Chapter 17

164 3 0
                                    

Sino ba ang dapat na humingi ng tawad sa aming dalawa? Siya ba, dahil nagsinungaling siya sa akin at blinded sa kasalanang ginawa niya? O, ako na basta nalang umiwas at nagalit sa kanya na hindi muna inalam ang lahat. Or maybe parehas kaming may kasalanan pero mas malala lang ang sa kanya.

"Bakit ka humihingi ng tawad may kasalanan ka ba? " Tanong ko sa kanya.

" Kaya nga sabi ko— "

" Kung may nagawa kang kasalanan doon ka mag-sorry. Hindi 'yong bigla ka lang hihingi ng tawad hindi mo naman alam kung may ginawa kang mali. "

" So? Okay na tayo? Hindi kana galit sa akin? Hindi muna ako iiwasan? "

" Mmm..."

" Ang ikli naman ng sagot mo, e. Parang galit ka sa akin, e. "

" Ano ba ang gusto mong isagot ko? Kasing haba ng traffic sa Manila? Ha? Sumagot na nga ayaw pa. "

" Oo na po. Okay na po. Huwag ka na po magalit. Ang high blood mo may means ka ba?  Aray! " daig niya ng hampasin ko siya sa braso. " Bhe," reklamo niya at hinimas ito. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bawal ba kitang tanungin kung may regla ka? Aray! Bhe, masakit ang hampas mo."

"Hindi mo ba alam ang salitang awkward?" Shit. Feeling ko namumula ang mukha ko sa hiya.

"Bakit naman? Boyfriend mo naman ako. Paano kung may kailangan ka kapag nagka ahm ano ka," hindi niya itinuloy ang dapat niyang sabihin ng samaan ko siya ng tingin.

Hilaw siyang tumawa at umakbay sa akin. "Huwag ka ng magalit, lalo kang hindi tatangkad niyan. Aray bhe! Ang sadista mo," reklamo nito nang sikuhin ko siya.

"Isang asar mo pa at maka-uwi ka na. "

" Sorry, " malambing na wika niya at kinabig ako.

Ang hirap tuloy mag lakad dahil pakiramdam ko naiipit ako. Pero shit! Heart, pwede kumalma ka? Huwag ka naman magpahalata na subrang nasisiyahan ka.

Humalik siya sa gilid ng aking ulo na ikinatunaw ng puso ko. " Namiss kita."

I miss you too. Hindi mo lang alam kung gaano kita na miss ng mga araw na hindi kita kasama. Kahit bago palang tayo nasanay na ako sa presensya mo. Na sanay na ako na lagi tayong magkasama. Kaya patawarin mo sana ako kung ganito ako umasta, hindi ko pa kasi alam kong paano dalhin ang relasyon na ito. Hindi ko pa alam kong paano ito panghawakan.

"Hindi mo ba ako na miss?"

"Ha?"

Hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya. Gusto kong sabihin na oo pero nahihiya ako.

"Nahihiya ka ba na ako ang naging boyfriend mo?"

"Ha? Anong klaseng tanong 'yan. Syempre hindi."

" E, bakit parang nahihiya ka sa tuwing magkasama tayo? "

Tumikhim ako at huminga ng malalim. Kailangan ko magpaliwanag baka isipin nito kinakahiya ko siya.

"Sorry kung ganon ang naramdaman mo. Actually, nahihiya talaga ako pero hindi bilang boyfriend ha. Nahihiya ako kasi ang clingy mo, katulad nito, naka akbay ka sa akin. "

" Ayaw mo ba na ganito ako? "

"Hindi naman sa ganon. Basta huwag lang sa matao na lugar."

Gusto ko ang pagiging clingy niya dahil nahihiya ako na gawin ko iyon sa kanya. Kaya lang showey siyang tao at hindi ko iyon gusto.
Back then, all i want is a secret relationship. But I meet Kenneth, a clingy and showey guy. Ayoko man na pasukin ang mundong nakasanayan niya ngunit wala akong magagawa dahil kahit anong ayaw ko ito naman ang gusto ng aking puso.

