Kabanata 13

1.5K 57 9
                                    

Kabanata 13: YOGURT

Ilang oras ng wala si Kaemon at hindi pa rin siya bumabalik. Iniwan niya na ba ako dito sa Batangas? Bumalik na kaya siya sa Valencia?

Nakaupo lang ako sa harap ng laptop niya. Naiwan niya itong bukas at tanggal rin ang password nito. Hindi ko naman pakekealaman dahil baka mamaya ay mas magalit siya pero ano naman kung magalit siya? Galit na siya at wala ng magbabago don. Aasa na naman akong babalik kami katulad ng kahapon pero masakit umasa. Halos sa isang taong pagsasama namin bilang mag-asawa ay ako lang ang umaasa.

Ngayon na nga lang kami naging maayos tapos naging ganito pa. Masakit kasing umasa na magiging mabait at sweet na naman siya. Mamaya ginagawa niya na naman akong pampalipas dahil lang wala si Amira sa tabi niya.

Bumuntong hininga ako bago tumayo at pumunta sa kuwarto kailangan ko ng pahinga, pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawan ko at kahit anong oras ay babagsak na.

Nahiga ako at pipikit na sana nang tumunog ang phone ko. Tumatawag si dad.

"Cady, wala kayo sa bahay niyo?" Nag-aalala ang tono niya.

Nakalimutan ko nga palang ipaalam kay dad na nandito na kami sa Batangas. Nawala sa isip ko na sabihin sa kaniya.

"Ang sabi ng security guards ay umalis raw kayo ni Kaemon at ilang araw na raw kayong di umuuwi? Nasan kayo, Cady?!"

"Dad, hindi na ako bata. Hindi naman ako mawawala at kasama ko rin si Kaemon." Tumahimik siya tingin ko ay pinakakalma niya ang sarili niya.

"Ibigay mo ang phone kay Kaemon. Kakausapin ko siya."

"Dad, natutulog siya sa tabi ko. Huwag mo na akong alalahanin, nandito na kami sa Batangas at aattend kami sa kasal ni Margaret, don't worry." Makaka-aattend pa kaya kami?

Pinatay niya ang tawag nang sabihin kong inaantok na rin ako at kailangan ko rin ng tulog. Nagising nalang ako nang may maramdaman akong gumagalaw sa tabi ko.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Kaemon. Natutulog siya sa tabi ko habang ang mga braso niya ay nakayakap sa akin. Masiyado siyang malaki kaya naman sakop na sakop niya ako sa bisig niya.

Umuwi siya. Hindi na kaya siya galit? Mahimbing ang tulog niya sa tabi ko. Ngayon ko lang napagmasdan ng malapitan ang mukha niya. Hindi pa rin nagbago guwapo pa rin siya at mga pilik mata niya mahaba pa rin.

Hindi ako gumalaw sa puwesto ko at sinulit ko ang pagkakataon na matitigan siya. Hindi ko masasabi kung mangyayari ba ulit 'to.

"Mahal mo ba ako?" mahinang sabi ko habang ang mga mata ko ay pipikit na ulit. Inaantok na naman ako.

"I do..."

Kinabukasan ay parang walang nangyari. Ngumingiti na ulit siya. Sinubukan pa niyang magluto ng breakfast pero dinaig pa ang inihaw sa luto niya.

Kulay itim ang bacon, itlog at mukhang minurder ang hotdog. Makalat din ang lutuan at kung ano anong mga kitchen tools ang nakakalat.

"Order nalang tayo? Hindi makakain 'tong mga niluto ko." sabi ni Kaemon habang hawak ang plato na laman ang mga niluto niyang sunog.

"May natira pa bang maluluto sa ref?" tumango siya. "Ako nalang magluluto."

Umupo siya sa tabi at pinanood lang ako habang nagluluto. Madali namang lutuin ang mga 'to at naturuan naman ako ni Manang Nora, hindi rin ako takot sa mantika.

Habang hinahango ko ang niluto ko ay bigla nalang may nagflash kaya nagtaas ako ng tingin at nakita ko si Kaemon na may hawak na phone.

"Kinukuhanan mo ba ako ng pictures?"

"Hindi. Yung pagkain ang kinuhuan ko, mukha kasing masarap." Ako rin naman masarap.

Tahimik kaming kumain tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ang maririnig. Hindi ko rin alam kung paano siya tatanungin tungkol kahapon, kung paano ko ipapaliwanag ang nakita niya.

Humugot ako ng lakas ng loob para magsalita. "Kaemon, tungkol kahapon—"

"Cady, kumakain tayo." Malamig niyang tugon.

Hindi ko na sinubukan pang magsalita. Tinapos nalang namin ang pagkain at niligpit ko na.

Malapit na rin pala ang kasal ni Margaret pero wala pa rin akong ideya kung aattend ba talaga kami ni Kaemon. Alam kong pupunta si dad, susunod siya.

Nakaupo ako ngayon sa sofa habang si Kaemon naliligo. Pakiramdam ko nagugutom na naman ako pero katatapos lang namin kumain. Naglakad ako papunta sa ref at kumuha ng yogurt bumalik ako sa sofa at binuksan 'yon.

Pagkabukas na pagkabukas ko ay umalingasaw ang panget na amoy nun. Dahil sa amoy ng yogurt ay pakiramdam ko masusuka ako, kaya mabilis akong tumakbo sa lababo.

Pakiramdam ko ay inilabas ko lahat ng kinain ko. Ampanget talaga ng amoy ng yogurt na 'yon. Panis na kaya? Imposible kalalagay lang nun sa ref galing convenience store. Wala naman akong nakaing iba.

Bumalik ako sa sofa at naupo. Nakita kong lumabas si Kaemon sa banyo at tanging towel lang ang nakatapis sa katawan niya pero hindi ko na pinansin dahil sa masama ang pakiramdam ko. Sayang! Minsan na nga lang makita ang katawan niya.

Tumigil siya sa harap ko at tiningnan ako. "Namumutla ka. Are you okay?" May pag-aalala ang boses niya.

"Okay lang ako. Ambaho lang niyang yogurt mukhang panis na ata." sabi ko sabay turo sa yogurt na nakapatong sa coffee table.

Kinuha 'yon ni Kaemon at inamoy. "Panis? Hindi pa panis 'tong yogurt."

"Ah, basta mabaho kaya itapon mo! Ayoko na niyan ang baho baho." Itinapon naman ni Kaemon 'yon bago sinabing magbibihis lang siya.

Ano ba naman 'yan. Wala tuloy akong makain, nagugutom ako. Tingin ko, gusto ko ng ice cream na may toyo.

Nang lumabas sa kuwarto si Kaemon na nakabihis na ay lumapit ako sa kaniya. Ngumiti ako sa kaniya at nagpapacute.

"Anong meron?" tanong niya.

"Ano kasi... gusto ko ng ice cream na may toyo." Nanlaki ang mata nito at parang gulat.

"Ice cream na may toyo? Why? May ibang flavors naman."

"Pero gusto ko nga ng ice cream na may toyo, ngayon na!"

Wala siyang nagawa kundi ang lumabas para humanap ng ice cream.

Umupo ulit ako sa sofa at inisip kung anong magiging lasa nun pero bakit hindi tumututol si Kaemon sa inutos ko? Galit siya sa akin kahapon lang.










____________
Wala akong magagawa sa karupukan ni Cady, malaki na siya at alam niya na ang gagawin. Stress na ako sa acads kaya hahayaan ko nalang siya sa disesyon niya sa buhay.😩😩

Short update.

Running Away From You Where stories live. Discover now