Chapter 14 - Familiar

15K 380 1
                                    

CHAPTER 14 - FAMILIAR

Chasey's POV

Hingal na hingal ako habang tumatakbo papuntang room namin. 7:30 AM na kasi at by now nag s-start na panigurado ang klase namin sa English. Tinanghali kasi ako ng gising kanina at ala-sais i medya na ko nagising. Hindi ko narinig ang alarm clock ko kaya pandalas na ko ng bangon kanina. Sinermonan pa ko nina Mami at Kuya tungkol sa paglabas ko kagabi ng walang paalam, kaya ayun! Lalo akong nalate.

Strict pa naman ang teacher namin sa english, baka hindi na ko papasukin nun pag nagkataon. Sayang namana ng effort ko sa pagtakbo kung sa labas lang din ako mapupunta.

Pagkadating ko sa class room ay napa 'yes!' na lamang ako ng mahina sa sarili dahil wala pa yung teacher namin. Agad akong pumasok at umupo sa upuan ko. Sinuklay ko rin gamit ang kamay ko ang buhok ko dahil masyado ng magulo dahil sa hangin sa labas. Kinuha ko rin yung panyo ko sa bulsa at pinunasan ang mukha ko na may pawis dahil sa pagtakbo ko kanina. God! Nahaggard ako ng bongga dahil sa pag mamadali ko tapos pag dating ko ngayon ay wala pa pala yung teacher! Pero ayos na rin naman 'yun at least wala ng pangatlong sermon ngayong umaga.

"Hey, girl anyare? Bakit mukhang bad mood ka yata?" Tanong ni Keith na kakalapit lamang sakin at nginuso pa yung katabi ko na as always ay laging tulog. Umirap naman ako at umiling. "Eh ano?"

"Busog eh..." Walang gana kong sagot at alam niya na ang ibig sabihin ko doon. Tumawa siya.

"Wawa ka naman. Ayan kasi, hindi nag papaalam." Panunukso niya kaya kinurot ko siya ng madiin sa braso dahil sa inis. Napa 'aray' naman siya at hinimas himas yung braso niyang kinurot ko. Tinitigan ko siya ng masama.

"Manukso ka pa, bubutasin ko 'yang braso mo gamit ang mga kuko ko." Pag babanta ko at ngumuso lamang siya.

"Brutal na babae! Kawawa naman magiging boyfriend mo, laging bugbog panigurado sa'yo. Tsk. Tsk!" Sabi niya at umiling iling pa. Hindi ko na lamang iyon pinansin at ginala ko na lang yung paningin ko sa classroom. Bakit parang kulang yata kami? Bakit parang wala pa yung dalawa?

"Nasaan sina-" Itatanong ko pa lang sana ng mag salita na siya.

"Wala sila, parehas na absent ang dalawang bruha. Si Erickha alam ko na ang reason nun. Nahihiya daw mag pakita sa'yo. Sa'tin. Si Ella naman, napuyat daw kagabi kaya tinanghali ng gising." Paliwanag niya kaya tumango na lamang ako.

"Anyway, Chasey, the day after tomorrow na yung fieldtrip. Anong plano mo?"

Kumunot ang noo ko. "Ha? Anong plano? Hindi naman ako sasama."

"Ha?! Pero bayad ka na diba? Sayang naman 'yon kung hindi ka sasama."

"Don't care. Hindi naman ako yung nag bayad para dun sa lintek na field trip na 'yon kaya wala dapat akong pang hinayangan. Sorry na lang do'n sa nag bayad sa'kin ng hindi ko alam dahil tanga siya. Sinayang niya lang 'yung pera niya sa walang kwentang bagay."

"Harsh naman nito! Nag mamagandang loob na nga yung tao na ilibre ka eh. Hmp! Bahala ka nga dyan. Ang KJ mo talaga kahit kailan." Pagkasabi niya nun ay nilayasan niya na ko. Tsk! Eh sa ayaw ko nga eh. Ano bang mahirap intindihin sa salitang ayaw? Psh.

May biglang tumunog na phone at mukhang sa katabi ko 'yun dahil agad siyang tumayo at lumabas ng classroom. Natumba pa nga ang upuan niya sa pagtayo niya kaya halos lahat ng kaklase namin na nag iingay ay napatahimik. Muntik akong matawa. Mga takot kay Hiro. Hindi nila alam yung kinatatakutan nila, abnormal.

Nagdaan ang kalahating araw ng klase na ang boring. Lunch na kaya nag sisilabasan na ang lahat. Walang pumasok ni isang teacher sa'min kanina dahil nag aayos daw para sa program mamayang hapon. Ewan ko kung anong program 'yun, wala akong pakielam. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana pala hindi na ko pumasok.

"Hoy bruha! Tara lunch na tayo." Pag aaya ni Keith kaya tumayo na rin ako sa upuan ko at nag lakad na kami palabas ng classroom. Sa paglalakad namin ay nakasalubong namin si Lally sa daan, masama ang tingin, namumula ang mata. What the fuck? May sore eyes ba 'to?

