Chapter 4

312 6 0
                                    

Hindi mo man lang sinuklian.

Nagulat ako ng pag angat ko ng tingin ay si Kenneth Jhon Jabilona pala ang nasa harapan ko. Ang aking crush. I don't know what to say. Ano ba itong pinagsasabi niya?

"A-ano?"

Na utal pa ako. Sino ba ang hindi mautal kaharap ko si crush.

"Iyong sulat."

I can’t explain how I felt when he said about the letter. All this time siya pala ang nagbibigay nang sulat sa akin na walang pangalan? At sa tuwing makatanggap ako ng sulat, how I wish it was from him. And my wish has come true. Dahil siya ang secret admirer ko.

"Paano ako makapag-response wala namang pangalan kung saan galing ang sulat?! "

" Pwede mo naman iabot doon sa nagbigay sa'yo ng sulat."

"Hoy!" Hindi ko naituloy ang dapat kung sabihin nang marealize ko na bakit siya nakikipagtalo sa akin tungkol doon sa hindi ko pagresponse nang sulat niya?

"E, ano ngayon kung hindi ko ginawa?" Hindi ko na napigilan ang pagtataray ko.

Humingi siya ng tawad sa kanyang inasta. "Sasabay ako sayo pauwi mamaya."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya.
Nakatunganga parin ako sa aking puwesto. Totoo ba 'to? Baka nag-i-imagine lang ako.

"Aray," daing ko nang kurutin ko ang aking pisngi . Totoo talaga, hindi ko ito imahenasyo. 'Ahhhhhh!' Pag tili ko sa aking isipan. Pumasok na ako sa aming room at pinipigilan ang sarili na ngumiti.

"Ri, masakit ba tiyan mo?" Nag-alalang tanong ni Mae ng maka-upo ako.

"Ha? Hindi, bakit?" Takang tanong ko at umayos ng upo.

"Ang mukha mo kasi para kang natatae."

Napangiwi ako. Kinuha ko ang maliit na salamin na lagi kong dala at tiningnan ang mukha ko. Putek! Ang panget ko. Mukha nga akong natatae sa expression ko. Sinubsub ko ang aking mukha sa armchair upang mailabas ang ngiti na kanina ko pa pinipigilan. Ganito pala ang pakiramdam kapag na pansin ka ni crush, abot hanggang langit ang saya. Sa iba kong crush hindi ko naman ito naramdaman.

"Ri, sigurado ka ayos ka lang?"

Sinilip niya pa ang mukha ko. Sinandal ko sa bintana ang aking ulo at nahihiyang tumingin sa kanya.

" Kinikilig ako," I can't stop myself to smile. "Alam ko na kung sino ang nagbibigay lagi sa akin ng sulat."

Namilog ang kanyang singkit na mata, ngunit nag dadalawang-isip kung maniwala ba siya. "Weh?! Sigurado ka? Sino?"

Sinabi ko sa kanya kung sino ang lalaki na iyon. Ang bruha, kulang nalang ang sakalin ako dahil sa kilig. Sinabi ko rin sa kanya na matagal ko ng crush si Kenneth na lalong nagpakilig sa kanya. Inalog pa ako sarap bigwasan.

"Oh my god! Kinikilig ako!" She said giggley. " Ang haba ng hair mo, te. Ang secret admirer mo ay ang crush mo. Wow! Dream come true. "

" Hindi nga rin ako makapaniwala, e. Pero alam mo parang nagtatampo 'yong tono ng boses niya kanina nang sinabi niya sa akin na pwede ko naman daw iabot ang response ko doon sa nagbigay ng letter sa akin," hindi sa asyumera ako pero ganun talaga ang pandinig ko kanina.

" Wew! Matampuhin pala ang soon to be bf mo," tukso niya pa.

" Gaga! Advance ka mag-isip, te." natatawang saad ko. Natigil ang aming kwentuhan ng dumating si ma'am.

Hanggang sa matapos ang klase ay hindi parin ako maka-paniwala na siya ang nagbibigay sa akin na love letter . Hanggang sa matapos ang last subject namin ay lutang ako at parang tanga na naka-ngiti. Mabuti nalang at na kansela ang quiz dahil panigurado wala akong maisagot sa kalutangan ko.

Madly In Love With Mr. Playboy(COMPLETED) Where stories live. Discover now