Chapter 5 - She's Dead

19.8K 467 10
                                    

CHAPTER 5 - SHE'S DEAD

Chasey's POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaget over sa nangyari.  Pakiramdam ko lutang na lutang ako sa buong klase namin. AP pa man din ang subject at mahilig sa surprise quiz ang teacher namin dito. Sana lang hindi siya topakin ngayon. Ayoko masira ang image ko sa kanya dahil sa lahat ng kaklase ko, ako lang ang mistulang nakikinig. Kahit sa totoo lang ay nakatulala lang talaga ako sa unahan at ni isa wala akong naintindihan sa mga tinuro niya.

Ayoko bumagsak ngayon, that will taint my good girl mask here. And that was the least of my concerns now. Bumalik muli ang isip ko sa nangyari kanina, kumuyom muli ang kamao ko sa ilalim ng mesa. That bastard! Kapag nakilala ko siya, lagot talaga siya sa'kin!

Throughout the class ay iyon lamang ang laman ng isip ko at kung paano ko papatayin ang lalaki kapag nakita ko na siya. Thankfully, hindi nag paquiz si Ma'am kaya medyo nabawasan ang alalahanin ko at nakapag plano pa ko ng maaaring gawin.

Hindi rin ako kinakausap no'ng tatlo dahil alam nila na wala ako sa sarili para makipag usap. But they keep throwing curious glances at me wondering why is my face like this again. Murderous and ready to strike.

Argh! Nakakainis talaga! Kung alam ko lang na mananakaw ang first kiss ko sa room na yun, hindi na sana ako pumasok. Ano ba kasing pumasok sa kokote mo Chasey at pumasok ka dun,ha? Ah yes, curiosity. Fuck that! Ayan napapala mo!

"Hey Chasey, bakit ba parang lutang ka ngayon?" Tanong ni Erickha habang nag lalakad kami palabas ng gate sa school. Hindi na siya nakatiis at nag tanong na siya.

"Wala." I lied.

Minsan kailangan mo din mag lihim sa mga kaibigan mo kasi may mga bagay na kapag kinuwento mo sa kanila ay pag tatawanan at aasarin ka lang nila ng sobra.

Besides that, nakakahiya kung sasabihin ko sa kanila ang nangyari sa'kin sa vacant room, for sure they won't stop teasing me as long as I live or for as long as they live. Madali pa naman akong mapikon, baka hindi ako makapag pigil at mabugbog ko sila.

"Ows? Buong klase kang lutang tapos sasabihin mong wala kang problema? Sinong niloko mo?" Sabi naman ni Ella, nakataas ang kilay.

"Wala nga kasi diba! Porke ba lutang may problema na agad? Di ba pwedeng trip ko lang maging lutang ngayon?" Inirapan ko siya. "Tsk, bye na nga! May pupuntahan pa kami ni Mami." At tinakbuhan ko na sila paalis. Tinawag nila ko pero hindi na ko lumingon. Good thing na medyo malapit lang ang bahay namin kaya keri lang ang pagtakbo at alam kong hindi ako masyado mapapagod.

Hay Chasey, 'wag mo na nga isipin ang nightmare na 'yun! On the way na ang karma kaya mag hintay lang ang tarantadong 'yun. Ha! Kung kilala ko lang talaga siya, hindi lang ang karma ang ibibigay ko sa kanya kung hindi pati death penalty!

Laws be damned.

***
Nandito na kami ngayon ni Mami sa birthday party na sinasabi niya. Birthday kasi diba nung former classmate ko nung elementary tsaka nung kapatid niya. Madaming tao sa bahay nila, maingay ang videoke at maingay din ang mga nag iinuman.

Tahimik lamang ako sa isang tabi habang kumakain ng matamis. Ngumingiti at tumatango ako kapag may kumakausap sa'kin. Oh! I hate being surrounded by people. I feel suffocated, maybe because of my social anxiety. Nasanay kasi akong na sa bahay lang, lalabas kapag minsan gusto ko umalis. Makikipag-interact kapag kailangan. But hindi sa lahat.

I can socialize but only to those people who's worth the time.

And my former classmate? I could tell that she isn't.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now