Chapter 33 - Memories

11.4K 261 3
                                    

CHAPTER 33 - MEMORIES

Chasey's POV

Napa buntong hininga na lamang ako matapos kong mabasa ang message ni Mami para sa'kin. Babalik na kami sa dati naming sa bahay. Sa bahay na kung saan talaga ko totoong lumaki, sa bahay kung saan nando'n lahat ng mga alaala na nakalimutan ko dahil sa isang pangyayari.

"Any problem?" Tanong sa'kin ni Blaze at marahan niyang pinatong ang kamay niya sa balikat ko. Napatingin ako saglit sa kanya at umiling.

Nandito ako ngayon sa bahay nina Tita Les, 'yung mommy niya, dahil kinausap ko siya about doon sa note na pinadala sa'kin. Ang sabi niya ay mag stick lang daw kami sa plano at mag tiwala lang daw ako sa kanya. Everything will be back in to place.  Everything will be back to normal.

Well, I really hope so. Because honestly, I'm so tired living my life.

I heard Blaze sighed and slightly push my forehead with his pointing finger.

"Andrei, you can't fool me. Kilala kita. Spill it or else, you won't be able to go home unless you tell me." Natawa naman ako doon at inirapan siya. He really knows how to read me well, I couldn't even keep a secret from him.

"Okay, fine," Pag suko ko. Hinarap niya naman ako ng maayos at tinitigan ng mabuti. "I just received a text message from my mom saying na babalik na kami sa dati naming tirahan ngayon..." I carefully said. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya.

"And so? I can't see any problem about that." He said at tiningnan ko naman siya ng hindi makapaniwala. Seriously, he doesn't get it? Slow din pala minsan ang isang 'to!

"What? E sa wala naman talaga akong maisip na pwedeng problema e!" Depensa niya ng mapansin niya ang tingin ko.

"Blaze! Memories! Alam mo naman na ayoko ng balikan 'yung masamang nakaraan dati. I'd been running away from those ugly memories and that house will just remind me of everything that happened! Nang dahil kasi doon ay naging ganito ako na dapat hindi naman. Nang dahil doon ay hindi ko na ulit makamtan 'yung buhay na meron ako dati, 'yung walang gulo, simple lang pero masaya." Pag kukwento ko. Sa totoo lang kahit minsan nag eenjoy ako sa ganitong buhay, meron pa rin sa'kin ang gusto na maibalik ang normal kong pamumuhay noon. Iyong walang gulo. Iyong makakatulog ako ng mahimbing at gigising sa umaga na hindi nag aalala na meron nanamang mag tatangka sa'kin.

I miss my old life. Really. I miss the old me.

I then heard him sighed deeply. "You know Andrei, maibababalik mo pa ang buhay na 'yun. Ikaw lang sa sarili mo ang makakabalik ng buhay na hinihingi mo..."

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now