Chapter 26

180 3 0
                                    

Alin ba ang dapat kong sundin, ang tinitibok ng puso ko o ang sinisigaw ng isip ko? Kaya ko bang panindigan ang pipiliin ko? Pero, paano kung magkamali ako sa pinili ko?

Hayss! Bakit ba ito ang pinu-problema ko imbis na ang pag-aaral  ang atupagin ko.

"Kahit dalawang buwan or isang buwan lang, Ri,  pagbigyan mo ako. Promise gagawin ko lahat para hindi ka magsisi."

I hate people begging in front of me. Kasi madali akong maawa, madali akong bumigay at hindi ako marunong tumangi. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga .

"Promises are meant to be broken." I said.

"Okay. Hindi ako mangangako. Gagawin ko na lang ang lahat para hindi mo ito pagsisihan sa huli."

" Parehas kayo ng pinsan mo ang kulit."

" Ang pinagkaiba ko lang hindi ako gago at playboy."

Umingos ako sa sagot niya. Well totoo naman. Wala naman akong narinig na bad feedback kay Lian puro papuri pa nga ang mga ito. Hindi lang siya gwapo, magaling sa basketball, dedicated sa pag-aaral pati sa babae wala pa itong sinaktan at niloko kundi siya ang niloko at sinaktan ng mga ito.

"Oo na sige na. Pagbigyan na kita sa gusto mo dahil mapilit ka," dinuro ko siya at tinaliman ng tingi. "Basta huwag mo lang ako sisihin kapag nasaktan ka at umiyak dahil sa akin."

"Sisiguraduhin ko sa loob ng isang buwan magustuhan mo rin ako," naka-ngisi sa sabi niya at pinisil ang tungki ng ilong ko.

"Gusto kita  pero hindi kagaya kay Kenneth ang kasing lalim ng pagkagusto ko sayo."

" Ayos lang,  ang mahalaga ay gusto mo rin ako. Ako na ang bahala na palalimin 'yon."

Ma bulaklak rin pala ang bibig nito. Mga organs ko kalma lang kayo sa una lang yan masaya.

Wala ng panliligaw na naganap at sinagot ko na siya agad. Doon rin naman ang punta bakit patagalin pa. Mapanuksong tingin ang ginawad sa akin ni Edzel ng makalabas kami. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Traydor ka! " pa bulong na singhal ko, nginisihan lang ako ng gaga.

Subrang bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko si Kenneth papunta dito sa tindahan. Seryoso ang kanyang mukha na humihithit ng sigarilyo. Hindi ko maiwasan na hindi siya titigan, namiss ko siya.

"Gusto mo ba siyang maka-usap?" tanong ni Lian.

Umiling ako. "Wala namang rason para kausapin ko pa siya."

Sa totoo lang gusto ko siyang kausapin pero ayoko mag mukhang tanga sa harapan niya. Nag bitiw na ako ng salita na nagputol sa ugnayan naming dalawa. Binaling ko sa ibang direksyon ang aking tingin. Kung maari ay huwag sana magtagpo ulit ang landas naming dalawa baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na kausapin siya.

"Okay ka lang?" bakas ang pag-alala sa boses na tanong ni Lian.

" Ha? Oo naman. Bakit?"

" Ahm... kasi a-ano. W-wala."

Kumunot ang noo ko sa klase ng pagsagot niya. "Ano ba kasi 'yon?"

"Wala. Kalimutan mo na."

"Nagseselos ka? Wala kang dapat ikaselos. He's my ex and you are my boyfriend."

Simula sa araw na ito si Lian na ang boyfriend ko at burahin si Kenneth sa puso't isip ko.

_______

Si Lian ang tipo ng boyfriend na pa chill lang, walang pressure, normal lang para lang kaming magkaibigan kung titingnan. And I like it the way he handle our relationship. Sa loob ng pitong buwan hindi niya ako binibigyan ng rason para magselos. Lagi niyang pinaramdam sa akin na wala akong dapat na ipangamba. He always makes me smile when I'm sad. At pinaramdam niya sa akin na deserve ko din ang mahalin at pahalagahan.

Ngunit sa kabila ng lahat hindi ko man lang masuklian ang pagmamahal niya. Ang unfair ko. Sa mga araw na lumipas lagi kong hinihiling na sana ganito rin si Kenneth sa akin. Na sana si Kenneth na lang ang nagpaparamdam sa akin nga mga ganitong bagay. Na sana si Kenneth na lang si Lian.

Naiinis ako sa sarili ko kasi sa tuwing kasama ko si Lian nangangarap ako na sana si Kenneth nalang ang nasa tabi ko. At ang sama ko dahil pinatagal ko pa ang relasyon namin kahit alam kong hindi kami pareho ng nararamdaman.

"Lian..."

Kumunot ang kanyang noo, nagtataka kung bakit Lian ang tawag ko sa kanya imbis na langga. Naka-upo siya sa malaking bato at nakatayo ako sa kanyang harapan. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya.

"May problema ba? May nagawa ba akong mali? May kasalanan ba ako?"

" Hindi... Wala."

" Si Kenneth parin ba? "

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Ang sikip sa dibdib, hindi ako makahinga, may isang tao na naman akong sinaktan.

" Sorry," hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. "Pinilit  ko naman pero siya parin ang gusto ko. Sorry... I'm sorry."

Umiwas siya ng tingin at binitawan ang kamay ko. Nakayuko ako at tahimik na umiiyak. Ang sama-sama ko, sinaktan ko ang taong walang ginawa kundi ang mahalin ako. Ang taong hindi ako kayang saktan at paiyakin. Bakit ba ang hirap para sa akin na siya na lang ang gustuhin ko?


Pinunasan niya ang luha ko at ngumiti, ngiti na lagi niya pinapakita sa akin. "Ayos lang naintindihan ko. Huwag ka ng umiyak."

" Maghiwalay na tayo."

"Langga. W-wag naman. 'Wag naman ganito." Garalgal ang boses na pagmaka-awa niya.

"Lalo lang kitang masaktan, Lian, kaya mas mabuti pa maghiwalay nalang tayo."

"Ayos lang sa akin kung si Kenneth parin ang gusto mo huwag ka lang makipaghiwalay sa akin," pagmatigas niya.

"Ano ba ang gusto mo ha?!" singhal ko, garalgal na ang boses ko sa pag-iyak. "Tayo parin kahit alam mong hindi ikaw ang gusto ko? Katangahan na 'yon, Lian! Kaya nga nakipaghiwalay ako sayo para hindi ka na masaktan pa lalo—"

" Ayos lang sa akin kahit masaktan ako, langga... Ayos lang sa akin pero, ayoko maging selfish para lang sa kasiyahan ko," namumula ang kanyang mata sa pagpigil ng iyak. "Ayoko maging selfish para manatili ka sa akin kahit alam kong hindi kana masaya. Masakit, langga... pero kakayanin ko. Tatanggapin ko maging masaya ka lang. "

Umiyak siya. Niyakap niya ako ng mahigpit, niyakap ko siya pabalik dahil huli na ito at hindi na mauulit.
Nang mahimasmasan ay kumalas siya ng yakap at tumayo.

"Wala akong ibang hiniling kundi ang maging masaya ka. Mahal na mahal kita, Iya. "

Madly In Love With Mr. Playboy(COMPLETED) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora