Chapter 31

197 3 0
                                    

Warning: Slight SPG. Not suitable for young readers.

Masakit. Pero manhid na yata ang puso ko sa paulit-ulit na sakit na dinulot niya sa akin. Binura ko ang mensahe at tiningnan ng masama si Kenneth kung saan siya naroroon. Nang maibalik ko sa kanya ang sim card niya ay lumayo siya sa akin dahil ayaw ni Joy na dumikit siya sa akin. Busy siya sa kanyang cellphone ni hindi niya ako masulyapan kahit saglit sa kanyang pagka abala.

Nagsisi ako. Sana hindi ko lang binasa ang mensahe at binura agad.
Tulala akong nanonood sa mga taong masayang nag sasayawan. Kahit malakas ang tugtog pakiramdam ko sinisigaw sa aking harapan ang mensaheng na basa ko. Maya-maya ay muli siyang lumapit sa akin. Naka ngiti pa ang gago.

"Bhe, pahiram ng cellphone mo," malambing na ani nito sa akin.

"Bakit? Aanhin mo ang cellphone ko? " malamig na tugon ko sa kanya.

" Titingnan ko lang baka naiwan ang number ni ante diyan wala kasi dito sa akin. "

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

'𝘛𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘣𝘢? 𝘕𝘶𝘮𝘣𝘦𝘳 𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘵𝘦 𝘮𝘰 𝘰 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘯𝘶𝘮𝘣𝘦𝘳 𝘯𝘨 𝘴𝘺𝘰𝘵𝘢 𝘮𝘰? ' nanggalaiti na saad ko sa aking isipan.

"Walang number ng 𝘢nte mo na naiwan dito sa sim card ko. "

" Baka sa message. Pahiram muna saglit titingnan ko lang. "

" O! Ayan! "  pabato na inabot ko sa kanya ang cellphone ko. "Sabi ng wala e. "

Hindi siya nakinig sakin at kinulikot ang cellphone ko.

'𝘉𝘪𝘯𝘶𝘳𝘢 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘣𝘪𝘥𝘦𝘯𝘴𝘺𝘢 𝘮𝘰 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘥𝘪𝘺𝘢𝘯. '

Ngiti-ngiti niyang inabot sa akin ang cellphone ko ng wala siyang makita doon nang bakas ng kanyang krimeng ginawa. Sa puntong ito hindi na siya umalis sa tabi. Samo't saring emosyon ang naramdaman ko gusto ko siyang komprontahin tungkol sa bagay na iyon pero natatakot ako, naduduwag ako sa maaring isagot niya. Hindi ako handa na marinig ang mga isagot niya sa akin kung sakaling magtanong ako sa kanya. Kaya ninais ko na lang na tumahimik at  sarilihin ang natuklasan.

"Sasayaw lang ako."  paalam ko sa kanya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na nagtungo sa gitna ng dance floor kung saan naroroon ang mga kasama ko.

Ang hirap magpanggap sa harap niya. Subrang sakit. Walang mapaglagyan ang sakit na nararamdaman ko. Parang pinunit ang puso ko at dinurog ng pinong-pino. I dance like a crazy woman. Ang sakit na nararamdaman ko inilabas ko sa pamamagitan ng pagsayaw. I'm dancing. Laughing and shouting as if I owned the 𝘴𝘵𝘢𝘨𝘦. Nagbabakasakali na mawala ang sakit sa dibdib ko at makalimutan ko ang nabasa ko kanina sa cellphone ko.
Pero kahit anong sayaw ko kahit masakit na  ang lalamunan ko sa kakasigaw nandito parin ang sakit, na alala ko parin. Useless. Pero kahit papano nailabas ko ang sama ng loob ko.

2 am na natapos ang disco. Kanya-kanya ng uwian ang mga tao. Si Kenneth? Hindi ko alam kung nasaan wala na siya sa upuan kung saan ko siya kanina iniwan. Na pagod ako. Na ubos ang lakas ko sa pagsayaw. At sa pagdamdam sa mensaheng na basa ko.

"Opss! Hindi ka pwedeng lumapit," rinig kong sabi ni Joy sa likuran ko nang lingunin ko siya hinaharangan niya pala si Kenneth sa gustong lumapit sa akin.

"Sabing huwag kang lumapit e!"

"Bakit?" natatawa na tanong ni Kenneth at nakipag patintero kay Joy.

'𝘛𝘴𝘬𝘬𝘬. 𝘗𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘵𝘢 '

Madly In Love With Mr. Playboy(COMPLETED) Where stories live. Discover now