Kabanata 21

1.5K 63 9
                                    

Kabanata 22: BEG

Hindi umalis sa bahay si Kaemon buong araw lang siyang nanatili sa loob ng kuwarto. Nung sinilip ko pa siya ay mahimbing ang tulog nito.

"Cady." Lumingon ako kay Manang Nora.

"Ano bang iniisip mo? Kanina ka pang nakatulala diyan sa harap ng tv," Inabutan ako ni Manang ng mansanas. "Nakapag-usap na ba kayong dalawa?" Umiling ako.

"Kakausapin ko nalang siguro siya kapag hindi na siya busy, Manang. Baka mamaya nakakaabala pala ako..."

"Abala? Bakit ka naman magiging abala sa asawa mo?" tanong ni Manang.

"Malay lang natin, Manang."

Umiling si Manang. "Masiyado mong iniisip ang mga bagay-bagay mas-stress ka niyan."

Ngumiti lang ako kay Manang bago kinain ang mansanas na ibinigay niya.

Wala naman akong gagawin at magawa kaya nakaupo lang ako rito. Kinuha ko ang phone ko ay tinawagan ko si dad.

I think i need a break from things that stress me out like Kaemon. I need a break from him.

"Dad, I want to work in the company."

"Why? Akala ko ba wala kang interest sa business na 'to?"

"I've changed my mind, dad."

Bumuntonghininga ako bago nagsalita ulit. "Dad please?"

"Okay but first tell your husband that your gonna be working na. Buntis ka, dapat nagpapahinga ka lang." Sermon sa'kin ni dad.

"Dad, wala naman akong sakit. Buntis lang ako at hindi pa naman malaki ang tiyan ko para mahirapan akong gumalaw."

"Okay. Pag-usapan niyo ni Kaemon 'yang gusto mo ah?"

Hindi na ako makakatagal sa bahay na 'to na palagi nalang ganito. Nakalalabas pero pakiramdam ko ay nakakulong pa rin ako, para bang may nakahawak pa rin sa leeg ko.

"Cady." I heard a deep voice. Si Kaemon. Umupo siya sa harapan ko at tiningnan ako sa mga mata.

"I'm sorry kung hindi ako nakauwi kagabi. I appreciate your effort for my birthday." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Naiintindihan ko naman." Tipid kong sabi.

"Galit ka ba sa'kin? Labas tayo? Celebrate natin birthday ko?" ngumiti ito.

Tiningnan ko lang siya. "Magpahinga ka nalang, Kaemon."

"Nakapahinga na naman a-"

"Pwes ako kailangan ko ng pahinga!" Inagaw ko ang kamay ko bago tumayo at umalis roon.

Iniwan ko siya roon at pumunta ako sa kuwarto inilock ko pa ang pinto bago ako humiga sa kama. Hinawakan ko ang tiyan ko. "Pasensya ka na, ah. Stress na kasi si mommy kaya nasigawan niya si daddy mo..."

Alam kong para akong tanga rito kung may makakakita man sa'kin na kinakausap ko ang sarili ko pero ang totoo niyan wala pa rin akong kaibigan na puwedeng pagkuwentuhan ng lahat. Wala akong mahingan ng advise sa pwede kong gawin, ang magagawa ko lang ay magdisesyon ng alam kong tama para sakin- samin ng anak ko.

Pipikit na sana ako nang may marinig akong kumakatok sa pinto. "Cady, let me in."

"Baby please..."

"Let me explain, Cady."

Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakaluhod siya sa harap nun. Tumingin ako sa kaniya at ganon rin siya sa'kin.

"C-cady, I'm sorry na." Hinawakan niya ang kamay ko habang nakaluhod pa rin.

Hindi ito yung Kaemon na pinakasalan ko, yung Kaemon na pinakasalan ko hindi lumuluhod. Hindi nagmamakaawa.

"Anong ginagawa mo?"

"Alam kong galit ka dahil sa hindi ko pag-uwi kaga-"

"Tumayo ka diyan." malamig kong sabi.

Umiling ito. "Hindi mo ba ako naiintindihan, ha?!" sigaw ko.

Narinig ko ang pagtakbo ni Manang Nora pataas ng hagdan. Nakita ko pang napatigil ito nang makita kami ni Kaemon.

"Kailangan ko ng pahinga, pahinga sayo Kaemon. Hindi mo lang alam pero napapagod rin ako. Kung iniisip mong dahil ito sa hindi mo pag-uwi ng gabi, hindi!" Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Pag-usapan natin-"

"Pag-usapan? Talaga ba pag-uusapan natin? Teka, alin ang pag-uusapan natin, Kaemon? Alam mo ba yung kailangan nating pag-usapan?!" Sigaw ko.

Tumakbo si Manang samin hahawakan rin sana ako ni Manang pero hindi na ako nagpahawak rito. Naglakad ako pababa sa hagdan at dumeretso sa parking ng bahay. May nakatayong body guard sa may harap kaya tinawag ko ito kailangan ko ng driver. Uuwi ako sa bahay namin.

Sasakay na ako sa kotse nang pigilan ako ni Kaemon. "Saan ka pupunta? Cady, let's talk."

"Makikipag-usap ako sayo kapag gusto ko na."

"Hindi mo siya ihahatid." Tumingin siya sa body guard na nakaupo na sa harap na binubuhay palang ang makina ng sasakyan.

"Paandarin mo na." utos ko.

"Tatanggalin kita sa trabaho." Kaagad na pinatay ng body guard ang makina kaya mas nainis ako.

"Ako na ang magpapasahod sayo simula ngayon kaya paandarin mo 'yan at aalis na tayo." Pinaandar nito ang kotse bago ko tinanggal ang kamay ni Kaemon sa braso ko.

Sumakay ako sa kotse bago sinara ang pinto. Bumukas ang gate ng bahay kaya umandar na papaalis ang kotse. Nakita ko pa sa mirror ng kotse na sumakay rin si Kaemon sa kotse niya, sumusunod siya.

"Sa bahay ni dad." Tumango lang ang body guard ko.

Pinapanood ko lang na sumunod si Kaemon sa likuran namin. I like this. I like it when Kaemon is the one who does the chasing.










★ Pasensya na po sa matagal na update, naging straight one week na po kasi ang class ko at super daming gawain. May mga ginagawa rin po ako sa bahay. Thank you po sa inyong lahat!❤️

Running Away From You Where stories live. Discover now