"Kunin ko number mo mamaya ha. Ayaw ibigay sa akin Analyn. Sabi niya tu—, "

" Sandali, may tumatawag sa cell phone ko, " wika ko at lumayo ng bahagya sa kanya at kinuha ang phone sa bulsa ng aking palda.

Kumunot ang aking noo dahil naka unregistered ang kanyang numero.

"Hello? Sino to?"

"Ri... Anak, si papa mo ito."

Tumulo ang luha ko ng marinig ko ang boses ni papa. Miss na miss ko na siya.

"Pa," halos wala ng boses na sambit ko. Ayoko malaman niya na umiiyak ako.

"Kamusta ka? Kamusta ang pag-aaral mo? Mag-aral ka ng mabuti at huwag mo pababayaan ang sarili mo."

"Kamusta po kayo dyan pa?"

Humawak si Kenneth sa aking baywang at kinabig ako palapit sa kanya. Napapikit ako ng hagkan niya ang aking ulo.

"Maayos naman ako dito. Nandito ako sa bahay ni Tiyo Joel mo, kay Inday itong cell phone na gamit ko."

"Mag ingat ka dyan pa. Alangaan niyo sarili niyo."

I can't talk anymore dahil ano mang oras ay baka mapahagulhol na ako. Mabuti at nagpa-alam na si papa.

Nang mawala si papa sa kabilang linya ay hindi ko na napigilan ang paghikbi. Ang sakit parin sa dibdib ang biglaang pag-alis ni papa. Ang kasalanang ginawa niya. Gusto ko siyang tanungin kung bakit, pero naduduwag ako. Nagpanggap akong walang alam sa nangyari kahit ang bigat-bigat na sa loob ko.

Nakasandal ang aking ulo sa dibdib ni Kenneth. Wala siyang salita, habang marahan na hinahagod ang aking buhok. Kumalma ako sa kanyang ginawa.

"Ayos ka na?"

Tumango ako bilang tungon at naglakad muli.

"Nasa Bukidnon si papa," panimula ko. Kahit hindi niya sabihin alam ko na gusto niyang malaman ang rason kung bakit ako umiyak.

" Umalis siya six months na ang nakalipas at hindi ko alam ang dahilan. Miss ko na siya. Miss ko na ang mayroong papa," muling tumulo ang luha ko. Nagulat ako ng punasan ni Kenneth iyon.

"Walang may nagsabi sa akin kung ano ang dahilan ni papa bakit siya umalis. Hanggang sa narinig ko ang usapan ng mga kuya ko at sa mga sabi-sabi ng tao, na si papa daw ay may kabit."

Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ko para sabihin iyon kay Kenneth. Ito ang unang beses na nagsabi ako sa ibang tao, na sinabi ko na may kabit si papa. Nakakahiya. Naiinis ako. Nagagalit ako sa ginawa ni papa at sa babae niya. Muli kong naalala si mama. Hindi man lang siya kinamusta ni papa dahil alam niya na hindi okay si mama. Hindi magiging okay si mama.

"Naaawa ako kay mama. Ang sakit makita na iyong mama ko sinaktan at niloko ni papa na wala naman siyang ibang ginawa kundi mahalin si papa. Ang maging mabuting asawa at nanay sa mga anak niya."

Sa unang pagkakataon ay sinabi ko ito sa ibang tao. At nagpapasalamat ako na si Kenneth ang tao na iyon. Kung natatakot ako na sabihin iyo sa iba, sa kanya hindi ko iyon naramdaman, kundi pakiramdam ko safe ang kwento na binahagi ko sa kanya.

At sa unang pagkakataon, gumaan ang pakiramdam ko. Nabawasan ang bigat na dinaramdam ko. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako na may karamay sa problemang dinadala ko.

Madly In Love With Mr. Playboy(COMPLETED) Место, где живут истории. Откройте их для себя