Chapter 15

180 5 0
                                    

Masakit pala kapag niloko ka ng taong pinagkatiwalaan mo. 'Yong taong akala mo hindi ka sasaktan pero patago kang niloloko at nagawa pang magsinungaling sayo.

Isang linggo na ang nakaraan mula noong tumawag ako sa kanya na si Adelah ang nakausap ko. At hindi parin nawala sa aking isipan ang narinig ko. Masakit para sa akin ang ginawa niya. Ang sabi niya, huwag ako magselos dahil kaibigan niya lang si Adelah pero bakit ganon ang narinig ko? Daig ko pa ang isang asawa na may kabit na tinatago.

Bakit kailangan niya pa magsinungaling? Bakit kailangan niya pa ako saktan sa ganitong paraan?. Pwede naman siya mag sabi. Hinde iyong sa iba ko pa marinig.

"Fahrhiya, stand up." Ma'am Garcia said our Science teacher and adviser. " What is the Difference Between an Atom and a Molecule? " Tanong nito nang maka tayo ako.

" I'm sorry, ma'am. I don't know the answer, " naka yuko na sagot ko dahil sa hiya.

" May problema ka ba, Fahrhiya? " Napa-angat ako ng tingin sa tanong ni ma'am. "Isa ka sa mga top honor pero bakit mababa na ang iyong mga grado mo? Hindi kana rin active sa klase at madalas ka ng hindi nagpa-participate. Do you have a problem?"

" Wala po, ma'am."

I can't say yes. Problema ko 'to. I can handle this na walang ibang karamay kundi ang sarili ko. I admit na mababa ang grades ko hindi lang sa Science kundi sa lahat ng subject. Okupado ang utak ko sa dami ng aking iniisip. Dagdag pa iyong narinig ko noong tumawag ako kay Kenneth. Pati problema sa aming pamilya na hindi ko alam kung kailan maresulba. Hindi ko alam ang gagawin para malusutan ang problema ko kahit anong distraksyon ang gagawin ko sumasagi parin ito sa isip ko.

"Kung may problema kayo pwede kayo lumapit sa akin, pwede kayo mag sabi sa akin dahil adviser niyo ako. Pangalawang nanay niyo ako sa paaralan na'to."

Sana nga ma'am ganun lang ka dali mag open ng problema sa isang tao. Sana ganyan din ako ka tapang tulad ng ibang tao na kayang magbahagi ng kanyang buhay sa iba. Wala akong lakas na loob para mag sabi non, kahit sa mama ko o sa mga kapatid ko pa.

"Friend," tawag sa akin ni Mea. Nakayuko ako sa armchair ng aking upuan habang hinihintay ang second subject teacher namin.

"Umm."

"Huwag mo sanang masamain itong sasabihin ko, ha."

Umangat ako ng tingin at humarap sa kanya. "Bakit?"

"Napansin ko lang kasi na a-no, umm—,"

"Diretsahin mo ako, Mae," wika ko dahil nauutal siya at parang ayaw sabihin sa akin ang dapat niyang sabihin kanina.

"Napansin ko lang na mula noong hindi kayo nagpapansinan ni Kj nag iba kana. I mean, kagaya noong sinabi ni ma'am kanina. Hindi ka kasi ganon, Ri, e. May problema ba? "

"Kung tungkol sa aming dalawa ni Kenneth, wala kaming problema. Trip ko lang na hindi siya pansinin ng isang linggo, " I lied. " Na miss ko lang si papa."

Ang alam lang ni Mae ay nasa Bukidnon si papa, hanggang doon lang ang alam niya dahil ayaw kong kaawaan ako kapag sinabi ko ang totoong rason bakit umalis si papa.

" Pwede mo naman siya tawagan may cellp hone ka na. "

Oo nga 'no. Bakit hindi ko 'yon na isip. Nabuhayan ako ng dugo sa sinabi ni Mae. Biglang nanumbalik ang aking sigla at sa isang iglap na
wala lahat ang bigat ng aking pakiramdam.