"Mangkukulam ka siguro 'no Chasey? Ikaw ang may gawa sa mga mata ko nito 'no?" Sabi niya sa'kin at napatakip na lang ako sa bibig dahil nag pipigil talaga ko ng tawa. Maski si Keith na nasa gilid ko ay ganon din ang ginawa.

Paksyet! Laughtrip talaga 'to si Lally. May gana talaga siyang komprotahin ako na ganyan ang itsura ng mga mata niya, na kulang na lang ay maging katulad na ng mata ng isang bilasang isda. At seryoso, naniniwala siya sa kulam? Kung mangkukulam ako hindi lang iyan ang aabutin niya.

Kinompose ko naman ng mabuti ang sarili ko at saka tumingin sa paligid. Good thing, walang masyadong tao. Makakapag maldita ako.

"Alam mo Lally, pagamot mo muna 'yang mata mo bago mo ko komprontahin ha? Atsaka..." lumayo ako ng ilang hakbang sa kanya "...layo layo din pag may time kasi baka mahawa ako ng sore eyes mo. Pero sabagay, hindi nga pala ko nilalapitan ng sore eyes."

"At bakit naman?" Nang gagalaiti niyang tanong. Hay nako! Pikon talaga 'tong isdang 'to.

I smiled mockingly. "Maganda kasi ako. Ikaw, kaya ka siguro nilapitan dahil hindi ka maganda!" With that, ay tinalikuran ko na siya at sumunod naman agad sa'kin si Keith na bumunghalit na ng tawa.

"Ikaw na Chasey, ikaw na! Laughtrip 'yung mukha ni Lally noong sinabi mo 'yun. Mukha siyang bull frog! Tangina! Bull frog na may sore eyes." Natawa na din ako. Lakas talaga mang asar nito. Kung sakin ang tingin ko kay Lally ay bilasang isda, sa kanya naman bull frog.

Nakarating kami sa canteen at nag tatawanan pa rin. Pero napatigil ako sandali dahil may nahagip ang mga mata ko na isang babae. Nakatayo siya malapit sa bleachers. Maiksi ang buhok niya, neck level lang, maputi rin siya at balingkinita ang katawan. Simple lamang ang suot niya pero sa itsura niya, nag mistula pa rin siyang elegante.

At hindi ko alam kung nag h-hallucinate ba ko pero parang nakatingin siya sa direksyon namin ni Keith. Sa totoo lang, pamilyar siya sa'kin pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

"Hey, Chasey, natulala ka? Sino bang tinitingnan mo dyan?" Napalingon naman ako kay Keith dahil bigal siyang nagtanong sa'kin. Ituturo ko sana yung babae kaya lang pag tingin ko ulit doon ay wala na siya sa kinatatayuan niya. Hala.

"Wala. Akala ko kasi kilala ko yung nakita ko kanina, hindi pala. Tara! Pasok na tayo, baka wala na tayong table doon. Ayoko pa namang bumalik ng room dahil makikita ko lang si Lally."

"Oo nga. Kakasora pa naman mukha no'n."

Bago pumasok ay tumingin ulit ako doon sa pwesto nung babae kanina, pero wala na talaga siya. Nag kibit balikat na lang ako bago tuluyang pumasok sa loob ng canteen. Who is she?

---
Someone's POV

"Nakabalik na siya?" Tanong ko sa kanya at sumilip ako sa bintana.

"Yup. Kaninang 6 am pa." Sagot niya habang umiinom ng kape at nag babasa ng dyaryo.

"Ba't hindi ko alam? Akala ko next month pa ang balik niya? Ayos na ba siya?" Napakagulo talaga ng isip ng babaeng 'yun kahit kaylan.

"Hindi niya talaga pinaalam sa'yo kasi alam niyang pipigilan mo lang siya sa pagbalik. And napaaga talaga yung uwi niya dahil namimiss na daw niya 'yung anak niya. Pinag bigyan ko naman na kasi naiintindihan ko naman siya, may anak rin ako. Ikaw meron rin. So..." At nag kibit balikat siya.

Napabuntong hininga naman ako at napailing na lamang. Biglang bumakas ang pinto ng dating hideout namin noon, nung buo pa kami. Pumasok siya sa loob at dire-diretsong naupo sa sofa. Tumingin siya sa'min at matamis na ngumiti. Ibang-iba na ang itsura niya.

"Miss me, guys?" She asked, spreading her arms for a hug.

Napairap na lamang ako bago ako pumunta sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap. Itago ko man sa sarili ko pero namiss ko ang bestfriend ko. Matagal ko na siyang kaibigan pero nag kasira kami ng dahil sa traydor naming kasamahan noon. Pero ngayon na nag balik na siya at kumpleto na ulit kami, siya naman ang sisirain namin ngayon.

To be Continued...

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now