Chapter 29

174 4 0
                                    

Akala ko hindi na niya ako ulit iiwan. Na manatili na siya rito at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral pero sa isang iglap nagbago na naman ang kanyang desisyon. Ngunit hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang may sakit na kapatid. Lokong Rose muntik na akong maniwala sa sinabi niyang magtatanan si Kenneth. Maki balita nalang mali pa. May mag tanan bang magpaalam sa jowa niya? Loko.

May kapatid si Kenneth na babae, she's a months old now. Bunso nila at may sakit ito sa puso, butas ito nang ipinanganak siya. Mahal na mahal niya ang kanyang kapatid  to the point na kailangan niyang isakripisyo ang kanyang pag-aaral para lang maka ipon ng pera pang pagamot dito.

Isang linggo na mula noong umalis siya. I miss him. Kahit madalas kaming magka text at call iba parin noong nandito siya na nagkikita kami. Kahit isang beses na isang linggo, ngayon wala na kontento nalang sa text at tawag.

"Fahrhiya, may naghahanap sayo."

"Ha? Sino?"

"Basta. Sumunod ka na lang. Nandoon siya sa purok ng Mabini kanina ka pa niya hinahanap. "

Sumunod nalang ako kay Cristy. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Sino naman kaya ang naghahanap sa akin?Wala naman akong kaaway. Baka isa ito sa mga girlfriend ni Kenneth. Shit! Ang lamig ng kamay ko sa kaba.

"Sino naghahanap sa akin, Cristy?"

"Basta. Bilisan mo na lang."

Shit parang himatayin na ako sa kaba.

" Si ante yong naghahanap sayo, " saad ni Cristy at tinuro ang matandang babae. "Sige, ante dito lang kami sa kabila."

"Salamat, Cristy."

Nahihiya na tumingin ako sa matanda. Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita.

"Ikaw ba si Fahrhiya? " tumango ako bilang sagot at ngumiti sa kanya. " Ikaw ang girlfriend ni Kenneth?"

"Ah—,"

"Ako ang mama ni Kenneth."

I'm speechless.

Hindi ko alam kong ano ang i react ko. Sa huli ay umupo ako sa kanyang tabi at nagmano.

"Pasensya na kung na abala kita."

"Hindi po. Ayos lang wala naman po akong ginagawa."

Walang busy pagdating sayo mother-in-law. Hehe.

"Sinadya talaga kitang puntahan dito."

"Bakit po, ante?"

"Itatanong ko lang kung palagi ba kayong nag-uusap ni Kenneth."

"Isang linggo ko na ho siyang hindi ma contact. Ang huling sinabi niya sa akin nasira daw ang cellphone niya. Bakit ho may problema ho ba? "

" Hindi kasi kami nag-usap bago siya umalis papuntang Cotabato. Pinagsabihan ko siya na ayusin ang pag-aaral niya pero nagbulakbol at huminto ng pag-aaral. Nag-away ba kayong dalawa? "

" Ho? Hindi po. Wala naman kaming problema."

" Kung ganun ano ang dahilan niya?" napahilot siya sa kanyang sintido."  Sus maryusep na bata sumasakit ang ulo ko sa kanya. "

" Ah, kasi ang sabi niya  sa akin noong bago siya umalis kailangan niya daw huminto ng pag-aaral at mag trabaho para daw po sa kapatid niya. "

"Kita mo nagsinungaling pa sayo. Kaya yon huminto ng pag-aaral dahil hindi naman siya pumapasok sa paaralan. Doon siya sa labas kasama ng mga tambay niyang barkada at nagdo-droga. "

Nagulat ako sa narinig ko mula sa kanyang ina. Paano? Pero sabi niya. My god. Paano niya nagawa ang bagay na yon? Hindi lang siya sa akin nagsinungaling pati rin sa ina niya.

"Totoo na pumunta siyang Cotabato para magtrabaho, pero hindi ako pumayag dahil ang gusto ko ayusin niya ang pag-aaral niya. Pero hindi siya nakinig sa akin at sinunod ang kagustuhan niya. Ang pinoproblema ko ngayon ay hindi namin siya ma contact kaya sinadya kitang puntahan dito baka sakali na nag-usap kayong dalawa. "

" Hindi ho e. "

" Nabinat na ako sa batang yan. Akala ko ikaw ang makapagbago sa kanya pero mukhang wala kang alam tungkol sa nangyari sa kanya. "

" Pasensya na po, ante. Akala ko po kasi okay na. Wala talaga akong alam sa nangyari sa kanya kasi kapag tinatanong ko ang lagi niyang sagot okay lang. About naman po sa pag-aaral niya hindi ko alam na hindi siya pumapasok kasi kahit yong kaibigan niya kapag tinanong ko sila nag-aaral naman daw ng maayos si Kenneth. Pumapasok naman daw ho sa klase. "

"Isa pa iyang kaibigan niya mga konsentidor. Kung hindi pa ako pumunta sa paaralan niya hindi ko malaman. "

Nahiya ako. Girlfriend niya ako pero wala akong alam kung ano ang nagyayari sa buhay niya. Kampante lang ako palagi sa sagot niyang okay siya, walang problema.

I know Kenneth use mariwana. Sabi niya ito raw ang silbing vitamins niya para tumaba. Akala ko biro niya lang yon pero nang marinig ko ang sinabi ng mama niya, gusto ko siyang maka-usap at komprontahin sa mga maling bagay na ginawa niya.

Nang mag ring ang bell ay nagpa-alam na rin si ante na uuwi na siya. At nakalimutan kong itanong kung kamusta na ang kalagayan ng bunso nila.

Pinoproseso ko parin sa isip ko ang sinabi sa akin ng mama niya. I can't believe it. Nang gagalaiti ang kamay ko na tawagan siya. Sinungaling! Pumunta lang siya ng paaralan para mag droga?My god! Talagang nagsinungaling pa siya sa akin. Walang pinagbago.

_______

Limang buwan na ang lumipas graduate na ako ng high school pero walang Kenneth na muling nagparamdam. Ginost ako amputa. Pero ayos lang. Willing naman ako maghintay kahit gaano ka tagal.

Pero umabot na ng isang taon ang paghihintay ko ay wala parin siyang paramdam kahit  ligaw na text mula sa kanya ay wala. Na miss ko na siya. Subra. Suko na ba ako o maghintay pa kahit ilang taon? Kahit walang kasiguraduhan na babalikan niya ako?

"Ay! Susmaryosep! Anak ka ng tinapa! Pesteng ringtone to nakakagulat!" Hiyaw ko at dinampot ang phone ko upang sagutin iyon. "Hello? Sino to?"

"Hello? Si Fahrhiya ba ito?"

Boses babae. Sino na naman kaya to. "Oo. Bakit?"

"Ikaw yung ex-girlfriend ni Kenneth? Si Ivy pala to girlfriend ako ni Kenneth."

"Fuck you. Wala akong pakialam," singhal ko at pinatay ang tawag.

"Ulol. Ex-girlfriend niya mukha niya," himutok ko at pinahid ang luhang tumulo sa aking mga mata.

Madly In Love With Mr. Playboy(COMPLETED) Where stories live. Discover now