Chapter 10

202 3 0
                                    

Pagkarating ko sa tindahan ni Ante Mona muna ako tumambay. Si Cristine lang ang nandoon, nakahiga sa upuan, natutulog. Ilang minuto lang ako doon at naisipan kong pumasok sa campus baka nandoon na si Mea at naghihintay sa akin. Huminto ako sa bukana ng gate nang makapasok ako at luminga sa paligid baka nandito siya at naki-tsismis.

"Ang kulit mo naman e!" rinig ko na reklamo ng tinig nang isang babae.

"Pumayag ka na kasi. "

Awtomatiko na bumaling ang aking tingin sa kanang bahagi kung saan nagmula ang tinig na iyon.

My heart felts heavy when I saw him talking to the same girl he talked last time. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-usapan nila ngunit ramdam ko sa boses nito na desperado siya sa kung ano man ang tinutukoy niya. Napako sa kanilang dalawa ang aking paningin. Gustuhin ko man na umalis ay hindi ko maihakbang ang aking mga paa.

Kapwa kaming nagulat ng magtama ang aming mata ng lumingon siya sa aking gawi. Ngayon hindi lang mabigat ang aking pakiramdam. Gumuhit ang kakaibang sakit sa aking dibdib nang umiwas ito ng tingin sa akin at nakipag-usap muli sa babae.

Namalik-mata lang ba ako? O sinadya niyang balewalain ang presensya ko? Ano naman ang dahilan niya na gawin niya iyon? Ah, baka tungkol ito kahapon noong hinatid niya ako pa uwi. Didiretso na sana ako sa classroom ng tawagin ako ni Ma'am Garcia, ang aming adviser. Wala akong choice kundi ang dumaan sa harap ng purok kung saan naka-upo sina Kj dahil nasa dulong bahagi si Ma'am nakatayo. Kahit sulyap ay hindi man lang niya ako binigyan.

"Sabi ni Ronald marunong ka raw sa Collage Making," wika ni Ma'am. Si Ronald ay kaklase ko noong grade six.

"Opo, Ma'am kaunti lang. Bakit po?"

'𝘒𝘢 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰 𝘫𝘶𝘪𝘤𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘤𝘰𝘭𝘰𝘨𝘯𝘦, ' inis na ani ko sa aking isipan ng maamoy ang pabango ni Kj.

"Wala tayong representative sa Collage Making. Mabuti at marunong ka. Ikaw na ang representative natin."

"Hala! Ma'am, ayoko ko! Sorry po ma'am, " paghingi ko kaagad ng paumanhin ng tumaas ang boses ko.

" Bakit naman ayaw mo? Malaking grado ang makuha mo at baka may chance pa na maisali ka sa District meet. "

'𝘐𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘨𝘢 𝘱𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘪𝘪𝘸𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘬𝘰, 𝘮𝘢'𝘢𝘮 𝘦. ' maktol na wika ko sa aking isipan.

"Ikaw na ang 𝘳𝘦𝘱𝘳𝘦𝘴𝘦𝘯𝘵𝘢𝘵𝘪𝘷𝘦, ha."

Hindi na ako nakatanggi sa alok ni ma'am dahil hinila na niya ako patungo sa Science Laboratory para sa gagamitin ko. May alam ako sa Collage Making, dahil naka-abot ako ng Division Meet noong grade six ako. Pero iba naman concept doon at sa ngayon. Natatakot ako na baka mali ang gagawin ko at matalo kami.

"Huwag niyo po ako sisihin kapag natalo 𝘵𝘢𝘺𝘰, 𝘮𝘢'𝘢𝘮, ha."

"Ang mahalaga ay may representative tayo. Pero maganda parin kong manalo, diba? "

" Huwag na lang ako, ma'am. Mayroon naman siguro na marunong sa ibang year level."

" May laro si Lowela, pero pwede ka niyang tulungan kapag naka-abot siya. Dalawa na representative lang kasi ang kailangan. Sus, kaya mo yan. Nakarating ka nga ng Division e. "

Wala akong choice kundi ang pumayag. Kinuha ko ang kailanganin kong gamit upang dalhin sa stage kung saan gaganapin ang Collage Making. Paglabas ko ng Science Laboratory ay nandoon parin si Kj sa purok, ngunit siya nalang mag-isa. Tumingin siya sa aking gawi. Seryoso ang kanyang mukha. Hindi ako umiwas ng tingin at tinititigan siya. Iyan na naman ang kanyang mata na kay hirap basahin.

Nang makalabas si ma'am ay saka lang ako umiwas ng tingin sa kanya at nagtungo sa stage. Ramdam ko ang kanyang pagtitig sa akin ngunit binalewala ko iyon dahil nasaktan ako sa ginawa niyang pag deadma sa akin kanina.

