Chapter 21

162 3 0
                                    

Ang tanga ko. Bakit ko pa ginawa ang bagay na yon kanina. Bakit ko hinayaan na hawakan niya ang parteng iyon. Ang tanga mo Fahrhiya. Ang gaga mo! Hinayaan mo na lamasin niya ang dibdib mo. Putangina at na gustuhan mo pa.

Napatingin ako sa phone ko ng tumawag siya. Hindi ko sinagot at hinayaan lang na tumunog iyon. Ang gulo niya. Bakit pa siya nanligaw sa akin noong una kung mahal niya pa pala ang ex-girlfriend niya. Bakit pa niya sinayang ang oras niya sa akin? Para ano? Para saan? Para patuyan na isa siyang ultimate playboy? Kung ganon, bakit sa akin pa?

Hindi na siya tumawag ulit ngunit tinadtad naman ako ng text. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko binuksan ang kanyang mensahe at binura iyon lahat. Ano pa ang silbi? Maghingi lang naman siya ng sorry. Paulit-ulit na sorry. Kung ilang sorry ang sasabihin niya doble naman ang kasalanang gagawin niya. Kasalanang hindi mababayaran ng sorry. Pinatay ko ang cellphone ko. Kahit ngayon lang gusto kong mapayapa ang utak ko.

Kinabukasan, wala akong text na natanggap galing sa kanya. Ayos lang sanay na naman ako. Hindi na ako aasa  na susuyuin niya ako at gagawa ng paraan para maging okay kami. Ang  masaklap nagawa niya paring makipag landian kay Adelah. Ibinaling ko sa iba ang tingin ko. Sira na ang araw ko.

"Bff! I miss you!" Patakbo na lumapit sa akin si Mae at niyakap ako.

"Miss you too. Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko at sabay kaming nag tungo sa room namin.

Napayuko ako nang makita ko si Lian pababa ng hagdan kasama ang kaibigan niya. Naalala ko ang nangyari kahapon. Gusto kong umiwas pero baka magtaka si Mae. Umakto ako ng normal ngunit hindi ko inasahan na magkasalubong kami sa gitna ng playground.

"Hi Riya. Ang cute mo talaga, pwede pa kurot ng pisngi?" Sabi ni Jay at akmang abutin ang pisngi ko ng batukan siya ni Lian. Inakbayan niya ito at hinila palayo sa akin ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkindat nito sa akin. Pakiramdam ko namula ang pisngi ko. Wala siyang salita at tipid na ngumiti sa akin bago niya hinila pa alis si Jay. Mabuti at hindi iyon na pansin ni Mae.

Binuksan ko ang cellphone ko ngunit walang tawag o text na galing kay Kenneth. Huminga ako ng malalim para mawala ang bigat ng loob ko. Fucos muna sa klase Fahrhiya.

"Tagina! Dahan-dahan naman, Albert,"  hiyaw ko. Nagsasanay kami ng Arnis ngayon at siya ang partner ko.

"Saluhin mo ang atake ko, Fahrhiya huwag kang umangal,"  sagot niya at binilisan ang pag-atake sa akin nasalo ko naman lahat iyon nga lang hindi ko kinaya ang puwersa niya.

"Ahh!!" Hiyaw ko ng matumba ako sa huling atake niya.

"Ayos ka lang?" Nag-alala na tanong niya at tinulugan akong makatayo.

"Ang paa ko. Ang sakit!" humihikbi na sabi ko. Pakiramdam ko na pilay ang paa ko.

" Fahrhiya, sorry.Hindi ko sinasadya."

" Ayos lang hindi mo naman kasalanan. Nawalan lang ako ng balanse kaya na tumba ako."

" Sigurado ka? Tara dalhin kita sa clinic."

" Hindi na ayos lang ako."

" Okay. Puntahan ko lang si ma'am para ma excuse ka."

Hinimas ko ang paa ko na namaga. Ang sakit niya hindi ko alam kung kaya ko bang ilakad ito mamaya. Buti nalang at uwian na bago ito nangyari. Magpasundo nalang siguro ako kay Kuya Richard. Nang uwian na paika-ika akong naglakad, mag-isa lang ako, hindi ko alam kung nasaan sila Analyn.

Huminto ako para talian ng panyo ang paa ko upang hindi umakyat sa aking hita ang sakit. Pag angat ko ng tingin hindi ko inasahan ang nakita ko. I saw Kenneth passing by kasama si Adelah, naka akbay pa ito sa babae. Sumakit bigla ang dibdib ko, lalo na at parang hangin lang ako sa kanyang paningin. Imposible naman na hindi niya ako nakita na dito sila mismo dumaan sa  tabi ko.

Pa ika-ika akong lumakad, sa tuwing ilapat ko ang aking paa umaakyat sa aking hita ang sakit. Tumulo ang luha ko, hindi ko alam kung dahil ba sa sakit ng paa ko o dahil sa nakita ko si Kenneth at Adelah.

"Homer, hintay..."

Kumunot ang kanyang noo ng makita akong paika-ika.

"Anong nangyari sa paa mo? " tanong niya na puno ng pag-alala sa mukha.

" Na sprain. "

" Kaya mo ba mag lakad? Cheng, dalhin mo itong gamit ni Fahrhiya. "

Kinuha niya lahat ng gamit na bitbit ko at binigay kay Archie at inalalayan ako. Pakiramdam ko hihimatayin ako sa sakit ng paa ko dagdag pa ang paninikip ng dibdib ko dahil sa pag pigil ng iyak. Subrang sakit naman ang ginawa mo Ken.

"Ri, anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" nag alala na tanong ni Analyn ng ma abutan kami.

"Alalayan niyo muna si Riya may kakausapin lang ako," wika ni Homer naka igting ang panga nito.

Bago ako mawalan ng malay narinig ko pa ang pag sigaw ni Analyn kay Homer at nagka-gulo.

Nagising ako ng makaramdam ng sakit sa aking kuko na pinipisil ni Mabel. Naka sandal ako kay Analyn habang pinapaypayan niya ako.

"Homer! Ano ba! Tama na 'yan! Si Fahrhiya!" Sigaw ni Mabel na naginginig ang kanyang boses, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa takot o galit.

"Tarantado ka! Huwag ka ng magtangka na lumapit ulit kay Fahrhiya dahil hindi lang iyan ang aabutin mo."

Magkahalong kaba at pag-alala ang naramdaman ko ng makita ko si Homer. Nakahiga si Kenneth habang hawak ni Homer ang kwelyo ng kanyang damit at may putok ang kanyang kanang labi. Anong nangyari?

"Homer tama na, gising na si Riya," wika ni Analyn.

Nagtagpo ang tingin namin ni Kenneth nang tumingin siya sa aking gawi. Binigyan niya ako ng madilim at malamig na tingin nang magtama ang aming mga mata. At Hindi ko ma tukoy ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Gusto kong tumayo at lapitan siya, tanungin kung ayos lang ba siya pero nakakatanga naman kung gawin ko iyon dahil obvious naman na hindi siya okay.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Agad na tanong ni Homer. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bugbugin kita kapag naging maayos na ako, " seryosong saad ko.

Umigting ang kanyang panga at umiwas ng tingin sa akin. Tinulungan niya akong makatayo.

"Kulang pa nga yong ginawa ko sa kanya e. Aray ko naman, Ri!"

"Hindi lang kurot ang aabutin mo kapag inulit mo pa 'yon, " ginaya ko ang huling sinabi niya kay Kenneth.

Yes, Kenneth hurt me emotionally but I can't bear to see him hurt just because he hurt me. Hindi bale na ako ang masaktan huwag lang siya dahil doble ang sakit na maramdaman ko kapag nakikita ko siyang nasasaktan.

Madly In Love With Mr. Playboy(COMPLETED) Where stories live. Discover now