Kabanata 42

999 20 1
                                    

Kabanata 42: MY WIFE




Narinig ko ang pag-uusap ni dad at tito Leo. Dumalaw kasi si tito Leo para bisitahin si Evander  dito sa bahay.

"Alam kong dapat hindi ko ito sabihin pero Emmanuel, baka naman pwede mong pakiusapan si Cady na makipag-usap kay Kaemon?" Bumuntonghininga si dad.

"Titingnan ko ang magagawa ko, Leo."

Narinig ko rin sa usapan nila na hindi tumigil si Kaemon sa pagbisita sa opisina ko pero dahil sa pagbabantay ko kay Evander ay hindi ako nakakapasok.

Madalas pa rin ang pag-iinom nito at hindi siya mapigilan ni tito Leo.

"Kaunti nalang at babagsak na ang katawan nung batang 'yon, walang pinakikinggan. Sinabi ko rin naman na hindi siya babalik ni Cady kung hindi niya ipapakitang nagbago na siya." Ani ni tito Leo.

"Hindi ko rin naman mapipilit si Cady at ayaw ko rin namang pakialaman siya. Malalaki na ang mga bata at alam ko namang kaya na nilang magdesisyon para sa kanilang dalawa."

Pumunta ako sa kuwarto kung saan naroon si Evander sa ngayon ay binibihisan siya ni Linda. Balak ko kasing dalhin siya sa isang private playground. Hindi lang naman siya ang makakapaglaro doon dahil marami rin namang mga bata ang naglalaro doon at hindi basta bastang nakakapasok ang kung sino.

"Are you excited, baby?" tanong ko.

Tumalon talon si Evander sa kama at tumatango. "Yes!"

Binuhat ko si Evander at si Linda naman ang may dala ng bag nito. Nang lumabas kami ay tumayo na si dad at tito Leo sasama kasi ang mga ito sa playground.

"Let's go?" Ngumiti si Evander at bumaba mula sa pagkakabuhat ko at mabilis na tumakbo kay tito Leo at dad.

"I'm excited, grandpa's!" Tumawa ako dahil sa sobrang hyper nitong anak ko.

Nakasakay palang kami sa kotse pero excited na excited na talaga itong anak ko.

"Ma'am, may tumatawag po sa cellphone niyo." sabi ni Linda. Hindi ko naman naririnig ang ring ng cellphone ko dahil nakatulala ako habang nakatingin sa dinadaanan namin.

Nang sagutin ko ang tawag ay boses 'yon ni Kaemon. "Hello?"

[C-cady! I love you!]

What the hell? Lasing ba siya? Tiningnan ko ang oras sa relos ko at nakita kong maga-alas dose palang.

"Mag-usap nalang tayo kapag hindi kana lasing, Kaemon." sabi ko sabay patay sa tawag na 'yon.

Pinatay ko rin ang cellphone ko dahil panay pa rin ang tawag niya. Nakakairita.

Nang makarating kami sa playground ay mabilis na tumakbo si Evander sa loob. Mabilis ko rin naman siyang hinabol at baka kung saan pa sumuot.

Tinanggal muna namin ang sapatos niya bago siya tuluyang makapasok sa playground at marami na rin namang bata ang naroon kaya umupo ako sa waiting area na kung saan ay nakikita ko siya. Si tito Leo at dad ang sumama sakaniya sa loob dahil gusto nilang sila ang kasama ni Evander sa loob para maglaro.

Tahimik lang ako habang pinapanood ko sila at kinukuhanan sila ng pictures.

Kinuha ko ang bag ni Evander kay Linda para ilabas na ang bimpo nito na ipapamunas ko sa pawis niya mamaya. Paniguradong pawis na pawis ang batang 'yon kapag lumabas sa play area.

"Ma'am, bakit hindi po kayo pumasok?" tanong ni Linda.

"Mamaya na siguro, hayaan ko nalang muna silang magbonding sa loob. Alam kong gusto nilang makabonding ang apo nila." Tumango naman si Linda na mukhang sumasang-ayon.

Hinayaan ko lang sila na maglaro sa loob habang ako ay tahimik na nag-iintay hanggang sa lumabas si Evander kasama si dad at tito Leo. Pawis na pawis ang mga ito at hapung-hapo sa pagod.

"Magpahinga po muna kayo." sabi ni Linda na inabutan si dad at tito Leo ng tubig.

Ako naman ay lumapit kay Evander para punasan ang pawis niya. "Did you enjoy?" tanong ko.

"Yes! I love playing with grandpa's!" nakangiting sagot ni Evander habang hinahabol ang kaniyang paghinga.

Pinaupo ko ito bago pinalitan ng damit katulong si Linda. Nilagyan ko ng pulbo ang likod niya para hindi ito mangamoy pawis.

Nang matapos ang pagpapalit ni Evander ay bumalik na ulit ito sa play area at si Linda naman ang kasama niya. Naiwan naman sina dad at tito Leo sa waiting area. Nagpaalam din ako na pupunta ako sa washroom at sila muna ang magbantay kay Evander. Hindi rin naman ako magtatagal.

Nang makapasok ako sa washroom ay narinig ko ang usapan ng ilang mga babae na tingin ay babysitter ng ilang batang naglalaro sa loob.

"Napakagwapo 'di ba? Ang kaso mo ay nagwawala sa labas." sabi nito.

"Sinabi mo pa! Sa sobrang gwapo parang nalaglag ata panty ko." Nagtawanan pa ang mga ito.

Napatingin naman ang mga ito sa akin nang maghugas ako ng aking kamay. "May kamukha ka." Nagulat ako nang humarap silang dalawa sa'kin.

"Oo nga! Ikaw ba yung asawa nung may-ari ng isang airlines?" Usisa ng mga ito.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. "H-ha?" Hindi ko napansin na nababasa na pala ang damit ko sa sink.

"Yung damit mo!" sabi ng mga ito bago dali-daling pinatay ang tubig. "Okay ka lang ba? Pasensya na kung nagulat ka namin, mukhang nagkamali lang kami, sorry talaga." sabi ng mga ito.

Nang umalis ang mga ito sa loob ng washroom ay doon ko lang nakita ang sarili ko sa salamin. Kita sa mga mukha ko ang pagkagulat dahil sa kanila.

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas sa washroom, hindi rin naman malayo ang washroom sa entrance ng private playground na ito kaya narinig ko ang ilang guards na mukhang may pinipigilan mula sa labas.

Nang silipin ko ang nangyayari sa may entrance ay nakita ko si Kaemon na pinipigilan ng ilang guards pati na rin ng body guards namin. Natigil ito sa pagpupumilit nang makita niya ako. Lumambot ang tingin niya sa'kin at dahan-dahang ngumiti.

"Cady, my wife..." Napatigil ako nang sabihin niya ang mga salitang 'yon. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko at hindi rin ako makapagsalita.

"That's my wife. Let me go!" sigaw niya bago siya bitawan ng mga ito.

Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa'kin at nang makalapit na Ito ay niyakap niya ako. "M-my wife, akala ko iniwan mo ulit ako...." mahinang bulong ni Kaemon bago ko naramdaman ang bigat niya kaya naman napaupo ako at siya naman ay sinalo ng mga guards dahil sa labis na kalasingan.

Running Away From You Where stories live. Discover now