alam kong masakit pa rin sa kaniya ang nangyari kay mom ganon rin sa akin. Hindi ko siya nakilala o nakita man lang dahil sa pagsilang niya sa akin ay binawian rin siya ng buhay.

Binigyan niya ako ng buhay kapalit ng sa kaniya. Ang lakas-lakas ng mommy ko.

Pinatahan namin ni dad ang isa't isa bago ako bumaba, tama si dad. Hindi ko matatakasan ang problema hanggat diko nireresulba.

Nakita ko si Kaemon na nakaupo habang nakayuko. Nagtaas siya ng tingin ng nasa harap na niya ako, bahagya siyang ngumiti pero bakas pa rin sa kaniyang mukha ang lungkot at takot.

"U-uwi na tayo?" tanong niya.

"Mahal mo ba talaga ako?" tanong ko naman.

"Oo. Mahal na mahal kita." Walang pag-aalinlangang sagot niya.

Mahal na mahal mo ako pero pumirma ka sa annulment paper? Anong klaseng pagmamahal 'yan?

"Uwi na tayo sa bahay..." Lumapit siya bago ako niyakap isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko kahit na mas matangkad siya kay'sa sa akin.

"Kaemon..."

Naramdaman ko ang pagkabasa ng leeg ko, umiiyak siya. Lumayo ako ng kaunti sa kaniya bago tumingin sa mukha nito. Namumula na ang ilong nito at umiiyak na.

"Uuwi na ako ng maaga, maglalaan na ako ng oras para sayo basta umuwi na tayo... umuwi na tayo, Cady." Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya, hindi ko siya matitiis.

"Uuwi na tayo." Humigpit ang yakap niya sa'kin bago muling isiniksik ang kaniyang ulo sa leeg ko.











[ Huwag naman po sana tayong magmention ng ibang characters sa story na ito. Si Cady at Kaemon po ang characters ko hindi si ano o kung sino man. Hindi ako nagdadalawang isip na magmute, gusto ko lang naman magsulat. ]

Running Away From You Where stories live. Discover now