Chapter 6 - Dark Junco

18.9K 429 10
                                    

CHAPTER 6 - DARK JUNCO

Chasey's POV

Hindi ako makapaniwala na patay na ang bobang babaeng 'yun. Parang noong isang gabi lamang ay kausap ko pa siya pero ngayon ay patay na siya. Ang tanong, sino naman kaya ang pumatay sa kanya? Dapat na ba kong mag pasalamat do'n sa taong 'yun dahil binawasan niya ang bobo sa mundo?

Oh well, ba't ko ba iniisip ang nonsense na bagay na yun? Paki ko ba?

Weekend nga pala ngayon kaya naisipan kong pumunta sa mall para mag libang. Wala kasi akong kasama sa bahay, wala si Mami, nasa trabaho at wala din si Kuya, malamang nasa tambayan muli siya ng mga gangmates niya at hindi ko alam kung kailan siya uuwi.

Hanggang ngayon nga ay nag tatampo pa rin sakin si Kuya dahil sa nangyari kagabi. Ang isip bata talaga niya, parang 'yun lang nag tatampo agad. Mas nag mumukha siyang babae sa'ming dalawa.

Sumakay ako ng jeep papuntang mall. Letche nga dahil pag sakay ko pa lang hassle na agad dahil sobrang sikip na dito sa loob, buti na lang nakahanap pa ko ng bakanteng space para ma-upuan. Nag tataka nga ko kung bakit hindi pa umaalis yung jeep samantalang para na kaming sardinas dito dahil sa sikip, 'yun pala kulang pa daw ng dalawa, isa sa kanan at isa sa kaliwa.

Tsk! Kung patayuan kaya nila ng second floor 'tong jeep nila para maganda. Putek kasi! Hindi ba nila alam na sobrang init na dito sa loob tapos may katabi pa ko na ang lakas ng power sa kili-kili. Kulang na nga lang mag takip ako dahil sobra yung amoy eh, putcha! Pamatay.

Hindi rin naman nag tagal ay umalis na din 'tong jeep. Buti naman! Kasi kung hindi makikipag palit na talaga ko ng pwesto sa driver. Hindi ko na kaya yung amoy nung katabi ko, habang patindi ng patindi yung init, patindi rin ng patindi yung amoy. Geez! Wala ba itong naamoy sa sarili niya?

Humarap na lang ako sa bintana para makalanghap ng sariwang hangin, tinitingnan tingnan ko din yung mga magagandang sasakyan na nadadaanan namin. Mahilig kasi ako sa mga cars, lalo na yung mga pang karera yung dating. Ang astig kasi! Kahit babae ako, hindi  ako mahilig sa mga girly things, like make up, dresses, hills, accesories and etc. Kabaduyan 'yun para sakin. Minsan nga lang ako mag suot ng dresses, kapag pinipilit lang ako ng nanay ko dahil inis na inis siya kapag bihis lalaki ako. Like what's wrong with that? Mas comportable kaya suotin ang mga damit ng mga lalaki.

Nawala naman ang attention ko sa labas nung may humampas na buhok sa mukha ko. Medyo mahangin kasi sa labas, kaya yung buhok nung katabi ko na may kili kili power ay tinatangay papunta sa'kin, kulang na lang ay makain ko yung buhok niya na amoy panis na laway naman.

Goodness! Ayaw niya man lang itali o kaya hawakan, feel na feel niya pang hinahangin yung buhok niya! Akala niya naman maganda eh puro split ends naman! Hindi pa mabango!

Inilayo ko ng kaunti ang mukha ko para hindi mahagip ng mahaba niyang buhok pero dahil nga mahangin ay naaabot pa din ako. Letche! Gupitin ko yan eh!

Hindi na ko nakatiis kaya nag salita na ko. "Ahm miss, baka pwedeng pakitali naman yung buhok mo. Nakakasakit kasi eh." Maayos kong sinabi. Tiningnan niya naman ako, tinaasan ng kilay at dinedma. Aba! Ang ayos ayos ng approach ko sa kanya tapos tatarayan niya ko.

Bad girl mode: On!

"Miss, hindi noodles ang buhok mo kaya pakitali o paki hawakan naman. Kasi kapag ako nainis dyan sa buhok mong amoy suka at puro split ends...gugupitin ko 'yan!" Pag babanta ko with matching masamang tingin. Mukhang natakot naman siya kaya agad niyang sinide yung buhok niya at hinawakan. Tss. Makikinig din naman pala, pahihirapan pa ko!

Nakarating na ko sa mall kaya bumaba na agad ako ng jeep at pumunta sa entrance door. Actually, pumunta lang naman ako ng mall para mag window shopping at bumili ng bagong libro. Wala na kasi akong mabasa sa bahay, lahat na ng libro doon pati ata dictionary ay nabasa ko na.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon