Kabanata 43

987 19 5
                                    

Kabanata 43: GAME


Dumating si dad at tito Leo sa labas kung nasan si Kaemon. Napahimalos nalang sa sariling mukha si tito Leo nang makita si Kaemon na nakahiga sa isa sa mga couch na narito.

"How did he find us?" tanong ni dad.

"Probably he saw us leaving your house and followed us here." sagot ni tito Leo.

Pinabuhat ni tito Leo si Kaemon sa mga body guards at isinakay sa kotse. "Mauuna na ako, masiyadong pasakit sa ulo itong ex-husband mo." tumango lang si dad nang magpaalam na si tito Leo na sumama na pauwi.

Lumapit si dad sa'kin bago inilagay ang kamay niya sa balikat ko. "You must be surprised to see him here, anak."

"Natakot ako, dad." mahinang sabi ko.

Humarap siya sa'kin bago ako tiningnan. "Natakot na malaman niyang nandito ka dahil sa anak niyo? Makakalimutan din niya ang nangyari ngayon dahil sa kalasingan niya, don't worry anak." tipid akong ngumiti.

Bumalik kami ni dad sa loob para balikan si Evander. Uuwi na rin kami.

Nang makasakay kami sa kotse ay napailing ako. Mukhang kahit anong oras ay puwedeng malaman ni Kaemon ang tungkol sa anak niya. Mabuti nalang at lasing siyang pumunta dito kundi kinuwestiyon na niya kung bakit ako naroon sa playground na 'yon.

"Mom, the kids there have a daddy. Can I know where's daddy?" inosenteng tanong ni Evander.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hinarap ko nang maayos si Evander bago nagsalita. "Daddy's busy at work." sagot ko.

"He's always busy and never visit me. He don't love me." nagtatampong sabi ni Evander. "I want to play with daddy." mahinang sabi ni Evander bago ko narinig ang paghikbi niya.

Kaugaling-kaugali ni Evander ang tatay niya. Kapag hindi na kukuha ang gusto ay ganito, umiiyak in a cute way.

"Daddy will visit you soon, okay? I promise." nakangiti kong sabi kay Evander bago siya hinalikan sa noo.

Lumalaki na si Evander at hinahanap niya na ang daddy niya. Hindi naman ganito si Evander kapag kasama niya ang daddy Gray niya dahil napupunan ni Gray ang pagiging daddy kay Evander pero ngayong busy si Gray at nakakahiya namang mang-abala ay nangungulila naman si Evander.

Nakatulog si Evander sa kotse dahil na rin sa pagod sa paglalaro kaya naman nang dumating kami sa bahay ay binuhat na ito ni dad papunta sa kuwarto para doon ihiga.

"Dad, may kailangan lang akong ayusin sa opisina may importanteng client na dumating." sabi ko.

"Ms. Williams?" tumango ako.

"Yes, dad. Alam kong matagal mo na silang hinihintay para sa deal na gusto mong maclose." ngumiti si dad bago tumango.

"Sige lang, ako na ang bahala kay Evander."

Inihatid ako ng driver ko sa opisina at nang makarating ako ay nakita ko agad si Mildred na papalapit sa'kin.

"Ma'am, mala-late raw po si Ms. Williams dahil sa traffic." sabi ni Mildred na tinanguan ko lang. Dumeritso ako sa office ko bago ininhanda ang mga kailangan para sa presentation.

Matagal na itong napaghandaan ni dad pero ngayon na ako na ang nagha-handle sa kompanya ay ako na rin ang tatapos sa deal na ito.

"Ma'am, ready na po ang conference room."

"Good, call the stock holders and inform them na kailangan na sila ngayon dito." Kinuha ko ang phone ko.

"Okay po."

Inayos ko ang suot ko bago ko kinuha ang laptop na gagamitin para sa presentation at kinuha ko na rin ang bag ko.

Nasa loob na ako ng conference room at ganon rin ang ilang stock holders. Iniintay nalang namin ang pagdating ni Ms. Williams na mukhang natraffic talaga dahil sa tagal nitong dumating.

"Mildred, wala pa rin ba?" tanong ko.

Umiling si Mildred bago tumingin sa phone niya.

"Mukhang naipit sa traffic si Ms. Williams." panimula ng isa sa mga stock holders.

"Malapit na rin siguro sila, hintayin na rin natin." sabat ko.

Ilang minuto pa ang inintay namin pero wala pa rin ito. Tinanong ko ulit si Mildred pero hindi raw nagrereply ang ginang kaya naman ako na mismo ang nagmessage dito pero wala rin naman itong reply.

Sa sobrang tagal ng pag-iintay namin ay nagsialisan na ang ilan sa mga stock holders dahil may iba't iba pa silang meeting at schedule.

"Pasensya na talaga Ms. Baldovino but we really need to go."

Umiling ako at ngumiti. "No, it's okay. You can go." sabi ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa conference room at sinubukan kong tawagan si Ms. Williams at nang sumagot ito ay narinig ko agad ang boses niya pati na rin background noise sa kabilang linya. Naririnig ko ang paghampas ng alon, teka? Nasa dagat ba si Ms. Williams?

"Hello? Ms. Williams, dadating pa po ba kayo?"

[Dadating?]

"May narecieved na email ang assistant ko galing sainyo at sinabi doon na pupunta kayo dito ngayon para sa presentation ng deal." sagot ko.

[Sorry, but I didn't send any emails. I'm on vacation kaya impossible 'yan.]

"But we received an email."

[I swear, I didn't send it.]

"Okay. Thank you for your time, Ms. Williams. And sorry for interrupting your vacation." mahinang sabi ko bago ko pinatay ang tawag na 'yon.

Napatingin ako kay Mildred at nagulot ito. "Mildred, let me see the email." sabi ko at dali-dali namang pinakita sa'kin ni Mildred.

Walang mali sa email at ito talaga ang email ni Ms. Williams pero paanong hindi siya ang nagsend?

"Kailan mo narecieved ang email nato?" tanong ko kay Mildred.

"Kahapon lang po, ma'am Cady." sagot ni Mildred.

Sino namang magsesend ng email na 'yon? At sa pangalan pa ng importanteng kliyente namin. Naistorbo ko pa ang mga stock holders dahil sa sa prank na ito.

"Pasensya na po sa abala." paghingi ko ng pasensya sa mga stock holders na ngayon ay paalis na.

Umiling ako bago bumaling kay Mildred. "Sorry po, ma'am." nakatungong sabi ni Mildred.

"No, it's okay. Hindi mo naman kasalanan 'yon."

Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko kaya naman tiningnan ko ito. Nang makita ko kung ano 'yon ay nakita ko ang isang message galing sa unknown number.

From: Unknown

"You got played, Cady. Ang anak mo naman ang makikipaglaro sa akin."

Ang anak ko.

Ang anak kong si Evander...



Running Away From You Where stories live. Discover now