"At saka, kausapin mo na si Kj para hindi na mag alala yong tao. Kawawa naman, hindi alam ang rason kung bakit hindi mo siya pinapansin. "

'𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘮𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘳𝘢𝘴𝘰𝘯 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘪𝘬𝘢𝘸 𝘮𝘪𝘴𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘢 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘶𝘴𝘢𝘱𝘪𝘯,'  saad ko sa aking isipan.

"Kausapin ko mamaya."

Hindi ko alam kong paano ko siya kakausapin, kung gusto ko pa siyang kausapin kasi siya mismo walang ginawa para kausapin ako. Hinayaan niya lang ako kung hanggang kailan ko siya kausapin muli. Pwede naman siya gumawa ng paraan dahil isa siyang makulit, pero sadyang wala sa kanya ang magsuyo ng isang tupakin na girlfriend.

Nag alala pala siya bakit ni minsan hindi man lang siya nagtangka na kausapin ako. Umabot na nga ng isang linggo.

"Alam niya ba na may cellphone ka?"

"Hindi niya alam— "

"Bakit naman hindi niya alam?!"

" Hindi ko sinabi  kaya hindi niya alam. "

" Baka may iba kang syota kaya hindi mo pina alam na may cell phone ka. "

" Hala siya! Ako pa talaga? Hindi ako ganon no! "

" Biro lang. Ito naman. "

Hindi ko sinabi dahil gusto ko siya mismo ang makaalam. Siya mismo ang mag text o tumawag sa akin dahil bakit naman hindi pwede diba? Pero wala talaga. Hindi niya alam o baka hindi niya inalam o baka alam niya pero ayaw niya lang. Bahala siya.

Nagsimula ang aming klase at naging active akong muli. May alam naman ako, nag advance reading ako pero sadyang ang mga problema ko ang sumasagi sa isip ko nitong mga nakaraang araw kaya ganon ang epekto sa aking pag-aaral.

"Very good, Fahrhiya. Sana tuloy-tuloy na iyang pagiging active mo ulit sayang naman at nasa top honor kapa naman, " ma'am Aquino said pagkatapos kong mag recite. Ngumiti ako sa kanya bago umupo.

" Inspired ulit ang maganda kung best friend, " bulong ni Mea.

" Thank you," I mouthed.

Hanggang sa matapos ang last subject ay ganado ako. Uuwi ako na may ngiti sa labi at masaya. Bagong achievement na naman self.

Bahagya akong napatigil sa aking paglalakad ng makita ko si Kenneth na naka sandal sa tindahan ni Ante Mona. Naka sukbit sa kanyang balikat ang kanyang pulo uniform naka tsinelas narin siya at magulo ang buhok ngunit ang gwapo parin tingnan. Tumabingi ang aking ulo nang makita ko ang kanyang mukha. Seryoso ito at naka kunot pa ang kanyang noo. Ano kaya ang iniisip ng lalaki na'to?
Hindi na ako dumaan sa tindahan at dumiritso na ako pa uwi. Hindi naman siguro ako ang hinihintay.

"O! Bakit nandito kapa?" Rinig kong tanong ni Mabel.

"Hinihintay ko si Riya," sagot ni Kj na ikinatigil ko.

"Dumaan na siya hindi mo nakita?"

"Galit ba sa akin ang pinsan mo, Bel?"

Nanikip ang dibdib ko sa aking narinig. Walang pag alinlangan na bumalik ako sa aking dinaraanan. Hindi ko man siya nakita pero ramdam ko ang lungkot at pagtataka sa boses niya dahil sa aking inasta.

"Oh, Ri?!" Nagulat pa si Mabel nang makita ako.

"Nakalimutan ko magpalit ng tsinelas," sagot ko at kinuha ang tsinelas ko.

Nahugot ko ang aking hiniga ng ma amoy ko ang pamilyar na pabago ni Kenneth. Na miss ko ang amoy niya. Isang linggo rin kami hindi nagkasama.

"Pansinin mo na ako, bhe. Miss na kita."

Madly In Love With Mr. Playboy(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon