Kabanata 14

1.5K 64 5
                                    

Kabanata 14: CONGRATS

Araw na ng kasal ni Margaret at nalaman ko na ring nandito na si dad sa Batangas. Hindi naman kasi malayo dito sa hotel namin ang venue kung saan ikakasal si Margaret.

"No, masiyadong revealing."

"Masiyadong maikli."

"Mukhang pambata."

"Pupunta ka ba sa birthday party para maging clown?"

Naiiyak na ako dahil wala akong mapiling susuotin sa mga dala kong damit. Nakakainis, green ang theme ng kasal ni Margaret kaya gusto ko sanang nakagreen dress rin ako pero wala akong makita sa mga dala ko.

Narinig kong kumatok si Kaemon sa pinto kaya lumingon ako. May dala siyang paper bag habang may ngiti sa kaniyang mga labi. Umupo siya sa kama bago ibinaba ang paper bag.

Ano na namang laman nung paper bag? Nung huli kang nagdala niyan sakin may nangyari, 'wag ngayon Kaemon. Gusto ko man pero 'wag ngayon.

He tapped his thigh and looked at me. "Sit here." he ordered.

Dahan-dahan akong lumapit bago umupo sa kama katabi niya. Tumaas ang gilid ng labi niya bago hinawakan ang bewang ko.

"K-Kaemon, kailangan ko pang magbihis." Tumayo ako at lumayo sa kaniya.

Mukhang nadissapoint ang mukha niya pero hindi niya pinahalata. May plinaplano talaga siya kaya niya ako pinapauoo doon pero hindi siya magtatagumpay.

"Wear it." Kinuha niya ang paper bag bago kinuha ang laman sa loob.

Isang green dress 'yon hanggang tuhod ko ang haba at hindi revealing. Backless ang likod niya pero mas okay ito kay'sa sa mga damit kong dala. Hindi naman ako papayag na ako lang ang losyang sa kasal ni Margaret.

"Is it for me?" I asked.

"Meron pa bang ibang tao dito sa kuwarto na puwede kong pagbigyan niyang dress? Wala." he answered before he walked out of the room.

Pilosopo! Pero at least maganda itong dress na binigay niya.

Sinuot ko 'yon bago lumabas ng kuwarto. Nakatayo lang si Kaemon habang inaantay ako, nasuot siya ng black suit na lalong bumagay sa kaniya. Wala naman atang hindi bagay sa lalaking ito.

"Tigilan mo ang pagiging maganda, Cady." Nagulat ako nang sabihin niya 'yon.

"Ha?"

"I said stop being pretty. Titingnan ka na naman nila..." tumawa naman ako. "What's funny?"

"Ikaw. May tinatago ka palang kacornyhan!"

"Corny? I'm too handsome to be called corny, call me handsome."

Nang makaalis kami sa hotel ay dumeretso kami ni Kaemon sa venue. Marami na ang tao nang dumating kami, sinalubong pa kami ni dad dahil nakita niya agad kami pagkababa palang sa kotse.

"Kaemon." Bati ni dad.

Ngumiti naman ako at bumeso. "How was your vacation here in Batangas?"

"Okay naman po." tipid na sagot ni Kaemon.

Nang makapasok kami sa mismong venue ay madami akong pagkain na nakita agad kong hinatak si Kaemon papunta doon at pinahawakan sa kaniya ang isang plato na puno ng salad.

"Masiyadong marami 'tong kinuha mo-"

"Hindi kulang pa yan e."

Nakangiti lang ako kay dad habang kinakain ang salad sa plato habang silang dalawa ni Kaemon ay nag-uusap tungkol sa business.

Running Away From You Where stories live. Discover now