Tumingin ako sa orasan, thirty minutes nalang ang natirang oras ngunit kaunti palang ang  nagawa ko. Naka depende sa iyo kung ano ang konsepto ang gawin mo kaya malaya kang gawin kung ano man ang nais mo. Pero ako, hindi ko parin alam kung ano ang konsepto na gagawin ko. Wala nga si Lowela dahil pareho ang oras ng laro niya ng Table Tennis. Huminga ako ng malalim dahil wala talaga akong maisip na layout sa gagawin ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Kj na kasama iyong babae kanina sa purok, magkasama na lumabas ng campus.

Na naman. Ano ba ang relasyon nilang dalawa? Mabuti nalang at natapos ko ng matiwasay ang aking ginagawa. Bahala si ma'am kung matalo kami, siya ang sisihin ko.

"Kung nakakamatay lang ang masamang tingin siguro kanina kapa nakabulagta."

" Ha?" Nagtataka na nilingon ko si Mae.

" Iyong manliligaw mo ang sama ng tingin sayo," wika ni Mea at inginuso ang kinaroonan ni Kj.

Siya pa ngayon ang may ganang tingnan ako ng masama. Tsssk. Hindi ko nalang pinansin ang sinasabi ni Mea at inayos ang tali ng aking sapatos. Nandito kami naka-upo sa gilid ng hallway kung saan kami umupo kahapon. Ngayon ang laro namin sa volleyball. Ang mga kasama ko at kalaban namin ay nag warm up na.

"Sigurado ka na sasali ka? Diba masakit kamay mo?" saad ni Mea at siya ang nagtali ng panyo sa kamay ko.

"Higpitan mo," utos ko. "Magaling na."

"Sure?"

"Oo nga."

"Okay. Sige, sabi mo e."

Hindi na masakit ang kamay ko simula kagabi. May inilagay kasi si mama kagabi na hindi ko alam kung ano iyon. Tinalian ko lang baka ma mula mamaya pagkatapos ng laro.
Tumayo na ako ng sinabi nang referrer na magsimula na kami. Sa unang set ng laro ay panalo kami, chill lang ang laban. Ngunit ng mag second set ay naging wild na.

"Ah!"  daing ko ng saluhin ko ang bola galing sa spiker nila. Ang lakas niya. Binalewala ko ang sakit at nagpatuloy sa laro.

"Mine!"  sigaw ko at tumalon upang mag spike ng bola. Sinadya kong mapunta iyon sa gawi ng spiker nila ngunit hindi niya na habol ang bola dahil lumagpas ito sa kanya.

"In!" sigaw ng line man at itinaas ang green flag.

'𝘎𝘢𝘯𝘵𝘪 𝘬𝘰 𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘢𝘺𝘰,'  saad ko sa isipan ng muntik na siyang masubsub sa lupa.

Ngunit sa isang maling galaw ko ay naitukod ko ang aking kamay sa lupa ng habulin ko ang bola sa ikalawang pagkakataon. Nakuha ko man ang puntos. Panalo man kami pero ang kamay ko, namaga.

"Hala!" gulat na wika ni Mea ng makita ang kamay ko. Ang sakit. Hindi ko maigalaw. Umupo ako sa kanyang tabi at marahan na hinaplos ang kamay ko.

"Bakit namaga, Ri?"

"Aksedinte kong naitukod."

Hindi naman ako ma aksedinte kung hindi ko siya nakita na kasama iyong babae. Sino ba ang hindi matigilan kung makita ko ang manliligaw mo na masayang nagtatawan kasama iyong babae na pinagselosan mo? Oo, aminin ko nagseselos ako. Sino ba naman ang hindi, buong araw niya ako hindi pinansin. Hindi ngumingiti kapag nakita ako pero doon sa babae na yon kulang nalang lumuwa ang ngala-ngala niya dahil sa tuwa.
Agad akong tumayo ng makita ko siya na lumakad patungo rito sa kinaroonan ko.

"Sa clinic lang ako," paalam ko kay Mea at iniwan siya doon.

Ngunit sa library ako dumiritso imbis sa clinic. Sa dulong bahagi ako pumuwesto, nakayuko sa lamesa at nakapikit ang mata. Hindi ko maipaliwanag kung ano itong nararamdaman ko?

"Iniiwasan mo ba ako?"

Napa-angat ako ng tingin dahil sa gulat ng may nagsalita sa harapan ko. Kumabog ng mabilis ang  puso ko ng si Kj ang nabungaran ko.

Madly In Love With Mr. Playboy(COMPLETED) Where stories live. Discover now