Special Chapter 1

235 3 3
                                    

2022

How I wish na sa ganoong tagpo kami nagtapos dalawa. Doon sa libro na aking sinulat na ang nilalaman ay love story naming dalawa.  Ngunit hindi. Iniwan niya ako ng walang paalam. Iniwan niya ako ng may maraming katanungan. At masaklap, iniwan niya ako na wasak ang aking puso ngunit buo parin ang pagmamahal sa kanya.

It's been  seven years pero ang puso at isip ko hindi parin nakalimot sa lahat. Nandito parin ang sakit.

Back then, my dream was to become a famous writer. To inspired a people who reads my novel, to learn a good lesson from my writing. Then later on, I didn't expect that my first novel that I wrote is our love story of my ex-boyfriend na dati ay hanggang sa diary lang.

Nakakatuwa isipin at namangha ako sa aking sarili  na sa kabila ng mga pinagdaanan ko sa kasama siya may lakas ng loob ako na isulat ito ngayon. Kahit taon ang ginugol ko para ito ay matapos dahil bawat detalye na aking isusulat nanunumbalik lahat iyon sa isipan ko.

Pitong taon na ang nagdaan pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa ang mga iyon sa aking isipan. Kung paano ako lihim na kiligin kapag nakikita ko siya. Kung paano kumarambola ang puso ko sa tuwing kasama ko siya.

Pero ngayon , sakit at pait sa puso ang bumabadha kapag sumasagi siya sa isipan ko. Sakit na hindi ko alam kung makakaahon pa ako sa subrang pagkalunod ko rito.

After a long years of being miserable, I heard a news na muling bumuhay sa puso ko na may pag-asa pang maging kami ulit. Naghiwalay si Kenneth at April. Nagkatugma ang nangyari sa kanila doon sa libronng sinulat ko. Ngunit wala akong alam kung ano ang dahilan dahil maski ako hindi ko iyon inaasahan. May anak sila. At iyon ang pinanghawakn ko sa sila hanggang dulo.

Sa balitang nalaman naging masaya ako. Masama na kung masama pero iyon ang totoong naramdaman ko. Nagkaroon ako ng pag-asa na maaring maging kami ulit. Oo, naghahangad parin ako na baka this time ay sa akin na talaga siya itadhana.

I am patiently waiting him to message me. To apologise. To say sorry. To say, we come back to each other. At kung sakali man na mangyari iyon, ay buo ko siyang tatanggapin at kalimutan ang lahat ng ginawa niya sa akin.

But I was wrong. Dahil hanggang ngayon hindi parin pala ako. Hinding-hindi parin pwede na maging kami.

Ngunit kahit ganon naghintay parin ako. Matiyaga parin akong naghintay na babalikan niya ako.

Buwan, isang taon, hanggang sa naging dalawang taon na paghihintay mula nang maghiwalay sila ni April, at sa muling pagkakataon nalugmok ulit ako sa pag-aakalang magtagpo ang landas naming dalawa dahil hindi na pala.

Halos mamatay ako sa kakaiyak sa subrang sakit at pagkabigo sa ikalawang pagkakataon nang malaman ko na may iba na siyang babae  and worst.... He marry that girl.

Nabuhay na naman ang insecurities ko nang makita na maganda ang babaeng pinakasalan niya. Well, lahat naman nang naging girlfirend niya noon ay maganda. Ako lang ang bukod tangi na hindi kagandahan at maraming pagkukulang sa sarili.

Nandito na naman ako sa point na kinu-question ko ang aking sarili. Bakit hindi ako? Bakit hindi nalang ako ang binalikan niya? I am always here patiently waiting him to come back to me na handa siyang tanggapin at mahalin ng buong puso. But he didn't.

I questioned my self, why?

Hindi ba ako karapat-dapat na maging kanya? Kulang pa ba ang pagmamahal ko? Ang sakripisyo ko? Ang sakit na dinulot niya sa akin para ayaw niya akong balikan ulit? O, baka ako ang may mali? Dahil hindi naman ako nagparamdam sa kanya sa mahabang panahon. Nandito lang ako sa malayo naghihintay sa kanya at walang pagkukusa para iparating sa kanya na nandito ako hinihintay ang pagbabalik niya.

I regret everything, for being weak, for being a coward to get in touch with him. Ayan tuloy naunahan na naman ako ng iba. Naroon tuloy sa iba nabaling ang pagtingin at pagmamahal niya.

Kung sana ay malakas lang ako at may tibay nang loob na magsabi ng nararamdamn ko sa kanya siguro ay malalaman ko kung may pag-asa pa ba. Kampante kase ako sa isiping pagkatapos ng nangyari sa kanila ni April maisipan niyang balikan ako.

Siguro wala lang talaga ni katiting na pagmamahal siyang naramdaman sa akin. Na kahit iyong masakit na bagay na ginawa niya sa akin ay wala lang sa kanya sa tagal ng panahon na ang nagdaan. Kase ako, hanggang ngayon nandoon parin ako sa taon kung paano ako nadurog at nawasak sa ginawa niya. Na kahit ilang taon pa ang lumipas ayaw iyon maalis sa isip ko kahit maliit na detalye lang.

Ngayon, namumuhay ako na puno ng pagsisi at paghinayang na sarili sa pagiging duwag dahil sa lalaking mahal na mahal ko na ngayon ay pagmamay-ari na ng iba.

At ngayon may sarili na siyang pamilya. Nakikita ko na masaya silang dalawa.

Ako? Hindi ko alam. Hindi ko masabing masaya ako. Hindi ko masabing kontento ako dahil ang puso't isip ko siya parin ang nais at gusto. Na kahit ilang lalake pa ang pagtuunan ko nang pansin, siya parin ang tinitibok ng puso ko.

May mapait na ngiti sa labi na sinara ko ang librong binabasa ko. Libro na ako ang may akda. Libro kung saan nakasulat ang kwento naming dalawa—kwento ko lang pala dahil sa buong relasyon namin ako lang ang nagmahal, ako lang ang nagpahalaga.

Marahan kung hinaplos ang pabalat niyon nang may isang butil nang luha na pumatak roon. My tears.
It symbolizes that until now I am still hurt. In the pain of what he did.

Isara ko man ang libro ngunit patuloy parin ang nais ko na sana sa tamang panahon, sa tamang pagkakataon, pagtagpuin kami ng tadhana na naaayon sa panahon. Ikaw at ako.

Madly In Love With Mr. Playboy(COMPLETED) Where stories live. Discover now