Chapter 1

1K 11 0
                                    

𝟐𝟎𝟏𝟎

"Ri, may sulat ka." Kinikilig na wika ni Mae at inabot sa akin ang nakatuping papel.

"𝑆𝑚𝑖𝑙𝑒 𝑏𝑒𝑓𝑜𝑟𝑒 𝑜𝑝𝑒𝑛."

  Pagbasa ko sa nakasulat sa harapan nito.

I sigh. Love letter na naman.
Wala namang bago, halos araw-araw nga ako nakakatanggap ng mga love letter at isa lang ang dahilan. Gustong makipagkilala pero nahihiya kaya idinaan nalang sa sulat. Ang babaw diba?

"Buksan muna. Tignan natin kung sino."

Wala sa plano ko na ang buksan iyon lalo na ang basahin kung ano ang nakasulat kaso mapilit si Mae kaya ibinigay ko nalang sa kanya para siya ang magbukas at magbasa ng sulat tulad nang kagawian niya lagi. May boyfriend na ako. Ayoko na mag-intertain pa ng iba.

"Kyahhh!!"

Napangiwi ako nang tumili siya. Kinikilig sa sulat na binabasa. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Iba itong secret admirer mo, Ri. Ang lakas magpakilig, abot hanggang kalamnan," she giggly said.

”Ano ba ang sabi?" Tanong ko at kinuha sa kanya ang sulat para tingnan ito.

     𝐾𝑎ℎ𝑖𝑡 𝑛𝑎𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑎𝑦𝑜 𝑘𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑘𝑜 𝑚𝑎𝑖𝑤𝑎𝑠𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑡𝑖𝑡𝑖𝑔𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑚𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑢𝑘ℎ𝑎.

" Kyahhhhh. Oh my god. Oh my god!!!" tili ni Mae nang basahin ko ang naka-sulat. Hinampas pa ako sa braso kulang nalang sabunutan ako.

Simple letter that made me cringe. Sino ba ang hindi kilabutan dito? Somebody watching me from a far. Hindi ko kilala at ngayon ko lang nalaman kung hindi pa nagbigay ng sulat. Kailan pa kaya siya nagsimula na titigan ako mula sa malayo? Mapa "Oh my god" ka talaga.

Tiniklop ko muli àng papel at isinilid sa aking bag. I'll keep this for remembrance kasama nang ibang sulat galing sa mga hindi ko rin kilala. Minsan napatanong ako, bakit sila mahiya na makipagkilala kung una palang iyon lang ang gusto nila? Diba? Hindi naman ako mataray, friendly nga ako e. Sila lang 'yong may problema, kung ayaw nila ng personal na makipagkilala edi 'wag.

"Hindi ka ba mag-responce sa secret admirer mo?"

"As if naman na kilala ko."

"Kaya nga secret admirer diba? Duh!"

"Yun na nga. Paano ako makapag response e hindi ko nga kilala, " pinitik ko ang noo niya. "Kanino ko iyon ibibigay, ha? " Napa-kamot siya sa kanyang ulo, hindi naka sagot sa sinabi ko.

Kahit naman kilala ko wala parin sa loob ko na mag response, aksaya lang iyon sa oras at sayang sa papel at tinta ng ballpen wala naman silang ambang para pambili non.

"Baka may pangalan hindi mo lang nabasa tingnan natin ulit," kinuha ko ulit ang sulat at ibinigay sa kanya dahil alam ko hindi ako titigilan kapag tumangi ako.

"Ayaw mo pa maniwala. 𝘚abi ng wala e."

Hilaw siyang tumawa at inabot muli sa akin ang sulat. "Naniniguro lang, ito naman. Tara tambay tayo sa purok. "

Dito sa purok namin kami tumatambay. Kaunti lang ang estudyante dito sa loob ng campus dahil lunch break pa. Walang canteen dito kaya halos sa labas ng campus ang ibang estudyante kumakain. Ang iba dito sa purok, ang iba naman sa loob ng classroom. Kami ni Mae doon sa likod ng classroom namin, may herbal garden doon at doon ang paborito naming tambayan ngayon lang kami nagawi dito sa purok para mag tambay.

Madly In Love With Mr. Playboy(COMPLETED) Where stories live. Discover now