Chapter 22

165 2 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang totoong rason ni Homer kung bakit niya iyon ginawa kay Kenneth. Magkaibigan sila tapos nagsuntukan, sa anong dahilan?

"Bakit kailangan mo pa siyang suntukin kung pwede namang kausapin?" Tanong ko. Pwede ko naman siyang tanungin kaysa mag-isip pa ako kung bakit niya iyon ginawa.

"Anak ng,"  natampal niya ang kanyang noo. "Ilang beses ko na siyang kinausap, Ri  pero hindi siya na kinig sa akin. "

" Tungkol ba ito sa panliligaw niya ulit Adelah? "

" Hindi lang yon, Ri, tungkol din ito sayo, " umupo siya sa tabi ko. " Kaibigan ko siya at alam ko kung gaano siya ka gago pagdating sa babae. Una palang sinabihan ko na siya na gaguhin niya ang lahat ng babae huwag lang ikaw. Kapatid ang turing ko sayo kaya sa ganoong paraan kita pinutektrahan. At hindi ako hihingi ng tawad sa pagsuntok ko sa kanya. At kung ako ang masusunod ayaw na kitang palapitin sa kanya at kung maari ay maghiwalay na kayong dalawa."

Kapag ba hindi na okay ang relasyon ang solusyon mo ay makipaghiwalay kaagad sa kanya? Hindi ba pwedeng pag-usapan at ayusin muna? Alamin kung ano ang pahayag niya at  doon ka mag desisyon kung bitaw na o ipag-patuloy pa.

Tiningnan ko si Kenneth sa gilid ng daan, kinakausap siya ni Analyn at Mabel. Si Adelah, ewan ko kung nasaan. Kinuha ko ang aking cellphone at nag tipa ng mensahe. Walang emosyon na tumingin sa akin si Kenneth pagkatapos basahin ang mensahe ko sa kanya at isinilid  ang cellphone sa kanyang bulsa. Hindi man lang ng reply sa text ko.

Ako na ang nag sorry kahit siya ang may kasalanan tapos hindi pa ako nireplayan. Napa buntong-hininga ako at umiwas ng tingin sa kanya. Sakto tapos na silang mag-usap ni Analyn ay dumating si Kuya Richard. Inunahan na ni Analyn na magpaliwanag kay kuya para hindi ako ma sermoman. Sumulyap ako sa kinaroonan ni Kenneth ngunit umalis na siya. Wala man lang siyang pakialam sa akin.

Tatlong  araw akong lumiban sa klase dahil nilagnat ako. At sa tatlong araw na 'yon  walang paramdam si Kenneth sa akin, hindi man lang ako kinamusta. Hatid sundo ako ni Kuya Wayne ng motor dahil hindi pa talaga maayos ang paa ko at gusto naman ni kuya para ma dalaw niya ang girlfriend niyang si Mitchell.

"Friend, alam mo ba nagsuntukan si Kenneth at Lian noong nakaraang araw."

"Ha? Bakit naman sila nag suntukan?" Nagtataka na tanong ko kay Mae.

" Ewan ko. Uwian na 'yon naabutan ko sila doon sa taas nagsuntukan, walang umawat. Baka dahil sayo friend."

" Bakit naman ako nasali dyan?"

" Baka lang naman. Narinig ko kasi ang pangalan mo na sinambit ni Lian noong nagsuntukan sila."

Bakit naman ako na damay sa gulo nilang dalawa? Hindi kaya dahil ito noong nakaraan? Baka nakita kami ni Kenneth noong nagkabungguan kami ni Lian. Pero bakit magsuntukan, bakit kailangan damayin  ang walang kasalanan? Gusto kong maka-usap si Kenneth pero paano? Nandito si Kuya Wayne.

Hindi na kami nag-usap ni Kenneth. Bihira ko na din siya makita at hindi ko na ma contact ang number niya. Nakaka-lungkot lang isipin na ganoon lang kadali sa kanya na iwasan ako. Na hindi ako kausapin at wala man lang siyang paliwanag sa kasalanang ginawa niya sa akin.

"Tangina mo, Lian tigilan mo iyang pinsan ko," pikon na sabi ni Mabel kay Lian.

Nandito kami ngayon sa videokehan kasama ko si Mabel at mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung paano naging magkalapit na kaibigan si Mabel at Lian. Ayaw kasi tanggapin ni Mabel na kaibigan na sila dahil ginagamit lang daw siya ni Lian para makalapit sa akin bagay na itinatanggi ni Lian.

"Gusto ko lang naman kausapin pinsan mo, e."

"Hay nako! Lasing lang 'yan, Lian."

Ang lakas ng loob na kausapin ako dahil lasing. Todo iwas naman ako. Parang hindi niya alam na pinsan niya ang boyfriend ko.

"Ri, kausapin mo naman ako," nagsusumamo na saad niya.

Hindi ako makatingin sa kanya. "Maingay hindi ko marinig ang mga sinasabi mo," rason ko para matigil na siya na kausapin ako.

Hindi na nga niya ako kinausap pero binabantayan naman ang bawat galaw ko, naiilang tuloy ako. Lumayo ako ng kaunti sa kanya nang ako na ang susunod na kakanta.

Gusto kong umiyak habang inaawit ang
kanta, na alala ko ang nangyari sa amin ni Kenneth. Katulad sa mensahe ng kanta, heto ako naghihintay ng pagkakataon, umaasang maintindihan ko ang aming sitwasyon dahil ang pagmamahal ko sa kanya ay mas malalim kaysa sa dati. Pero hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon para ipakita at iparamdam iyon dahil siya mismo ang unang sumuko sa aming dalawa.

"Akin na nga yang gamit ko! Kanina ka pa, naiinis na ako!" Saad ko na nakipag-agawan ng gamit ko na dala ni Lian.

"Ako na nga kasi ang mag dala."

"Kapag nasira yan lagot ka sa akin," pagbabanta ko ngunit ngumiti lang siya sa akin.

"Umuwi ka na, lasing ka na."

"Naka inom ako pero hindi ako lasing."

" Ano ba, Lian ang gamit ko saan mo yan dadalhin," inis na singhal ko ng nagsimula siyang lumakad.

"Lian ano ba! Potik ubos na pasensya ko sayo!" Pikon na sambit ko at patakbo na sinundan siya.Pota tumakbo din ang gago.

"Tumigil na kayong dalawa para kayong mga aso at pusa. Nasa daan kayo baka ma bangga kayo niyan," sita sa amin ni Mabel.

Hinarang ko siya pero hindi siya tumigil sa paglakad kaya pa atras na akong lumalakad at pilit na inaagaw ang gamit ko.

"Nahihirapan na ako, pagod na ako. Akin na ang gamit ko," malumanay sa sabi ko.

"Kunin mo," saad niya at itinaas ang kamay niya kung saan naroon ang gamit ko.

Sa inis ko ay sinuntok ko ang dibdib niya, ngunit pareho kaming na gulat sa susunod na nangyari, naglapat ang aming labi ng yumuko siya pagkatapos ko siyang  suntukin.

"Ay! Putangina!" Gulat na sambit ko ng may bumusina.

"Ken!?" Sambit ko ng makilala ko ang lulan ng motor na bumusina sa amin.

Madly In Love With Mr. Playboy(COMPLETED) Where stories live. Discover now