Chapter 2

540 9 0
                                    

"𝑨𝑲𝑶 𝑵𝑨 𝑨𝑵𝑮 𝑴𝑨𝑮𝑷𝑨𝑹𝑨𝒀𝑨. 𝑨𝑳𝑨𝑴 𝑲𝑶 𝑵𝑨𝑴𝑨𝑵 𝑵𝑨 𝑴𝑨𝑯𝑨𝑳 𝑵𝑰𝒀𝑶 𝑷𝑨 𝑨𝑵𝑮 𝑰𝑺𝑨'𝑻 𝑰𝑺𝑨."

After I said those words I left. Sapat na sakin iyong mga narinig ko. I know I am to young for this kind of relationship but I know where to stop when someone is hurt because of me.

Nang lumingon ako, nandoon parin siya sa kanyang kina upuan, nakayuko ang ulo.

I sighed. " Umuwi ka na, ” doon lang siya nag-angat ng tingin.

Namumula ang kanyang mga mata, umiyak ba siya? "Kung ano man 'yang iniisip mo, huwag kang mag-alala maging okay din ako. Nasaktan ako sa mga binitawang salita ni Diane hindi dahil sa break up natin. Huwag ka nang ma-guilty. " I smiled at him to assure that I would be okay too. " Sige na, umuwi kana."

Tumaas-baba ang kanyang balikat tanda ng kanyang malamin na pagbuntonghininga. " Hindi ko maipangako pero siguraduhin ko, hindi na siya lalapit sayo sa parehong rason," tumango ako bilang sagot at sinabi na umalis na siya.

Akala ko masasaktan ako kapag nangyari 'to, hindi pala. Hindi ko nga naramdaman na masakit ang damdamim ko. Pero doon sa sinabi ni Diane ay nasaktan ako dahil hindi naman iyon totoo at pinahiya niya pa ako.

Maybe, regret. Nagsisimula palang kami tapos ito na ka agad ang nangyari. Pero ayos lang, mabuti at nalaman ko ka agad habang may chance pa na magka ayos silang dalawa.

Nagkakilala kami ni Jayvee sa pamamagitan ng penpal noong nakaraang taon. Kapag pupunta dito sa amin ang pinsan niya ay nagpapadala siya ng sulat. Hanggang sa dumating ang araw na sumabay siya sa kanyang pinsan na pumunta dito sa barangay namin. Fiesta 'yon at iyon ang unang pagkikita namin. Kaya lang walang panahon para mag-usap kaming dalawa dahil isa ako sa contestant ng mutya ng barangay namin. Nagtampo pa siya non dahil hindi ko man lang daw siya pinansin. At doon na niya ako niligawan ng personal.

"Ano yung eksena kanina sa purok?" tanong ni Analyn ng ma abutan ako, kumapit pa sa braso ko.

"Nilandi at inagaw ko raw ang boyfriend niya. Hindi ko naman alam na girlfriend pala ni Jayvee yon."

"Sa pagka-alam ko wala na sila a. Matagal na."

"Iyon rin ang sabi ni Jayvee sa akin."

"Kung ganun bakit kayo naghiwalay?" alanganin siyang ngumiti sa akin. "Nag tanong ako sa kanya ng magkasalubong kami."

"Ah." I sighed. "Baka araw-araw ako awayin at ipahiya ni Diane kung hindi ko siya hiwalayan. At saka halata naman na mahal pa nila ang isa't isa."

" Sabagay. Maldita pa naman 'yon. Okay lang 'yon infatuation lang naman 'yan mawala rin 'yan."

Infatuation lang 'to. Kasi kung true love itong tawag dito sa naramdaman ko hindi sana ganito ka dali para sa akin na tanggapin iyon. At saka wala pang true love sa isang thirteen years old. Haler?!

Pagdating ko sa bahay na datnan ko si kuya Wayne naglaro ng bilyard. Hindi ko siya pinansin at dumiritso sa loob ng bahay. Hay! Kà pagod naman.

"Fahrhiya."

Hindi pa ako naka-upo ng tawagin ako ni kuya. Hindi ako sumagot, pagod ako at gusto ko humiga. Hindi pa ako nakahiga ng tawagin niya ako ulit.

"Bakit ba?!" inis na tanong ko at dinungaw siya sa bintana.

"Magluto ka daw ng kanin sabi ni mama at mag igib ng tubig sa bahay ni lola. "

" Bakit ako pa kung pwede namang ikaw! " inis na sabi ko at humiga ulit. Hindi pa ako naka-pikit ng tawagin niya ako ulit.

Madly In Love With Mr. Playboy(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon